Napagkasunduan nila ni Prinsipe Dronno na mananatili pa ito ng ilang araw bago ito aalis ng Earth. Nakilala rin ni Kaira si Prinsesa Shaenatta na mukhang hindi siya gusto. Well, hindi niya rin ito gusto. Ang ganda kasi nito. Sa tingin niya ay mas maganda pa ito sa kanya. “Ikaw ba ang prinsesa sa mundong ito?” tanong nito sa wikang Filipino noong una silang magkaharap sa may lawn sa bahay ni Prinsipe Dronno. Napatawa pa siya. Parang si Prinsipe Dronno lang noong una. “Hindi, bakit?” Pinasadahan siya nito ng tingin. Si Dronno ay kausap ang isa pang babae, isang lalaki at si Ublli na gamit ang katauhan ni Heneral Ebradus. Pagkatapos silang ipinakilala sa isa’t isa ay kinorner naman siya kaagad ng prinsesa para makapag-usap nang sila lang. “Kung gano’n, bakit ka dinala rito ni Prinsipe D

