Humingi ng ilang araw si Prinsipe Dronno para makapag-isip nang husto. Sa mga sandaling ito ay isinuot niyang muli ang kanyang sandata para maging handa na rin. Kung natunton man siya nina Prinsesa Shaenatta ay hindi rin malayong matutunton sila ng mga Vodruteran kung gugustuhin talaga ng mga ito. Hindi pa niya alam kung paano makaalis at iwan na lang si Kaira. Ang bigat-bigat at sakit-sakit sa dibdib niya kahit isipin pa lang niya ito. Inutusan naman niya si Ublli na ipasyal ang kanilang bisita para hindi mabato ang mga ito at sa gayon ay may matutunan ang mga ito sa planetang Earth. Samantalang siya ay palaging kasama si Kaira. Pero hindi pa rin niya nasasabi rito ang tungkol sa paksang dapat magpakasal siya sa ibang prinsesa at hindi kay Prinsesa Shaenatta para mailigtas ang mga Plere

