Chapter V: Feelings

3317 Words
"Tapus na kayong mag-usap?" takang tanong ni Gem nang malapitan niya ito at nilingon ang pinanggalingang table. Imbes na sumagot ay tumawag siya ng waiter para hingin ang bill. "Leave it.'" Si Russel na hindi niya namalayang nakasunod sa kanya. "Sana'y huwag mong masamain ang intensyon namin Miss Faith." Dumukot ito ng tarheta at inabot sa kanya. "Just take it. Kapag may napansin kang kahina-hinala or kung sakaling kailangan mo ng tulong, don't hesitate to give a call." Ayaw sana niyang tanggapin pero hindi niya nais pang makipag-argumento. Kaya kinuha nalang iyun at isinuksok sa pocket ng bag. Nag-offer ito na ihatid sila pero tumanggi siya. Dalawa naman sila ni Gem at malapit nalang sa accommodation ang kinaroroonan. Binigyan niya ng huling sulyap si Rouhi bago tuluyang lumabas ng coffee shop. He was sitting like an Arab sheik in his throne na hindi mabali ang leeg sa sobrang stiff. Hindi maintindihan ni Faith kung saan nanggangaling ang ngitngit na nararamdaman gayung kung tutuusin ang mga ito pa nga ang concern sa safety niya. How dare him used a sarcastic tone towards her! Na parang hindi sila nagkaroon ng konting moment sa tabing dagat under the stars. He could've been nicer. Hindi niya kailangang ipakita na nuisance para sa kanya ang tumulong. Naikuyom niya ang kamao. Naiinis siya pero naroon ang bigat sa dibdib habang nililisan ang lugar. Hanggang nang makauwi ay hindi maalis sa isip ang nangyaring argumento. Why? Why does it have to turned it like this? Kung sana'y naging gentle ang binata sa kanya. Biling-baligtad siyang muli ng gabing iyun. Hindi mawaglit ang reaksyon ng gwapong mukha ng arabo sa isipan.  . "Do you think she's telling the truth?" tanong ni Russel kay Rouhi habang nagmamaneho. Pabalik na sila sa tinutuluyan hotel. For some reason ay tahimik ang amo mula pa kanina. Hindi niya maiintindiha kung bakit ganoon ang ipinakita nito kay Faith gayung ito mismo ang nag-suggest na kausapin ang dalaga. And he is still curious kung paano nito nalamang doon nagta-trabaho ang babae. Nanatiling  nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakya si Rouhi kaya nagpatuloy siya. "I'll try to check on her sometimes." "You dont have to..." matabang na sagot ni Rouhi. Pilit tinatanggal sa isip ang mukha ng magandang dalaga. Maya-maya'y sumandig sa upuan at pumikit. Hindi niya dapat isipin ito. She could turned up to be something else. Kapag nagawa ni Russel ang pag-iimbestiga dito ay baka ma-dissappoint lang siya kapag nalamang connected ito kay Laila. Or even worse. Hindi niya kilanganang makaramdam ng kahit na anong emosyon para rito. Si Russel na pasimpleng sinulyapan si Rouhi ay napapailing. Mukhang wala na naman ito sa mood. Can't blame him. Seryosong bagay ang kinasangkutan at marahil ay ikinababahala nito na baka makarating sa ama ang nangyari. Noong nakaraang araw ay dumalaw siya sa villa ni Ahmed upang maki-usyuso sa mga Pinay na kasambahay. Ngunit walang alam ang mga ito. Kahit anong isip ang gawin ay hindi niya matukoy ang pinag-awayan ng mag-ama."Do you want to go back to hotel or you want to go somewhere else?" "Just head back to the hotel," matabang na sagot ni Rouhi at nanatiling nakapikit.  Nagptuloy sa tahimik na pagmamaneho si Russel.  Nahiling ni Faith na sana'y hindi niya kailanganin ang tulong ng maangas na binata pero natagpuan niya ang sariling idina-dial ang numero sa tarheta. It was already two in the morning dahil galing siya sa closing shift. "Marhaban," answered by a deep baritone voice on the other line. Oh, one more time, please. Naipilig ni Faith nang bahagya ang ulo. "Marhaban???" Pinaghalong iritasyon at pagka-inip sa tinig na muling untag ng nasa kabilang linya. "H-hello?" she said in a brittle voice. Sandaling nawala ang nasa kabilang linya. "I-Is this Mr. Rouhi?" "Who'se this?" "It's me....Faith." Sandaling nag-alangan knowing na hindi naging maganda ang exit niya sa huling pagkikita nila ng binata. "I-I think I need your help?" alanganing anas niya na mula sa kinatataguang pader ay sinilip ang kinaroroonan ng dalawang kahina-hinalang lalaki nakaabang sa harap ng accommodation. Kung tama ang hinala niya'y ito ang sinasabi ni Gem na dalawang lalaki na nagtanong din sa store kung doon nga siya nagtatrabaho base sa description ng kaibigan. Kung paano nalaman ng mga ito ang impormasyon tungkol sa kanya'y wala siyang idea. Basta ang alam lang niya'y bigla siyang sinagilan ng sobrang takot. Nasa mismong harap ang mga ito ng accommodation at masyadong alanganing oras na'y naghihintay pa ang mga ito sa pagdating niya. Mahigit thirty minutes na siya sa kinatataguan  kaya nagdesisyon siyang hingin ang tulong ng binata. "Where are you?" untag ng nasa kabilang linya. Did she sense something different about his voice? Bakit tila biglang may bahid ng pag-aalala ang tinig nito. Oh, imposible Faith, kontra niya sa sarili. Kung hindi pa niya alam ay sarili lang ng binata ang tanging concern nito. Ayaw nitong madamay diumano sa gulo. But why does she felt disappointed knowing na iyun lang ang rason ni Rouhi. Huwag mong gawing mas komplikado pa ang lahat, she reminded herself. Ibinigay niya rito ang saktong kinaroroonan sa pangakong darating ang tulong. Umusal siya ng dasal na sana'y umalis na ang naghihintay sa kanya, pero hanggang ng makarating si Russel ay hindi tuminag ang dalawang lalaki sa kinatatayuan. Pilit itinago ng dalaga ang bahagyang disappointment ng hindi makita ang taong ini-expect. At bakit siya ang pupunta sayo? Tulad ng sabi niya'y pabor lang ito mula kay Russel. "Hindi paba sila umaalis?" agad nitong tanong. "Hindi ko alam kung anong gusto nila sa akin." Napabuntung-hininga ang binata. "Nawawala si Laila. We lost contact of her two days ago kaya inaasahan na namin ito. Ang hindi lang namin maintindihan ay bakit pati ikaw?" he gave her a questioning look. "I-I don't know." She panicked. Kahit anong pilit pagtakpan ng binata ay pinaghihinalaan siya ng mga ito. "I swear hindi ko sila kilala. Im starting to freak out Russel," her voice quivered. "Relax." He calmed her and smile. "Anong plano mo?" Umiling siya at pilit itinago ang pagka-lito na naka-rehistro sa mukha. "I-I don't know." Pag-amin niya. Ayaw naman niyang tawagan sina Gem at Kajika upang sunduin siya at baka madamay pa ang mga ito. Hindi siya sigurado sa pakay ng dalawang lalaki. Basta ang alam niya ay nag-uumpisa na siyang kabahan ng sobra. Mula pa kanina ay hindi na naalis ang pagkaka-kunot ng noo niya. Sumilip si Russel sa kinaroroonan ng dalawang lalaki bago bumaling sa kanya. "You probably can't go inside" Pinasadahan nito ang suot niyang uniform. "Kung gusto mo sumama ka muna sa akin." Bumadha ang pagtutol sa mukha ni Faith. However, the thought of seeing Rouhi again excites her. But can she trust them gayong mukhang walang tiwala ang mga ito sa kanya? "Iyun ay kung gusto mo lang naman," untag ni Russel na muling sumilip sa kinaroroon. "Sa tingin ko'y alam nilang hindi ka pa umuuwi at malamang hinihintay ka nila." Binigyan niya ng huling sulyap ang dalawang lalaki bago pasimpleng tumingin kay Russel. Can she really trust him? Oh well kabayan naman ito. But can she trust Rouhi? Hindi sigurado si Faith, pero kung papipiliin siya, mas safe siguro ang sumama rito kesa sa dalawang lalaking nakaabang sa pagdating niya. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pero pwede mo akong pagkatiwalaan kabayan. Ikaw lang, kung gusto mong maghintay dito hanggang sa umalis sila ay okay lang sa akin." "P-Pwede ba tayong maghintay sandali?" "Sabi mo eh." Naghanap ito ng pwestong mauupuan at binuksan ang cellphone. Bahagyang nakaramdam ng awkwardness ang dalaga. She found Russel so kind, nahiling niya na sanay hindi paimbabaw ang ipinapakita nito. He reminded her of Daniel, yun nga lang sa umpisa lang ang ipinakitang gentleness ng dating kasintahan. Dahil sa huli ay nalaman niyang paimbabaw lang pala ang mga ipinakita nito.. Mula sa kinatatayuan ay panay ang silip niya habang umuusal ng dasal. Gusto na niyang umuwi. Dumaan ang mahabang sandali. Mukhang wala siyang choice kundi ang sumama kay Russel. Madaling araw na at naiistorbo na niya ang lalaki. Nilapitan niya ito. "H-Hindi ba ako makaka-storbo kung sakali?" Tumayo ito saka ngumiti. "Huwag kang mag-alala kabayan, hindi kaabalahan ang pagtulong sa kapwa. Ganyan rin ang ang tingin ni Rouhi. Medyo moody lang talaga siya lately." Sumilip ito sandali. "Mukhang wala talaga silang balak umalis. Halika na." Pinagbuksan siya nito ng sasakyan.  Sa daan ay manaka-naka silang nagkwentuhan ni Russel. Mga simpleng bagay tungkol sa Abu Dhabi at mga nadadaanang gusali but not personal things. Pagdating sa hotel ay parang ayaw humakbang ng mga paa ni Faith papasok. She used to work in a hotel and resorts pero ang papasok doon kasama ang isang lalaking hindi niya masyadong kakilala ay ibang bagay. Sa loob ay naabutan nilang nakaupo sa armrest ng isang sofa si Rouhi habang nakatanaw sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip nito at halos hindi namalayan ang pagdating nila. She wondered kung may sariling tahanan ang binata at sa dalawang beses nilang encounters ay sa magka-ibang hotel ito nakacheck-in. And take note, hindi lang sa basta-basta hotel. Ngayon nga ay nasa Etihad Towers Hotel sila. Tinatanaw niya lang ito noong nakaraan ngayon ay nakatapak na siya sa mismong gusali. Kung sana ay may oras siyang makaramdam ng amazement. Nang bumaling si Rouhi sa kanila ay inunahan na niya itong magsalita "I-I'm so sorry for this." Nagbaba siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mata nito sa labis na hiya. Nasa utak parin ang naging huling pag-uusap nila. Sa halip na sumagot ay imwinestra nito ang sofa. Pagkatapos ay bahagyang lumayo ang dalawa at sandaling nag-usap. Mababakas ang bahagyang pagtatalo sa tinig na nagpalala sa pagka-ilang na nararamdaman ni Faith. Ayaw man niya ang nangyayari'y wala naman siyang ibang malalapitan kung sakali. Maya-maya'y lumapit si Russel. "What time is your shift tomorrow?" "Two pm," tipid niyang sagot "Dumito ka muna. Gamitin mo ang silid na para sa akin." "P-Paano ka?" tanong niya ang mata'y nakasunod kay Rouhi na pumasok sa isang silid. "Galit ba siya?" "Huwag mo siyang pansinin." Ngumiti ito. "Sabi ko nga sayo ay moody lang talaga siya lately" "Hindi ko ginustong malagay sa sitwasyon na to pero nagpapasalamat ako sa tulong mo." Ngumiti ito showing a dimple on his cheek. "Sino ba namang magtutulungan kundi tayo-tayo din lang magkababayan. Mabait naman yang amo ko, may pinagdadaanan lang kaya ganyan siya. Pagpasensyahan mo na." Iwinasiwas niya ang kamay. "Naku okay lang yun. Talaga naman kasing naabala ko kayo. Kung tutuusi'y hindi niyo naman responsibilidad na tulungan kami ni Laila kaya maraming-maraming salamat talaga." Tumango ito bilang tugon. "Pipilitin naming alamin ang dahilan kung bakit ka nadamay. Sa ngayo'y magpahinga ka muna. May gusto ka bang kainin?" Umiling siya. "Gusto ko lang magpahinga." Pagkatapos muling magpasalamat ay pumasok siya sa itinuro nitong silid. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang karangyaan ng buong kwarto. It was clean and spacious and she loved all the small touches. Toiletries were laid out in the shape of the towers na ikinangiti niya. If only she have the time to appreciate all of it. Kaso hindi niya magawa. Inuunahan siya ng maraming katanungan, ng takot at pagkalito sa mga nangyayari. Pabalang siyang nahiga sa kama. Sa kabila ng comfort na nararamdaman ay hindi maalis ang labis na pagkabalisa. Ano ang pakay sa kanya ng mga lalaking iyun? Nasaan na si Laila? At bakit ito hinahabol ng mga lalaki? Surely, hindi lang dahil sa nangyaring gulo sa bar ang dahilan ng lahat ng ito. Labis siyang kinakabahan. Wala siya sa sariling bansa at natatakot siyang baka wala siyang mahingan ng tulong kung sakali. Pumasok sa isip sina Rouhi at Russel. But until when are they willing to help her?  Pumasok sa isip ang itsura ni Rouhi as he walked away. Bakit siya nakakaramdam ng disappointment sa coldness na ipinapakita nito? Humugot siya ng malalim na hininga habang nakatitig sa kisame. Maya-maya'y nakaramdam siya ng gutom. Paniguradong hindi siya makakatulog sa ganoong kalagayan. Tumayo siya at marahang binuksan ang pinto saka tahimik na nagtungo sa minibar sa may sulok ng sala. Napansin niya yun kanina bago siya tuluyang pumasok sa inuukopang silid. Pagbukas ng ref ay nagningning ang mata ng makita ang ilang prepared sandwiches na naroon, bukod sa ilang lata ng mga soda cans, ilang piraso ng ibat-ibang klaseng prutas at tubig na malamang complimentary ng hotel. Hindi naman siguro sila magagalit kung babawasan ko ang mga ito. I'm just so hungry,  aniya sa sarili na hindi makapag-desisyon kung alin ang kukunin.  "Is there a problem with the aircondition in your room?" Na-freezed si Faith at hinayaang sumara ang pinto ng reef upang masilayan lang si Rouhi na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan habang nakasandal sa headrest ng sofa. Napangiwi ang dalaga at tila nais maglaho sa kinatatayuan. Maya-maya'y naglakad ito palapit sa kanya at binuksan ang ref. Nanoot sa ilong niya ang gamit nitong aftershave. Cool and refreshing at tila may binubuhay iyun sa mga senses niya. Unconsciously ay napapikit siya at bahagyang sinamsyo ang kaiga-igayang hatid ng amoy nito. Para pa ngang may nag-uudyok na lalo pang ilapit ang mukha rito upang lalong masamyo ito. "Are you sleepy or what?" Walang bahid ng galit o paninita ang tinig nito pero pinamulahan ang dalaga. Kumuha ito ng isang lata ng coke. "If you're hungry, go ahead eat and don't just stare at the food." Kaswal na sabi ito bago siya talikuran at magtungo sa teresa. Pagkasabi'y parang batang binigyan ng candy ang itsura niya at kinuha ang isang piraso ng club sandwich at dali-daling kinain. Hindi niya ininda ang lamig niyun at tinungga ang binuksang isang lata ng soda. Literal siyang gutom. Anong oras siya kumain sa trabaho. At talagang maraming guest kaya parang naubos lahat ng energy niya. Idagdag pa ang takot na naramdaman pag-uwi at makita ang mga naghihintay sa kanya. Pagkapangalahati ng kinakain ay alanganin siyang sumunod sa teresa. Naroon pa rin si Rouhi habang nakatanaw ito sa kawalan. Napaisip si Faith habang pinagmamasdan ito. Was he normally quiet? Introvert ba ang binata at ganoon ito kumilos? Is he unhappy? Pero ayun kay Russel ay anak ito ng kilalang tao? Kung ganoo'y maging ang mga tulad nitong wala ng problemang pinansyal ay nagkakaganoon din. That means he's still living a normal human life. Tahimik siyang pumwesto ilang hakbang mula rito. Sinalubong siya ng mainit na hangin na halos ikabalik niya sa loob. Hindi na siya nasanay sa klima ng naturang bansa na kahit gabi'y humid parin. Hindi tuminag si Rouhi sa kinatatayuan samantalang nagpatuloy siya sa pagkain. Gusto niyang mag-open ng topic at nais niya sanang umpisahan sa pasasalamat pero inuunahan siya ng kaba. Baka bigla nalang siyang bulyawan nito. Kaya naman bahagya siyang napaatras ng bigla itong bumaling sa kanya. Maging ito'y nagulat sa naging reaksyon niya. "Sorry. Yalla, continue eating, I just have to ask you something." Pinahid niya ang gilid ng bibig at dahan-dahang ngumuya. "Have you heard of your friend?" Nagsalubong ang kilay niya noong una. "You mean Laila?" Tumango ito. "She's not really my friend, I just met her at the event. And I don't have any contact of her." Tumango-tango ito. He didn't looked convinced pero hindi na ito nangulit pa. "Are you happy about your job here in Abu Dhabi?" Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Faith. Para saan ang mga tanong nito? But she did answer him anyway. "My work doesn't make me happy, but my friends, yes they do." Nais niyang usisahin ito pero naunahan siya nito. "If your still hungry, feel free to eat the food inside the ref." At bago pa siya makapag-salita ay tinalikuran siya ni Rouhi at nagtuloy sa loob ng inuokupang kwarto. Naiwan tuloy siyang napapaisip. Kinaumagahan ay nagboluntaryo itong ihatid siya sa accommodation na labis niyang ipinagtataka. Nasapian ba ito ng kabaitan o nagkapalit ito at si Russel? Oh well, hindi din naman ito lugi kung ganun dahil mabait talaga ang huli at cute din naman. Pero ang labis niyang ikinawindang na pilit niyang hindi ipinahalata ay ang gamit nitong sasakyan. Oh, she never imagined herself riding a sports car. Let alone a Porsche at sa passenger seat pa. She's literally freaking out deep inside. Kung hindi lang magmumukhang inosente ay nais niyang kumuha ng selfie sa sasakyan. Habang nasa daan ay pasimple niyang minasdan ang binata. Rouhi is wearing the traditional extra white Emirati kandurah, a long robe for men plus gutrah as his headscarf. Typical fashion of every local in the gulf region which gave them a very elegant and clean aura. Not to mention classy. Natuon ang mga mata niya sa mga kamay nitong nagmamaneho, particular sa mga palad nito. They were attractively long and big in a masculine way. Yung kamay na parang ang sarap hawakan. Na kapag hinawakan ka, pakiramdam mo ay ang safe mo. Mariing pumikit si Faith at iwinaksi ang nasa isip. "Did you sleep well?" Basag nito sa pananahimik. Nagmulat siya ng mata at bumaling rito saka marahang tumango. Hindi na niya kailangang sabihing hindi siya komportableng nakatulog na naka-roba lang sa isang hotel at paggising ay isuot ang uniform pa niya kahapon. "I hope they left." Ani Rouhi at lumiko papasok sa eskinitang sinabi niyang likuan nito. "I hope too," anang dalaga at luminga sa paligid. "That's my building" Turo niya sa dilaw na building sa harap. "You can just stop there." Maingat na pumarada ang binata sa itinuro niya. "I'm really sorry for disturbing you last night." Hinging-paumanhin niya habang nagtatanggal ng seatbelt. "I hope they will not come back. And thank you." Pagkasabi'y tangkang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan ng pigilan siya nito. Napatingin siya sa kamay ng binata na nakahawak sa braso niya bago umakyat ang paningin sa mukha nito. Nakasalubong niya ang mga mata ni Rouhi at hindi naitago ni Faith ang bahagyang paglunok. She hadn't noticed it before pero ngayon niya lang napansin ang kulay ng mga mata ng binata. Actually ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong matitigan ang buong mukha nito. Blessed her eyes early in the morning. Big eyes that have the power to hypnotize, arched eyebrows, dense eyelashes, the jaw tight in a well-groomed beard and a razor-sharp cheekbones and small long nose. His eyes gazed directly at her: all dreamy brown eyes, smoldering good looks and chiseled features. He was undeniably handsome. Muli siyang napaluok at sunod na naramdaman ang pangangapal ng pisngi as she felt her heart beat erratically. "Take care of yourself," he said huskily. Marahang tumango si Faith  at tuluyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Inilabas niya ang pinipigilang paghinga at pasimpleng dinama ang tapat ng puso. Ang lakas ng pintig niyun na parang gusto nitong kumawala mula sa dibdib. Binigyan niya ng huling sulyap ang sasakyan bago tuluyang pumasok sa loob ng building. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng binata sa loob dahil tinted ang sasakyan nito. Paglulan ni Faith sa elevator ay napangiti siya sa sarili. Sana'y hindi napansin ng binata ang bahagyang pagkakatigagal niya. Take care of yourelf. Parang may mainit na kamay ang kumiliti sa puso niya. Pagdating sa inookupang kwarto ay dinatnan niya si Gem habang nag-aayos para sa morning shift nito. Agad pinagana ni Faith ang utak. She have to lie for her own protection. Hindi nito kailangan madamay sa isang gusot na nadamay lang din siya. Nang mga sumunod na araw ay naging panauhin niya si Russel na nais mangumusta. Pero alam niyang nakikiramdam lang ito dahil matapos siyang maihatid sa harap ng building at magmasid ng kaunti sa paligid ay umalis din ito kaagad. At labis niyang ipinagpapasalamat ang concern na ipinapakita nito. Kahit papaano ay bahagyang pumayapa ang loob niya dahil wala ni anino ng dalawang lalaki sa harap ng building. Back to normal si Faith. Minsan ay sumasagi parin sa isip ang imahe ni Rouhi ng huli silang magkita na agad niyang pinapalis sa isip. Hindi niya gusto ang pakiramdam na tila nais niyang muling makita ang binatang arabo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD