Pagkadaong ng yate ay narinig ni Faith ang pagtunog ng cellphone ni Rouhi. Lihim siyang napapitlag. Nagiging ugali na niya ang kabahan sa tuwing magri-ring ang cellphone ng binata. Anytime ay maari silang makatanggap ng balita mula kay Russel. Strange, pero mas kinakatakutan niyang umuwi ng Pilipinas. She looked at Rouhi worriedly. Natatakot siya sa sariling damdamin sa paglipas ng mga araw. She enjoyed being with him that she is so worried to death. Paano kung isang araw ay kailangan na niyang umuwi ng Pilipinas? Aksidenteng dumako ang mata ni Rouhi sa kanya. Pilit niyang pinaaliwalas ang mukha at ngumiti. Pagkatapos ay nagpatiunang sumampa sa pantalan habang sinasagot ng binata ang tawag. Ilang minuto itong nakipag-usap sa kabilang linya. Maya-maya'y nilapitan siya at agad inabot ang

