Natigilan si Prinsipe Dronno nang umuwi siya sa mansion niya ay naratnan doon si Prinsesa Shaenatta. At hindi pa ito nag-iisa lang. Kasama rin nito ang isa pang Pleretathian, si Heneral Asnnao at isang hindi niya kilala na hindi mukhang Pleretathian. Napatingin siya ngayon kay Ublli na gamit ang katauhan ng namatay na si Heneral Ebradus. Nasa sala ang mga ito at tila nagpupulong. Napabaling naman sa kanya ang atensyon ng mga ito nang makita siyang dumating. “Prinsipe Dronno!” sambit pa ni Prinsesa Shaenatta na mukhang nasiyahang makita siya sa wakas. Tumayo ito mula sa kinauupuang sofa, pati na ang iba. Tumayo rin ang mga kasamahan nito at bahagyang yumuko upang batiin siya. “P-paanong…?” umpisang tanong niya. “Dahil sa system ni Ublli ay natunton namin ang kinaroroonan ninyo,” sagot n

