CINDY POINT OF VIEW "Hindi ka pa tulog?" "Ganito talaga ko matulog. Naglalakad palabas ng CR." Sarkastiko kong sagot nang magkasalubong kami sa labas ng CR. Nagbago kaagad ang mukha niya at yumuko habang tinitignan ang itsura ko. Ang sakit na nga ng tiyan ko at hindi ko na kaya kung sasabayan niya pa ng galit niya. "Cindy, galit ka pa rin ba?" Mahina niyang tanong. Hindi ako kumibo at naglakad na lang palayo pero sinundan niya ko. Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinila ko palapit sa kanya. Kagat labi akong napapikit dahil sa tiyan ko. Napakasakit.. "Bakit ba? Nakauwi na ba sila?" Kaswal kong tanong. Tumango lang siya at hindi mawari ang mukha. Parang siya pa ngayon ang kinawawa sa aming dalawa. He's face, parang ako pa ang hindi namansin kanina. "I'm sorry," bulong niya at nili

