Hindi sinasadyang mapatingin sa library si Faith nang marinig ang mataas na boses ng mag-ama mula doon. "Nag-uusap lang sila. Ganyan talaga ang tono kapag na-uusap ang mga Arabic." Hindi niya pinansin ang tinuran ni Russel at nagtuloy sa kusina. Hindi naman siya stupida para paniwalaan ang sinabi nito. For sure ay nag-aaway ang dalawa. At isa na siya marahil sa dahilan. She shouldn't be here after all. Faith couldn't help herself but to feel bad knowing na isa siyang complication sa buhay ni Rouhi. Inabutan nila ang mag-tiyahin sa kusina. "Oh, Faith malapit na itong niluluto ko." Si Manay Rosa habang busy na naghahalo sa kalan. Si Pablo ay nasa isang tabi at nakatutok ang mata sa cellphone habang naglalaro. She will miss them too. Parang piniga ang puso niya knowing na hindi na niya k

