CINDY POINT OF VIEW "Please, Sir Fing. Nagka-emergency lang po talaga kami kahapon." Kanina ko pa siya pinipilit at sinusundan. Hindi kasi kami nakapag-defense kahapon para sa thesis dahil sa nangyari. At ngayon, nakasalalay sa pagpilit ko ang pagkakataong maka-graduate kami ngayong taon. Humarap siya kaya nagkaroon ako ng konting pag-asa. "Papayag lang ako dahil kahihiyan ng school kung hindi makaka-graduate itong si Sean." Madiin niyang banggit sa pangalan ng asawa ko. Seryoso lang ang mukha niya at tumatango-tango sa lahat ng sasabihin ni Sir Fing. Kanina pa siya ganyan. Actually, to be honest, ganyan na ang mukha niya simula nang umuwi kami ng bahay. Hindi ko siya nakitang ngumiti. "Ikaw pa naman ang top one sa buong school. Dapat hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo nang gany

