Chapter III: Fated Ruckus

3686 Words
Ipinilig ni Faith ang ulo kasabay ng bahagyang pag-unat at tumingala sa blanko at madilim na kalangitan. Simula nang dumating siya sa bansang ito'y mabibilang sa kamay ang pagsilip ng mga bituin doon. Oh how she missed Philippines. Nasa balkonahe siya ng grand ballroom kung saan katatapos lang idinaos ang naturang event na dinaluhan. She was astonished by what she experienced. Malalaking tao hindi lang sa bansang ito ang dumalo, but most of the powerful and rich people from Gulf Region. Kahit ang incumbent Saudi king ay naroon sa panggigilalas niya. She was shaking when Sheik Khalifa bin Zayed Al Nahyan, the current President of the United Arab Emirates, the Emir of Abu Dhabi, the Supreme Commander of the United Arab Emirates Armed Forces, nang manghingi ito ng inumin sa kanya. Beside him is the Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum,  the Vice President and Prime Minister of the country and ruler of the Emirate of Dubai. Ilang Prime Ministers din ng European countries ang naroon. She was like in totally different world for a moment. But she managed to maintain her composure. Siya ang tipo na  kahit gaano kayaman at makapangyarihan ang isang tao, as long as hindi siya sinisita or alam niya sa sariling wala siyang ginagawang mali ay hindi siya masyadong apektado. Surprised and amazed, yes, but unaffected by their intimidating looks. Lumingon siya at hinanap ng tanaw ang kasamahan. Nakapag-bihis na siya at kasalukuyang hinihintay si Rain bago sila dumeretso sa bar ng mismong hotel kung saan nagkayayaan ang mga part-timers. Wala sa sariling nayakap ang sarili. Why does she still feel so lonely? Why the pain is still there? Kahit anong pilit ang gawin niya'y nararamdaman parin ang paninikip ng dibdib sa tuwing maaalala si Daniel. What is he doing right now? Is he okay? Does he often think of her the way she thinks of him? Ilan lang ang mga tanong na iyun na sumasagi sa isipan niya. Gosh! she missed him. She still do. At iyun ang labis niyang ipinagsisintir, bakit ba siya sobrang affected samantalang ni hindi yata ininda ng binata ang paghihiwalay nila. "Faith, lets go....." Excited na tawag sa kanya ni Rain na pumutol sa malalim na iniisip. "It's time to party."  Biglang nagsalubong ang kilay nito nangg makita ang itsura niya. "O bakit sambakol naman yang mukha mo." Nilampasan niya ito at patiunang naglakad papunta sa elevator. Hindi dapat siya sasama pero hindi ito pumayag na umuwi siya mag-isa sa accommodation sa dis-oras ng gabi. Besides, she have to look for Laila, kasamahan niyang nag-usherette. Nakalimutan kasi nitong kunin sa backpack ang pouch na ipinakisuyo nito kanina. "Pasensya kana Faith, alam kong pagod kana. Minsan lang naman ito," turan ni Rain na tinatantya ang mood ng dalaga. "Okay lang Rain. Huwag mong pansinin ang reaksyon ng muka ko. Sadya lang talagang lagi akong nakasimangot." "Oh, mabuti kung ganun. Akala ko'y nagagalit kana." She smiled a bit. Nakalimutan niyang hindi sanay ang kasamahan sa ganuong mood swings niya. "Hindi ako mahilig sa maingay pero kailangan ko kasing hanapin si Laila. Huwag mo nalang akong pansinin para hindi ma-spoil ang gabi mo." Hindi na umimik pa si Rain na biglang na-intimidate kay Faith. Pagpasok sa bar ay bahagyang hinaplos ni Faith ang tenga ng salubungin sila ng malakas na musika. Tulad ng ordinaryong bar na napuntahan niya sa Pilipinas, maingay ang paligid, maraming tao at medyo may kadiliman ang lugar. But this is more classy and wider than a normal bar. Tanging ang ilang dancers sa sulok ang nagsasayaw na tila wala ng bukas. Mga simpleng nagtataas ng kamay at pakyimeng umiindak naman ang mga guest. Most of them in groups. White people and blacks. Less Asian. "Tara girl, andun sila." Si Rain at iginiya siya patungo sa mga kasamahan. Dinatnan nila ang limang usherettes na may kanya-kanya ng katabing hindi niya mawari ang mga lahi. Ibang kasamahang lalaki na nag-waiter na kasalukuyang nagkakatuwaan habang umiinom na. Ilang members ng coordinators at mga kaibigan ng mga kaibigan ng mga usherretes ang nasa table. Automatically, her eyes surveyed the entire room to look for a specific person. And there she is nakaupo malapit sa bar, talking to someone. She's about to approach her nang matitigan ang kausap nito. Naitulos siya at bahagyang nagdalawang-isip kung lalapitan ang dalaga. It’s him! agad na nakilala ang lalaking nakasalubong niya kanina sa back door. Hindi ito naka-gandurah at sa halip ay jeans at black signatured polo shirt na pinatungan ng designer's jacket sa ganoon ding kulay ang pang-itaas nito, contrasting his skin color. Sa ulo'y naka-suot ng sumbrero sa halip na puting tela. Nangingibabaw ang presensya nito dahil sa ilaw na tumatama sa balat nito. Sakto namang napalingon si Laila sa direksyon na napangiti nang makita siya. Maging ang kausap nito'y napabaling sa kanya. There is no sign of recognition in his eyes. She hesitated for a while pero nagsimulang humakbang palapit ang mga paa. Saka lang niya napansin na may kakaiba sa binata. Her eyes automatically focused on his dark, glorious, flowing mane of curly hair. Halos umabot iyun sa balikat nito. Marahil ay natakpan iyun ng suot nitong keffiyeh kanina. "Mabuti naman at sumama ka. Akala ko'y uuwi kana." Bungad ni Laila nang tuluyan siyang makalapit sa may medyo kalakasang boses. Nagkibit-balikat siya pero hindi nakaligtas ang bahagyang paghagod nito sa kabuuan niya. Faith is wearing a black tight jeans and a tank top matching a sneakers. Suot na niya iyun kanina pero nagpalit siya ng pang-itaas. Out of place pero wala naman siyang ibang choice dahil iyun lang ang dala. "Pakikisama...." Tipid niyang sagot at ito naman ang pinasadahan. Laila is well-prepared. She is wearing a red sleeveless dress na bumakat sa katawan nito. Klase ng damit na hindi niya kayang suotin sa harap ng maraming tao. Oh well, may maipagmamalaki din naman kasi ito. Both body and face. "Oh, by the way this is Mr. bin Futtaim, he's a guest here at Emirates Palace Hotel. This is Faith, I'm with her at the event upstairs," pagpapakilala nito sa kanila. Hindi man lang tuminag ang binata at pinasadahan lang siya ng tingin. Faith was a little bit insulted but again, ipinagsawalang-bahala na lamang niya iyun at sa halip ay tipid na tumango rito. "Kanina pa kayo dito?" Faith asked focusing on the girl. "Yung pouch mo nasa bag ko." Laila's eyes glowed with satisfaction knowing na hindi nakuha ng kasamahang lumapit ang atensyon ng kausap na lalaki. Muntik ng itong mawalan ng self-confidence sa ipinapakitang kawalang interest ng binata. Napansin ng babae ang pagsunod ng mata ni Rouhi nang pumasok si Faith sa entrance ng bar. Pati na ang pagsasalubong ng kilay nito. Ngunit mukhang nagkamali siya. She smiled. "For like thirty minutes now and then I accidentally bumped with him on my way to the toilet and then we exchanged a few conversations and so on, right Rouhi." Baling nito sa binata na halatang hindi interesado sa sinasabi ng kausap. "I said don't call me that way." Bruskong sita ng lalaki rito. Halatang na-offend si Laila pero sandali lang at muling ipinaskil ang matamis na ngiti sa labi. "S-sorry." Hinging paumanhin nito "You're right and it's so careless of me. Anyway where did our conversation end, oh..."at nagpatuloy ito sa pagkwe-kwento na tila wala siya doon. Naroon ang kagustuhang lumayo ni Faith pero hindi niya gusto ang style ng lalaki. Atleast naroon siya para ma-back-upan si Laila kung sakali. Hindi niya alam kung bakit nagtya-tyaga ang babaeng kausapin ito gayong halatang hindi ito interesado rito. Bukod sa nakaka-nosebleed ang makipag-converse ng diretsong English, she does sounds cringey at some point. And the man, pwede naman itong mag-excuse at umalis. Hmmp...sabay irap sa direksyon ng binata na hindi sinasadyang mapatingin sa kanya. Sandaling nagtama ang mata nila, kasunod ay ang pagsasalubong ng kilay nito. Agad siyang tumalikod at nagtungo sa bar saka nag-order sa waiter ng long island ice tea. Iyun lang ang kaya niyang inumin dahil mahina ang tolerance niya sa alak. Sandali niyang napigil ang paghinga at pasimpleng kinapa ang dibdib upang kalmahin ang sarili. Bigla ang pagsikdo niyun. Paano kung masamain ng lalaki ang pag-irap dito at pag-initan siya? Hinayaan niyang tumabing ang mahabang buhok sa mukha at marahang pinaglaruan ng daliri ang dulo niyun. The place must have been too much for her. Hindi magandang magkaroon siya ng negatibong damdamin para sa isang estranghero, lalo at sa isang arabong tulad nito. Inalis niya ang atensyon sa dalawa at matamang nagmasid sa paligid pero muli ring ibinalik while sipping her own drinks. Napansin niyang panay lingon ni Rouhi sa paligid na tila may hinahanap habang may sinasabi ang katabi. Part of her felt really sorry for Laila. Bakas sa mga mata nito ang kagustuhang makuha ang atensyon ng lalaki. Well not just her. Ilang kababaihan pa ang tila pinagmamasdan ang tinawag na Rouhi. Waiting to be noticed. Pero ang ekspresyong nakabakas sa mukha ng lalaki ay plain boredom. Na tila napilitan lang itong pumunta sa lugar. Itinaas nito ang hawak na bote at diretsong tinungga. Agad tumaas ang kilay ni Faith sa nasaksihan. And she thought Arab people don't drink coz its haram. But then again hindi naman siya sigurado sa totoong nationality nito. But still, he's wearing a gandurah when you saw him. Giit ng isang bahagi ng isip. So? Dahil naka-suot ng ganoon hindi na ito pwedeng mag-inom, malay mo naman may pinagdadaanan. Sagot ng kabilang bahagi ng isip. Well atleast naisipan nitong hindi magsuot ng traditional clothe ngayong sinuway nito ang isang mahigpit na kautusan ng kultura ng mga ito. Faith sighed at the thought. Bakit ba niya pinagkaka-abalahang isipin at suriin ang lalaki. Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ang mata sa ilang mga bisitang naroon. Nag-uumapaw ang karangyaan sa buong lugar. Sa tv at youtube niya lang nakikita ang mga ganoong mga klase ng tao. Pilit nilibang ni Faith ang sarili sa panonood sa mga babaeng nagsasayaw and wondered kung anong nationality ng mga ito. Kung kabayan ang mga ito'y hindi na siya magtataka. Mayroon palang ibang lahi ang pumapayag sumayaw sa night Club. And knowing na talagang magaganda at sexy ang mga ito. They must have a good reason. Ipinagkibi-balikat nalang ng dalaga ang sariling komento. Another thing she'd learn in this country, ay hindi basehan ang itsura para umangat ka sa buhay, kailangan mo ng diskarte at higit sa lahat kapit. Nang sa muling pagbaling niya ng tingin sa kinaroroonan ni Rouhi at Laila'y napatayo siya sa kinauupuan nang mapansing tila may ka-argumento ang huli. Samantalang tila walang nagyayaring nakamasid lang ang una. Pasimple siyang lumapit sa mga ito. "Come, my boss wants to talk to you." Sabi ng isa sa dalawang lalaking tila umaakay kay Laila. Nilingon ni Faith ang mga kasamahan na kasalukuyang nagkakasiyahan at umiinom. Mukhang hindi alam ng mga ito ang nangyayari. For a moment ay nahati siya kung kukunin ang atensyon ng mga kasamahan o lalapitan si Laila. On impulse, she chose the second. "W-wait, I don't know you guys and I don't want to go with you." Nasa tinig ni Laila ang panic. Nagmadali si Faith. Pagkalapit ay agad niyang hinablot ang kamay ni Laila at hinila ito palapit sa kanya. Nagulat ang dalawang lalaking mukhang marami ng nainom. "She said she doesn't want to. So why do you keep on insisting." Pilit niyang tinatagan ang boses kahit ang totoo'y medyo nangilag siya dahil sa laki ng katawan ng mga itong mapagkakamalang mga bouncer. "And who are you young lady? Do you volunteer yourself in exchange of her?"anang isa na biglang kumislap ang mata nang matitigan siya. "Surely Mr. Fathy will be happy to have you."  Sabay dakma sa braso niya at iniharap sa isang panig ng bar. For a moment ay pinag-iisipan kung posible bang magkaroon ng gangsters sa UAE. They were a group of men na mas nais niyang isiping mga bouncers. They are all wearing black shirts at namumutok ang mga braso sa muscles. Sa gitna ng mesa ay isang lalaking napapaligiran ng mga babae. Itinaas ang hawak na baso nang magtama ang mata nila. Dahil sa pinanghalong gulat at takot sa pagkakadaiti ng kamay sa sariling balat ay napapiksi si Faith. On instinct ay dinampot ang basong halos napapangalahati ang laman sa kalapit na mesa. Isinaboy sa mukha ng lalaki na nagtagis ang bagang. Awtomatikong napaatras si Faith nang makita ang pagbangon ng galit sa mukha ng lalaki. "Too late now?" nakangising sabi ng kasamahan nito. Wala sa sariling nilingon muli ang mga kasamahan na mukhang wala paring ideya na nasangkot na sila sa isang away. Should I scream? Tuluyang umahon ang panic sa dibdib ng dalaga. Marinig kaya nila ako kung sakali?. Impossible! Masyadong malakas ang music. Agad ding bawi sa ideyang naisip. Awtomatikong nilingon si Rouhi. Nakasalubong niya ang nagtatanong na mga nito. She wanted to ask help. Pero walang lumabas na salita sa labi. Nasa mata nito ang accusation. For what? Nakaramdam siya ng pagka-inis dito. "F-Faith...." Mahinang tawag ni Laila. Napalingon siya sa lalaking palapit. "You stupid b***h!!!!" Ang sinabuyan niya ng likido kanina sabay hawak sa magkabilang balikat ni Faith Gumapang ang kilabot sa buong katawan nang maramdamang muli ang kamay nito sa balat niya. "D-don't touch me," singhal niya ngunit tila nilalamon ng musika ang tinig. Pilit siyang nagpupumiglas sa pag-akay nito. She was horrified. "Come on guys why are you forcing her?" tinig na nanggaling kung saan. Huminto ang may hawak sa kanya at nilingon ang nagsalita. Sa wari ni Faith ay kabayan ito base sa itsura. "Let's all be grown up here and let's talk about this." dagdag ng lalaki in friendly tone. Tila walang narinig ang may hawak sa kanya and started dragging her again. Ang sunod nalang niyang naramdaman ay ang pwersang humila sa may hawak sa kanya. "Hey man!" anang kabayang lalaki na hindi natapos ang sasabihin dahil inundayan na ito ng suntok na nagpasadsad dito sa isang tabi at tumama sa paanan ng isang mesa. Noon lang tila napansin ng mga taong malapit sa kanila ang nangyayari. Ang ilan ay sandaling natigilan. Ang ilan nama'y makikita ang amusement sa mga mata. "Come on pal. Alaistirkha!!" Maawtoridad na sabi ni Rouhi na sa wakas ay tumayo sa kinauupuan at binitawan ang hawak na baso. "La tantawi ealaa nafsak huna" maangas na sagot ng lalaking may hawak sa kanya kanina. At nagsagutan ang mga ito in Arabic. Litong nagpalipat-lipat ang mata niya sa dalawa. Walang anumang emosyong mababakas sa mukha ni Rouhi samantalang galit ang sa isa pa. Ang mangilan-ngilang nakakaintindi ng Arabic na nasa paligid ay nag-umpisa ng magkantiyawan na lalo niyang ikina-panic. Napansin ni Faith na tumayo ang lalaking nasuntok na mukhang kasamahan ni Rouhi. Nanatili ito sa likod ng lalaki na tila handang bumack-up. Maya-maya'y dumapo sa gwapong mukha ni Rouhi ang isang suntok na hindi inaasahan ng lahat. Napasinghap si Faith at umahon ang pagtutol sa dibdib. At kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ng  lalaking nasa likuran ni Rouhi at akmang susuntok ng pumagitna ang isa pang guest ng bar. "Come on guys lets not ruin the night. You see everyone is enjoying." Anito sa British accent. Ngunit hindi ito pinakingan ng malaking lalaki at inundayan din ng suntok dahilan upang bumagsak ito. Naging mabilis ang mga pangyayari hanggang sa magkaroon na ng rambulan sa pwesto nila. Maging ang kasamahan ng lalaking umawat lang ay nadamay na rin. Lito siya at hindi alam gagawin na nakamasid lang sa mga ito. "Faith anong nangyayari?" Hangos na tanong ni Rain na hindi niya napansing nakalapit. Napatili ito ng bumagsak ang isang lalaki sa may paanan nila. Sa halip na sumagot ay hinanap ng mata si Laila na wala na pala sa likuran niya. Her eyes surveyed the place and there she saw her habang pilit hinihila ng isang lalaki papunta sa emergency exit. Malapit dito ay si Rouhi naman na nakikipagbuno sa isa pang lalaki. "Let me go.." Pilit nagpupumiglas ang dalaga sa may hawak rito. Tarantang nilapitan ni Faith ang mga ito at hindi na nakapag-isip pa na basta nalang kinuha ang boteng nakapatong sa mesa at ipinukpok sa ulo ng lalaking pilit humihila dito. Nilingon pa siya nito kaya siya naitulos sa kinatatayuan. Akala niya'y pagbubuhatan siya nito ng kamay ngunit tuluyan nalang din itong natumba. Umalis ang lalaking nakikipagbuno kay Rouhi nang makita ang pangyayari. Dinakma nito si Laila. Nakipaghilaan si Faith. Galit na hinarap siya ng lalaki ngunit bago nito magawa ang nais ay dumapo ang kamao ni Rouhi sa mukha nito. Napasadsad ang lalaki. "Afraid of me huh," kantyaw rito ni Rouhi.  Lumapit ang kasamahan ni Rouhi.. "Miss, you better leave. Isama mo si Rouhi ako ng bahala rito." Lumapit ito sa binanggit. Sandaling nag-argumento ang dalawa. Nawala ang atensyon niya sa mga ito nang mapansing palapit na ang ilan pang mga lalaki galing sa grupo ng mga thugs. "L-Laila let's go..." ngunit ng lingunin niya ang babae'y wala na ito sa likuran. Sa halip ay ibang kamay ang humila sa kanya at nanlaki ang mata ng mapagsino iyun. "Don't look back!" maawtoridad na utos ni Rouhi at hinila siya papunta sa emergency exit. She wanted to ask why is she running with him gayong nasa loob pa ng bar ang mga kasamahan ngunit hindi niya nagawa nang marinig ang tinig ng mga sumusunod sa kanila. "Yalla..." binitawan ni Rouhi ang kamay niya at pinagpipindot ang elevator button ngunit sadyang nanadya ang pagkakataon dahil nasa pang-ilang palapag pa iyun. "Damn!!! Lets take the stairs." He grabbed her hand again at iginiya siya nito doon. Pumasok sila sa malapit na fire exit at tinugpa ang hagdan pababa. "W-where are we going?"nalilitong tanong ni Faith at pinaglipat ang mata sa mukha ng gwapong arabo at sa magkasalikop nilang kamay. Her heart was beating fast. Hindi niya mapagdesisyunan kung dahil ba sa ginagawang pagtakbo o dahil epekto ng pagkakahawak nila ng kamay. Oh, why does he have a very soft ang warm hands. "Bailing out, what else!" hindi itinago ang pagka-irita sa tinig ng binata. "B-but why?" naguguluhang tanong ni Faith. Hindi ito sumagot kaya binawi niya ang kamay mula rito. Taas-baba ang dibdib niya upang habulin ang sariling paghinga. "I-I don't know why I'm running with you!!! I-I don't know you" Rumihistro ang pagkabahala sa mukha niya. "M-my colleagues, they are still upstairs." Aniya upang pagtakpan ang pag-stammer. Oh, she have all the rights to refuse, pero bakit kinakabahan siya. "You don't understand. What we have to do is to leave this place first." Sagot ni Rouhi na hindi alam ang mararamdaman. Nadamay ito sa gusot ng dalawang babaeng hindi naman nito kakilala. Getting involved in a fight is the least thing he needs in his current situation. Kahit anong ganda pa ng kaharap. Who knows kung anong klase itong babe gayong kaibigan ito ni Laila. That woman! Kung hindi kabastusan ang iwan ito'y matagal na niyang ginawa. Nakuha ng babae ang atensyon dahil Pilipina ito. But she was too pushy. At hindi niya iyun gusto. Filipina women should be outspoken, timid. Though ano pa bang inaasahan niya gayung nakilala niya ito sa bar.  Umiling si Faith at hindi tuminag. "Yalla!" si Rouhi sa mataas na tinig sabay ng paniningkit ng mata. Nakipagsukatan si Faith ng mata. Pilit itinago ang paglunok. Nakita niya ang bahagyang paggalawan ng muscles sa mukha ng lalaki, sign of impatience. Hanggang sa ito ang kusang sumuko. Tumingala at hinilot ang batok. Kung sa ibang sitwasyon ay gugustuhin ni Faith ang titigan ang gwapong mukha ng binata. His entire face is so red. Kung dahil ba sa nainom o sa pagtakbo nila'y hindi niya mapagdesisyunan? But he was really good-looking. Nabulabog lang sila ng marinig ang mga papalapit na yabag. "Yalla" bahagyang nag-iba ang tono ng binata sabay hila ng kamay niya.  Walang nagawa si Faith kundi magpatangay sa agaos. Binuksan nito ang pinto at napadpad sila sa hallway ng mismong hotel. Ilang guest ang nakasalubong nila na binigyan sila ng makahulugang tingin. Nayakap niya ang sarili. She suddenly felt cold. "Just relax and don't grab attention!!!" bulong ng lalaki na bahagyang inilapit ang bibig sa tainga. Napaigtad si Faith as she felt his warm breath. May gumuhit na tila kuryente sa pagkakadikit ng mga labi nito sa kanyang balat. Akala niya'y makakahinga na siya ng makasakay na sila ng elevator. Ngunit pagdating sa mismong lobby ng hotel ay isang gwardiya ang nakapansin sa kanila. "Sir," sigaw nito. Sa halip na huminto'y binilisan ni Rouhi ang lakad at kunwari'y hindi napansin ang pagtawag. Sumabay sa ilan pang guest na kasalukuyang palabas ng main lobby. "Wait sir, you've been called!" sita ng foyer sa kanila. Ngunit nagbingi-bingihan ang binata at tumalilis sila sa gilid ng hotel dahil ilang gwardiya pa ang nasa unahan.Hindi niya maintindihan kung bakit tila sila criminal gayong dapat ay kakampi nila ang ito mula sa mga taong humahabol sa kanila. Pero sa pagtataka ni Faith ay sumabay siya sa agos. Nagpatuloy sila sa mabilis na paglalakad. Ang kamay ay nanatiling hawak ni Rouhi. Wala siyang idea kung saan sila papunta. Hanggang sa marinig niya ang banayad na tunog ng alon. Is it a beach? Bumangon ang excitement sa dibdib ng dalaga. Bahagyang nakalimutan ang sitwasyong kinalalagyan. And then they started running. Hawak-kamay ay lakad-takbo sila habang tinutugpa ang daan palayo sa glamorosang hotel. Hindi alintana ang mainit na dapyo ng hanging sumasalubong sa mukha. She have a strong feeling that they were heading to the beach side. Napagtanto niya iyun nang mag-simulang makaapak ang paa ng bungangin at lumakas ang tunog ng alon. May kadiliman ang tinatahak pero sapat ang ilaw sa paligid para makita ang unahan. "W-wait!!" Maya-maya'y sabi ni Faith. Halos hindi na lumabas ang tinig mula sa lalamunan. "W-wait!!!" Ulit niya sabay hila ng kamay mula kay Rouhi at napasalampak. Nilingon ng binata ang pinanggalingan bago ito tuluyang humiga sa buhangin. Habol nito ang paghinga. Ginaya ito ni Faith. She closed her eyes and listened to his rugged breathing na sumasabay sa tunog ng banayad na paghampas ng alon. For a moment silence filled them. Kung gaano siya katagal nakapikit ay wala siyang ideya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD