Tumulak na silang Batangas kasama sina Easton, Alice at Disha samantalang nauna na sakay ng disk spaceship ang mga bisita ni Prinsipe Dronno. Nakaparada kasi iyon sa malaking lawn mismo sa bahay ni Prinsipe Dronno. Samantalang sina Prinsipe Dronno at Ublli ay kasama nila gamit ang pick-up truck ni Alice. Nakayakap ngayon nang mahigpit si Prinsipe Dronno kay Kaira na tila ay ayaw siyang iwanan at pakawalan samantalang nasa hindi kalayuan ang kanilang kaibigan na nasa tabing-dagat. Lumapit na rin sa mga ito sina Mang Nick at Aling Lucing na magpapaalam sa dalawang alien na saglit ding nakilala ng mga ito. “Huwag kang makipag-usap kay Jeff kung maaari, ha?” habilin pa ni Prinsipe Dronno sa kanya na naglalambing. Napatawa naman siya kahit paano. Nagseselos pa rin ito sa manager niya hanggan

