Binigyan niya ng huling tingin ang sarili sa salamin. Partikular sa suot na puting dress na mas mukhang yellow dahil sa kulay ng bulaklak na design ng buong tela. As usual pagmamay-ari parin iyun ng namayapang si Dana Smith. Inayos niya ang buhok na ginamitang ng hair rollers na nakita niya sa isang cabinet. Who use them these days, muntik ng matawa si Faith. Pero effective dahil nagkaroon ng volume ang mahabang buhok. Sana'y hindi bigyan ng maling kaisipan ng mga kasama ang ayos niya. Rouhi promised to show her the family yacht na nakadaong di kalayuan sa villa. Nasa kalagitnaan siya ng hagdan nang tumingala si Rouhi. Napigil niya ang paghinga nang makita ang reaksyon ng lalaki. Pinanood siya nitong bumaba with admiration in his eyes. She gave him a shy smile nang marating ang kinatata

