"My name is Rouhi. Akram Rouhi al Hashimi bin Futtaim."
Nagdilat ng mata si Faith at bahagyang napasinghap nang masilayan ang kalangitan. Hindi napigilang mapabulalas. "Wow!"
"I know!!!" he agreed unwillingly.
"No! I mean look at the sky." Itinaas niya ang palad na tila kaya niyang ikulong ang mga bituin doon. May kakaibang kaligayahang bumalot sa dibdib niya. It was indeed stars. At marami-marami iyung nagkalat sa madilim na kalangitan. "I never thought that I'll be able to see the stars here." Faith murmured in amazement. Kung saan-saan na siya nagtungo pero dahil sa city lights ay hindi niya matanaw ni isang bituin sa Abu Dhabi. May ngiti sa labing bumaling siya kay Rouhi. "Sorry!! I got excited. I've been wanting to see the constellations since I've arrived in this country, like I used to in the Philippines. I'm Faith by the way. Lorena Faith. I'ts nice to meet you Mr. Rouhi. Though I still don't understand why I'm with you right now, and why did we run away from those guards," aniya na nilangkapan ng marahang tawa ang sinabi bago muling ibinalik ang mata sa kalangitan.
"Faith..." ulit ng binata na tila ninanamnam iyun sa dila.
"I wonder if I can see the big deeper here." Faith tried to patterned the constellation with her fingers without the intrusive Abu Dhabi lights. "Oh, that's Lyra," turo niya sa isang paning ng kalangitan hindi naitago ang excitement sa tinig "Can you see that bright star?" nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa itinuturong bituin. "That is called Vega. And if you connect that to the lopsided square stars making it as tail then that's the Lyra. Its a very small constellation but because of Vega it can be seen easily."
"Do you study astronomy?" nasa tinig ni Rouhi ang curiousity habang nakatitig sa magandang mukha ng katabi. Ni hindi pinapansin ang itinuturo ng babae. He was enchanted by her smile. The angelic sound of her voice. She must have lots of interest in what she is saying. Halata iyun sa mata nito. And Rouhi found her so interesting. He couldn't take his eyes off her.
"I wish I do, but unfortunately I'm not." She smiled sadly. " You want to know the story of that?" hindi na niya hinintay ang sagot nito at diretso na siyang nag-kwento.
"Greek mythology?" amused na tanong ni Rouhi hindi inaalis ang mata sa babae.
Tumango si Faith. She wondered why he's not stopping her. Madalas siyang pinuputol ng mga taong pinagkwe-kwentuhan niya ng tungkol doon. Even Daniel thought it's just a waste of time. Pero iyun ang hilig niya. Masaya siya sa tuwing nakakabasa ng tungkol sa astronomy. Atleast the man beside her is so polite not to stop her. "In Greek mythology Lyra represents the lyre of Orpheus. It was said to be the first lyre ever produced. It' was said that his music, Orpheus' music I mean, was more beautiful than any of mortal man, it can soothe anger and bring joy to weary hearts. Wandering the land of depression after his wife died, he was killed and his lyre which is actually a harp was thrown into a river. Zeus sent an eagle to retrieved it and was then placed in the night skye." She paused for a moment. "It's so tragic, right! What do you think?"
"It's just a myth. Why do you believe in such things." Komento nito.
"I don't see anything wrong. Besides there's a lot of unexpalainable events that are happening around us. So why not. Sah?" she murmured with a small smile at nilingon ito.
Nagtagpo ang mata nila. "Sah!" sang-ayun nito giving her his open and natural smile. Kauna-unahan mula ng magsangga ang landas nila.
Napigil niya ang paghinga. Faith found herself uncharacteristically discomposed and her breath caught in her throat for a moment. His beauty at close range struck her powerfully, as if she were imperiled by such flagrant handsomeness. And oh God, he was smiling. Parang gustong tumalon ng puso niya mula sa dibdib.
Tila may nag-uudyok sa kanyang haplusin ang mamula-mulang pisngi nito. He is cute! she admitted to herself. Cute? Faith, he was strikingly handsome, lihim siyang napangiti. With that smoldering good looks and a bad boy persona, Faith can't help herself from swooning. May pigil na ngiting iniwas niya ang mata mula rito at ibinalik sa kalangitan. By doing so, akala niya'y tuluyang kakalma ang dibdib niya. Pero mali siya. Dahil nanatiling nag-huhurumentado ang puso niya knowing na nanatiling nakatuon ang mata ng binata sa kanya.
"Any more conversation after that?"
"Naku, tigilan mo ako Gem sa kakatanong. Makita na naman tayo ng boyfriend mo na nagtsistsikahan pagagalitan ka na naman nun." saway niya sa kasamahang host. Kinukulit kasi siya nitong mag-kwento tungkol sa pangyayari noong nakaraang linggo. Well, nandoon kasi si Gem nang lapitan siya ni Rain kinabukasan din lang ng pangyayari. Labis-labis ang pag-aalala nito dahil bigla siyang nawala. Nanghingi siya ng paumanhin at pasasalamat narin sa pagbitbit nito ng naiwang bagpack.
Nag-alala ang kaibigan at napilitan tuloy siyang mag-kwento.
"At ako lang talaga Faith!" pinanlakihan siya ng mata nito.
"Alam mo namang ikaw ang apple of the eyes ni sir Saife diba!! We already accepted that fact." Nagpalitan sila ng makahulugang tingin ni Kajika, isa pang kasamahang hostess.
"Ewan ko sa inyong dalawa. Dito na nga lang ako." Umalis ito sa kinatatayuan at lumipat sa kabilang panig ng pinto ng restaurant facing the entrance kung saan manggaling ang mga guest.
Hindi napigilan nina Faith at Kajika ang mangiti. Alam na alam nila kung paano patatahimikin ang pinaka-batang myembro ng host.
"Guest approaching. Limang nagtatayugang mga diyos." maya-maya'y hindi napigilang bulalas ni Gem.
"Asan??" Curious na tumabi si Kajika dito. "Oo nga, and they're heading this way!!"
Naghanda si Faith ng menu para sa mga paparating na guest. Sanay na siya sa ganoong eksena. At kadalasa'y dissappoiment lang ang inaabot niya. Magka-iba naman kasi sila ng tipo.
Gem loves foreign people, ganoon din si Kajila. Samantalang siya'y loyal sa mga kapwa Pilipino. Never siyang na-attract sa mga banyaga, kahit anong nationality. Well, maliban sa isang particular na lalaking aminin niyang umuokupa sa isip magpa-hanggang ngayon. But she doubted kung magsasangga pa ulit ang landas nila ng gwapong arabo.
Magiliw na binati ng dalawang kasamahan ang ilang nagtatayugang kalalakihang kasalukuyang papasok sa entrance. Nag-angat siya ng mukha mula sa binabasang s***h sheet at natigilan nang mapagsino ang isa sa mga tinutukoy ng mga ito.
Hindi niya alam kung bakit biglang tumahip ang dibdib niya. Mabuti nalang at busy ang dalawang kasamahan kundi'y napansin sana ng mga ito ang bahagyang pagkakatigagal niya.
Rouhi seemed to not know or rather not recognized her. Tila hindi nito alam na minsan ay nagsangga ang landas nila. She prepared a smile of recognation kung sakaling magsalubong ang mga mata nila ngunit ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata.
Tignan mo nga naman kapag nagbiro ang tadhana at sa dinami-raming restaurant sa Al Whada Mall ay sa Olive Garden pa talaga napadpad ito. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Faith.
"Ang popogi nila noh. Kay ate Dona ko binigay sa chianti para medyo ma-inspire naman siya ng konti." Hindi maitago ang tuwa sa tinig ni Gem ng makabalik ito mula sa pag-guide sa mga guest sa mesa ng mga ito. Iyun ang trabaho nila bilang guest relation officer s***h GRO s***h hostess. Sa una'y natatawa rin siya dahil pangit pakinggan ang term sa sariling bansa. Pero sa pinagta-trabahuhan ay parang simpleng receptionist lang iyun. In short, taga-hatid ng guest sa mesa kung saan maalagaan ito ng nakatukang waiter.
"Tignan mo ang mga server ang oobvious nila" komento ni Kajika na abot-tanaw ang dining area mula sa kinatatayuan.
Pasimple siyang pumwesto sa hamba kung saan maabot ng tanaw ang kinauupuan ng mga ito. Pinakatitigan ang lalaki. Siya talaga si Rouhi, sigaw ng isip. Hindi ba niya talaga ako napansin? Does he know I'm working here?
Iwinaksi ni Faith ang mga kaisipang iyun. At bakit naman siya pupuntahan nito? Pagkatapos ng maiksing pagkwekwento niya tungkol sa constellation ay hindi na iyun nasundan pa. Bago pa magbukang-liwayway ay dumating ang kasamahan nitong nanggangalang Russel saka siya inihatid sa tapat ng company accommodation.
Nakuntento nalang ang dalaga sa pasimpleng pagtanaw mula sa kinatatayuan.
"Your server will be here any moment. Have a wonderful evening." Ani Faith bago iwan ang mag-asawang inupo.
Pabalik na siya sa host area ng marinig ang pagtawag ng isang guest. Iminwestra nito ang menu.
She hesitated at first dahil kasama sa mesang iyun si Rouhi. She suddenly felt awkward. Ngingitian ba niya ito kapag nagkasalubong ang mga mata nila? Paano kung isnabin siya nito? Kailangan ba niyang tapunan ito ng tingin? Baka kasi siya ang sabihan ng snob. Ah, bahala na nga! bulong sa sarili.
"Yes sir, how may I help you?" tanong niya ng makalapit sa mesa, nakabuklat ang menu na inabot rito.
"Can I add this on my order?"itinuro ng lalaki ang isang item sa menu.
Hindi napigilang humanga ni Faith sa accent ng kausap. Tulad ni Rouhi ay matatas din itong mag-english. "That's chicken scampi, I would like to inform you that's a little bit sour sir."
"That's okay. And can I have salad on the side for that."
"Sure sir. Anything else?"
"No. thank you." Magalang nitong sabi na may tipid na ngiti.
Pagkatapos makapagpaalam ay hindi sinasadyang mapatigin sa gawi ni Rouhi ang dalaga. Sa una'y nagulat ito at nagsalubong ang maiitim at malalagong kilay. And then confusion. Ngunit bago pa magbagong muli ng reakyson ng mukha ng gwapong binata ay agad siyang nagbawi ng tingin at tumalikod. Parang sinilaban ang dalawang tenga niya nang linasin ang mesa ng mga ito.
"Takte namumula ka bhe." Sita ng kasamaahang server na si Rose na agad siyang sinalubong katabi ang ilan pang babaeng mga server. "Ang popogi nila noh. Ang bait pa kamu hindi sila makulit."
"Panu hindi mamumula grabe siya titigan nung isa." Komento ng isang kasamahan.
Panakaw niyang muling tinapunan ng sulyap ang binata ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang nagbawi ng paningin. He's still staring at her sa kabila ng distansya nila. At hindi niya mawari ang ekspreyong ibinabadya ng mukha nito. Hindi naman siya nito siguro kinikilala dahil wala namang masyadong nagbago sa itsura niya lalo't hindi naman ganoong makapal ang make-up niya.
At lalo pa siyang pinamulahan ng tuksuhin siya ng mga kasamahan na nahuli ang eksenang iyun.
"Ibigay mo na number mo day." Sulsol ni Jane.
"Ewan ko sa inyo." Kunwa'y hindi siya affected at nagmartsa pabalik ng estasyon niya pagka-relay ng order sa nakatokang waiter.
Hanggang sa makabalik sa host area ay hindi parin kumakalma ang puso niya. Why does her heart suddenly acted abnormal, na para siyang tumakbo ng malayo. She could even feel her throbbing hearbeat on both ears. Hindi ito ang unang pagkakataong nakaagaw siya ng atensyon ng isang lalaki. But why is she so affected?
Sa buong stay ng grupo nila Rouhi sa restaurant ay hindi miminsang lihim siyang sumulyap sa kinaroonan ng binata. At sa tuwing maghahatid naman siya ng guest sa upuan ay parang sinisilaban ang puwet niya sa sobrang tensyon. Feeling niya ay nakasalang siya sa stage at nakatutok ang mata ng judges sa kanya kahit sabihing sa ilang pagpapa-upo niya ng guest ay hindi naman nakatingin sa kanya ang binata o kahit sino sa grupo nito.
Hanggang sa makaalis ang grupo ni Rouhi ay wala ni isang conversation ang namagitan sa kanila. At lihim na na-disappoint si Faith.
He could've said hi, or kahit tipid na ngiti lang! Biling-baligtad siya sa kinahihigaan. Marahang gumalaw si Gem na siyang umuokupa sa taas ng bunk deck na gamit. Nag-aalala siyang baka nalilikutan ito sa kanya, pero hindi umimik ang dalaga. Bahagya siyang nakahinga.
Kung bakit kasi hindi maalis sa isip ang nangyari. Marahas siyang huminga at nagtalukbong ng kumot. No point of thingking about him. Mukhang tama ang unang judgement niya sa mga tagarito. Once an Arab, will always be an Arab! At pinilit niya ang sariling matulog ng gabing yun.
Kinaumagahan ay sabay silang umuwi ng kabigang si Gem.
"Sus aminin mo na, ako ba talaga ang hinintay mo o ibang tao?" nangingiting tukso ni Faith sa kaibigan habang nagnaglalakad sila palabas ng mall. Closing shift siya kaya mangilan-ngilan nalang ang taong kasabay nilang naglalakad. Mostly staff din ng naturang mall.
"Don't start with me. Alam mo namang nagtitipid ako diba, two hours difference compare sa twelve dirhams na gagastusin ko ay malaking katipiran para sa akin. Hihintayin lang din naman kita sa accommodation. So better wait for you."
"Oo na. Ang sweet talaga ng bunso namin. Gala la ceren," malambing na sabi ni Faith. Inakbayan ang dalaga ng saktong huminto sa tapat ang isang itim na ford ranger. Tinted iyun, kaiba sa kadalasang sasakyan sa UAE kung saan ipinagbabawal sa ordinaryong tao ang paglagay ng tinted glass sa anumang klaseng sasakyan.
Nagkatinginan silang dalawa and for a moment ay may naramdaman siyang takot na umahon sa dibdib. "Gem?" she alarmed her friend.
Saktong bumukas ang pinto ng sasakyan sa driver's seat ay sabay silang napaatras ni Gem. Nagsalubong ang kilay ng dalaga nang makilala ang lulan ng sasakyan. "Y-you!!"
Ngumiti ang lalaki. "Ms. Faith, am I right??"
She nodded reluctantly at nilingon ang loob ng sasakyan, expecting someone to come out.
"I'm alone." He answered na ikinamula ni Faith ng wala sa oras. "I hope you still remember me." Nanatantiyang tanong ni Russel. "Can I talk to you."
Kumunot ang noo niya. "A-about what?" Wala siyang alam na dapat ipagka-usap dito.
Sandaling gumala ang mata nito sa paligid na siyang ginaya niya. Ang ilang mga katrabaho'y kasalukuyang palabas ng mall including their shift supervisor, Saife.
"Tungkol saan ba yun?" May bahid ng pagmamadali ang tinig. Hindi niya gustong abutan sila ng manager na nakikipag-usap kahit kanino. Lalo na at may dalang magarang sasakyan. Ayaw niya ng kahit na anong issue na maaaring ibato sa kanya.
"Can you come with me? Its important." In-emphasize nito ang huling sinabi ng mabasa ang hesitation sa mukha niya.
Nilingon niya ang katabi na nagkibit-balikat lang.
"Can't you tell me right now?"
Umiling ang lalaki. "You don't have to worry Ms. Faith, we are harmless." May pigil na ngiti sa labi nito. " You can bring your friend with you. " he offered.
Nilingon niya muli ang katabi saka bumaling sa panggangalingan ng mga kasamahan sa trabaho na siyang ginaya ni Gem.
"I think it's better if we'll go with him. You know him right?" suhestyon ni Gem.
Tumango siya at binigyan ng huling sulyap ang mga kasamahan sa trabaho bago tuluyang lumulan ng sasakyan.
Ilang sandali pa ay magkakaharap silang tatlo sa isang mesa. Siya , si Russel at si Rouhi. Si Gem ay naupo sa kabilang mesa upang bigyan sila ng privacy.
"I don't get the logic." Gustong matawa ni Faith sa tinatakbo ng usapan nila. Kanina habang nasa daan ay medyo naipaliwanag na ni Russel ang sadya nito.
It seemed na mas malala ang nangyaring insidente sa Emirates Palace noong nakaraang lingo. Ayun kay Russel na siyang parang nagsilbing spokesperson ni Rouhi ay hindi basta-basta ang mga taong nakabangga nila. And now they are looking for those people who were involved in the incident. And they aren't doing it in a legal way. Which she thought ay dala ng pagka-paranoid ng mga ito.
Isinatinig niya ang saloobin. "Besides, we are in UAE, so I think what you are saying is not possible. Baka nagkamali lang kayo Russel."
Nagkatinginan ito at si Rouhi bago nagsalita ang huli. "We're just concern about your safety, Miss. If you will be stubborn, then kalas. I think you're capable of taking care of yourself."
Hindi nagustuhan ni Faith ang tono at paraan ng pananalita ng lalaki. Miss? Hindi ba at sinabi na niya ang pangalan rito? Bigla siyang nakaramdam ng pagka-inis sa binata. Why is he being so snob!
Iyun ang kauna-unahang binasag nito ang pananahimik mula nang makarating sila sa panig na iyun ng café kung saan naghihintay na ito. Ibinuka niya ang bibig and then decided to close it again. Dahan-dahan nagbilang sa isip hanggang sampu. Kung anumang excitement na makita ang binata habang nasa daan ay unti-unting naglaho.
"Because I can't do your suggestion. You want me to take a vacation leave because you think that they will come after me?" sarkastikong tumawa si Faith. It was a stupid idea. "Who am I? I'm just an ordinary person. Besides, I can't just apply whenever I want to, I'm just a newly hired employee incase you don't know." Bumaling siya sa katabi nito. "Kausapin mo yang amo mo Russel sumasakit ang ilong ko kaka-english!" she rolled her eyes.
Halata ang pigil na ngiti sa labi ni Russel bago tumikhim at bahagyang sumeryoso. "Hindi mo naiintindihan Miss Faith, ang kaibigan mong si Laila'y muntik ng manganib ang buhay and she's the one who voluntarily asked for our help."
Si Rouhi ay pilit sinusupil ang bahagyang amazement sa pagkakatitig sa mukha ng magandang dilag. Her eyes and facial expression intrigued him. Sa kabila ng galit ang dalaga ay makikita parin ang kakaibang kislap sa mga mata nito. At sigurado si Rouhi na sinasadya ng babaeng hindi tumingin sa kanya ng diretso. Kung bakit ay hindi niya rin masagot. Well, he wanted her to look at him straight in the eyes. Gusto niyang titigan ang mga iyun ng matagal but he held himself. Hindi niya maaring i-pamper kung anumang emosyon ang nag-uumpisang maramdaman para dito. Wala siyang idea kung anong klaseng babae ito at anong gulo ang maaring dalhin sa buhay niya. Though his mind is rejecting the thought, naghuhumiyaw na may itinatagong lihim ang babae. What do they say again about women with innocent face? Sa puntong iyun ay bahagyang tumalim ang mata ng lalaki.
At hindi iyun nakaligtas sa paningin ni Faith. Ipinagkamali ang reaksyon ng binata sa mariing pagtanggi sa nais ng mga ito. Napailing-iling si nalang siya. "Sa pagkakaintindi ko'y personal nilang kilala si Laila kaya alam nila kung saan ito hahanapin. Maano naman ako, baka nga ni hindi nila ako makilala kapag nagsangga ang mga landas namin"
"Iniiwasan lang namin na may mangyari sayong masama…”
"We don't have any responsility towards you and your friend." Si Rohui na pinutol ang sasabihin ng katabi. "But since Russel is your kabayan, he asked me to help you both. We're just making precautions Miss"
Now, he's being arrogant. Ano pang side ng binata ang makikita niya next. "Precautions? Why?" she responsed sarcastically at sinalubong ang nanunuring mga mata ni Rouhi sa unang pagkakataon. May nakita siyang kakaibang emosyon doon at ipinagkamali ng dalagang dahil naiinis ito sa mga sagot niya. He must be really worried. Pero imposible ang sinasabi ng mga ito. Apat na buwan palang siya sa trabaho bukod sa pahirapan talaga ang pag-apply ng leave sa kompanya nila.
Si Russel ang sumagot. "Just incase hindi mo alam Miss Faith, kilalang pamilya ang mga bin Futtaim sa UAE at responsibilidad naming alagaan ang pangalang iyan. Do you think, pag may nangyaring masama sinuman sa inyo hindi ba magiging malaking balita iyun? This country isn't safe as what you thought it is. May mangilan-ngilang incidente ng mga babaeng Pilipina ang natatagpuang patay sa desyerto. Sinaksak sa elevator at parking lot. No matter how tight the security is, may mangilan-ngilang krimen ang nakakalusot. And knowing na hindi basta-basta ang mga nakabangga natin sa bar. This is just a favor I asked my boss dahil kababayan ko kayo. Bukod doon, kung sakaling may mangyaring masama kanino man sa inyo ay maaaring madawit ang amo ko. At iyun ang pinaka-iiwas-iwasaan namin ngayon."
Sandali siyang hindi nakasagot sa mahabang litanya ni Russel. Tumaas ang balahibo niya sa batok sa ibang sinabi nito. Masyado nga ba siyang nagpapaka-panatag dahil sa sinabi ng ilan na safe ang bansang ito para sa mga babaeng tulad niya? Pero paano kung tama ito? Well, they've got a point at kaligtasan niya ang iniisip ng mga ito. But how? Tulad ng sabi niya'y nasa probation period siya.
"P-pero hindi ako basta pwedeng mag-leave nalang." Naisatinig niya sa nanghihinang tinig. "I want to follow your suggestion but I cant." Bumaling siya kay Rouhi . "Like what I told you I'm just a newly hired employee, I'm only entitled to take a vacation leave after my one year of service. Thank you so much for your concern but I still think that I am not in danger. I am not involved with whatever it is, it just happened that I was there but nevertheless, I don't believe that they will waste time looking for me." Faith sighed at bahagyang pinagsawa ang mata sa gwapong mukha ng kaharap. Who knows at baka ito na ang huling pagkikita nila. As if him being an Arab is not complication. Idagdag pa ang pagiging mayaman at ma-impluwensya ng pamilya nito. "Just a favor please, if you know where Laila is, just take care of her. She needs your protection more than I do." Hindi na niya idinagdag na ang dalaga mismo ang pinagmulan ng gulo kaya malamang mas ito ang nanganganib ang buhay.
Nilingon niya si Gem na kasalukuyang umiinom ng shake sa kabilang table habang nagba-browse ng menu. Magalang siyang nag-excuse at nagpaalam bago lapitan ang kaibigan na nagulat.