Anonymous? "Naku anak, mag-iingat ka palagi. Marami nang naglipana ngayong masasama lalo na ang hangad lang nila ay ang magkapera kahit pa alam nilang malaking kasalanan ang kanilang ginagawa." "Patingin nga? Jusme kang bata ka, kung sinu-sinong nagmemessage sayo oh. Dapat kasi yung mga classmates mo lang ang nakakachat mo palagi, nakakavideocall mo at nakakapalitan ng messages through emails. Block mo na agad mga hindi mo kilala," wika naman ni Barbie. "I don't know Mommy and Tita kung paano nila nalaman ang email ko. Wala naman akong ibang binigyan ng infos ko maliban nalang kina Sharlene." Binura ni Suzy ang messages maging ang mga e-mails sa sariling 13-inch Ipad nito na niregalo niya pa sa anak noong sixth grade nito. "Bawas-bawasan mo na ang pag-oonline sa social media. Ni hindi

