Isang araw habang naka-break sa trabaho ay muntik ng mahulog ang hawak ni Faith na plastic ng kfc na siyang tanghalian nang mapagsino ang kausap ni Gem sa host area ng restaurant na pinagta-trabahuhan. Pamilyar ang dalawang lalaking nakasuot ng amerikana. Ang mga ito rin ang naghihintay sa kanya sa accommodation noong nakaraang lingo.
Sigurado akong sila yun! Umahon ang takot at kaba sa dibdib ng dalaga. Bigla'y hindi niya alam ang gagawin. Imagine kung siya ang inabutan doon ng mga ito. She was horrified by the thought.
Nang tumingin sa direksyon ang kasamahan ay agad siyang umiling na agad namang nakuha ni Gem. Ngunit huli na ang lahat dahil lumingon na rin ang dalawang estranghero sa direksyon niya. Kumislap ang mata ng mga ito in recognition.
Awtomatikong napaatras si Faith at tinakbo ang pagitan ng escalator. Pilit siyang nakisiksik sa ilang mga tao na lulan niyun and started running for her life. Ni hindi niya nagawang lingunin kung sinundan nga siya ng mga humahabol sa kanya. Nang bigla siyang mapahinto. Sa harapa'y may tatlong kahina-hinalang lalaki na tulad din ng suot ng nag-aabang sa kanya sa restaurant. Hindi siya sigurado pero call it instinct, may nagsasabi sa kanyang iwasan ang direksyon ng mga ito. Tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang tensyon. She was getting panicky and scared. Tumalilis siya at pasimpleng nakisabay sa agos ng ibang mga taong papunta sa ibat-ibang direksyon ng mall.
Her hands begun to shake as she remembered what Rouhi and Russel told her. Nahiling niya na sana'y mali ang hinala ng mga ito.
Nasa store ang bag niya at maya-maya'y kailangan na niyang bumalik sa shift. What am I going to do? Kipkip sa dibdib ang hawak na plastic and she continued walking in circles. Hindi niya mapag-desisyunan kung babalik ba siya sa store nila o tuluyang lilisanin ang mall. Hindi niya kabisado ang kabuuan ng buong gusali dahil hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataong libutin iyun. At the end ay nag-desisyon siyang bumalik sa store. Sisilipin niya muna kung naroon ang mga misteryosong mga lalaki. And then she will go straight to her managers. Baka-sakaling matulungan siya ng mga ito. It will be a big risk? But better than facing the problem alone.
Ang lakas ng t***k ng puso niya habang iginagala ang mata sa paligid. Habang palapit siya sa kinaroroonan ng store nila ay lalong lumalaks ang pintig ng dibdib. Nang malapit na siya ay pasimple siyang nagtago sa tindahan ng isang sikat na clothing line.
"Faith?"
Napakislot siya kasabay ng pagtawag sa pangalan niya ay ang pagdantay ng kamay sa balikat. "R-Rouhi?" aniya sa nanlalaking mata. Ano ang ginagawa ng lalaki doon? She had the urge of throwing herself into his arms but she held herself. Hindi man tuluyang nawala ang takot ay bahagyang nabawasan iyun sa pagkaka-kita rito. She was so damn scared at the moment pero pilit niyang kinakalma ang sarili.
Nakapagtataka ang pagkalitong ibinabadya ng gwapong mukha ni Rouhi as his brows draw together. "You need to come with me...." There was an urgency in his voice that made his sentence more on commanding than an invitation. Na tila wala siyang karapatang tumanggi.
She was about to refuse nang bigla siyang mapatingin sa unahan. Ang dalawang lalaking dinatnan niya sa store ay palingon-lingon sa paligid na tila may hinahanap.
"We need to get out of here," siya na ang kusang nagsabi at humawak sa isang kamay nito.
Tumango ito bilang pagsang-ayon.
Pasimpleng nakihalo ang dalawa sa agos ng mga tao. Ipinagpasalamat niyang nataong Friday ngayon kung saan itinuturing na family day sa buong UAE. Majority ng mga tao ay nasa galaan at namamasyal kaya jampacked ang buong Al Whada Mall.
Hindi iilang reklamo ang natanggap nila nang ilang beses silang makabunggo ng hindi sinasadya dahil sa labis na pagmamadali. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang labis-labis ang paghingi niya ng paumanhin. Pero sa ngayon ay hindi niya magawa dahil sa pinaghalong tensyon at pagka-taranta.
Hindi sinasadyang mabunggo niya ang isang naka-unipormeng lalaki na mukhang katulad niyang empleyado din sa mall na may dalang tray. Natapon ang laman niyong softdrinks, fries at fried chicken. "N-Naku, pasensya na....."hinging paumanhin niya at sandaling luminga sa paligid.
Sa sulok ng mata ay napansin ang biglang pagsulpot ng isa pang kahina-hinalang lalaki papunta sa direksyon ng inaasahan niyang pangangalingan ng mga nadatnang nag-tatanong kay Gem.
"R-Rouhi!" she called out at halos napigil ang pahinga nang lumitaw ang dalawang lalaking nakita sa store. Bahagya siyang tumingala sa binata at nakita niya ang pagtiim-bagang nito.
Napagtanto niyang magkaka-kilala nga ang kahina-hinalang lalaki nang magpalitan ng makahulugang-tingin at imwenerstra ang kinarororonan nila. What the hell is happenning! Litong tanong sa sarili. Kung kakausapin lang siya ay bakit kailangang ganun karami ang mga ito na tila kukuyugin siya. No way na haharap siya sa mga ito.
Wala sa sariling basta nalang inabot ang hawak na plastic ng kfc at tinalikuran ang nagsasalita pang lalaki. And left him with an apologetic glance then continued running. Ngunit bago nila marating ang elevator sa harapan ay napahinto sila ni Rouhi nang may lumabas mula doon na isa pang kahina-hinalang lalaki. Kumislap ang mata nito in recognition. Nagsimula itong humakbang palapit sa kinaroroonan nila.
Walang pag-aalinlangang humigpit ang hawak sa kamay ni Rouhi at hinila ito sa gawing kaliwa nila. Papunta ang daang iyun sa hilera ng mga botiques. Madalang ang mga nagagawi doon, but they don't have a choice. Either sa harap or likuran ay parehong may mga humahabol sa kanila. That's the only option they have, kung hindi ay malaki ang tsansang mako-corner sila. They ran together.
Ang kagandahan lang sa nasuotan ay maraming pasikot-sikot na hallways. Kung bibilisan nila ang pagtakbo ay may tsansang mailigaw nila ang mga humahabol. Ni hindi sila nag-abalang lumingon at nagpatuloy, lumiko sa isang pasilyo at isa pa bago huminto at habulin ang paghinga.
"W-Wait."
Si Rouhi ay nilingon ang pjnanggalingan. "We have to keep running...."
Kahit hirap ay nagpilit si Faith na tumakbo. Nabahala siya nang makita ang elevator sa dulo ng tinatahak na hallway. And usually matagal bago ka makasakay doon.
They have two options. First, they'll take the risk of taking the elevator. Second, balikan nila ang nadaanang escalator, yun nga lang malaki ang chance na makasalubong nila ang mga humahabol sa kanila. Sandaling naguluhan si Faith pero nagpatuloy parin siya, ang isang kamay ay sapo ang tagiliran dahil bigla siyang nakaramdam ng panankit sa parteng iyun.
Laking gulat niya nang pumasok si Rouhi sa loob ng elevator at pinagpipindot ang bawat floors. "We're not taking this." Anito at iginiya siya sa isang sulok.
May pinto doon at sinubukan iyong pihitin ni Rouhi. Pagkabukas ay dali-dali siyang hinila nito sa loob at agad isinara ang pinto. It was dark inside. Pilit nilang isiniksik ang sarili kasama ng mga walis, mops at ilang pang mga chemicals na ginagamit sa panglinis. Mukhang storage room ang maliit na silid na iyun ng mga cleaners sa mall.
"They'll think we took the elevator. I pressed the ground button," bulong ng binata.
In fairness may point ito. Iisipin nga naman ng mga humahabol na doon ang punta nila.
"We just need to go to my car, then we'll be safe," pagpapatuloy nito. Ang mainit na hininga'y tumatama sa bumbunan ng dalaga.
Awtomatikong nagsitayuan ang balahibo niya sa batok. Dumagdag pang madilim at masikip sa kinaroroonan. Kaya naman gising na gising ang lahat ng senses niya sa katawan. Pero hindi lang iyun ang nagpapabagabag kay Faith. Ilang dipa lang kasi ang pagitan nila at halos nakayakap na sa kanya si Rouhi na tulad niya'y habol rin ang paghinga. They were facing each other at alam niyang kapag tumingala siya at yumuko ang binata'y magiging maliit nalang ang pagitan ng mukha nila.
Her heart raced. Hindi niya alam kung dahil sa pagtakbo o dahil sa binata. It could be both, hindi matukoy ni Faith.
Pinamulahan siya ng mukha sa naisip at nanatiling nakayuko. Saka niya napansin ang kamay niyang mahigpit paring nakahawak sa kamay ni Rouhi. It was so soft. Mas manlambot pa iyun kesa sariling palad. It brings comfort and somehow assurance that she will be safe.
Tila biglang domoble pa ang mabilis na pagpintig ng puso dahil sa naramdaman. Idagdag pang nanunuot sa ilong niya ang pabagong gamit ng binata.
Naroon ang ka-gustuhang pumikit upang damhin ang kaiga-igayang dating ng amoy nito. Kaiba sa mga local na nakakasalubong sa mall o mga nagiging guest nila'y hindi masakit sa ilong ang gamit nito. Most likely smelled like a mixture of woody aromatics blend with citrus notes creating a sophisticated and seductive scent. Napakaswabe ng dating sa ilong niya. Labis-labis ang pagpigil niyang huwang yakapin at ipilig ang pisngi sa dibdib nito. Good Lord!
Bahagyang kumalma ang paghinga nila ng makapagpahinga, pero hindi ang abnormal na pagpintig ng puso ni Faith.
This certain Arab is one hell of attractive man.Or atleast his appearance. Kailangan niyang mag-ingat. Hindi siya pwedeng palinlang sa pisikal na katangian ng binata. She have to remind herself that he is an Arab. Hindi nga ba at biktima niyun ang lola niya long time ago?
Ilang minuto ang pinalipas nila doon bago nagpasyang lumabas. Maingat siyang inalalayan ni Rouhi. Ang kamay nito'y humawak sa bewang ng bahagya siyang mawalan ng balanse dahil sa naapakang bagay sa sahig. Muli ay napakislot siya. Umusal ng mahinang pasasalamat dito as blushed secretly.
Tinugpa nila ang exit kung saan sinalubong sila ng kulob na amoy ng pinaghalong mga sasakyan at sigarilyo.
Mukhang hindi napapansin ng binata na magkahawak-kamay parin sila habang naglalakad. Mahigpit ang hawak nito na tila doon nakasalalay ang mga buhay nila.
Faith swallowed with difficulty. Parang may kiliti siyang nararamdaman habang tinitignan ang magkasalikop nilang mga palad.
Humantong ang dalawa sa mezzanine ng mall kung saan diumano'y nakaparada ang sasakyan nito. Saka lang pinakawalan ni Rouhi ang kamay niya. May bahagyang panghihinayang na naramdaman si Faith na dagli ring naglaho nang marating ang kinapaparadahan ng sasakyan nito. Muntik ng malaglag ang panga niya nang bumunhad sa kanya ang asul na Lamborghini na solong nakapark sa di kalayuan ng mga sasakyang naroon. "T-that is y-yours?" manghang bulalas na hindi naitago ang labis na pagkamangha. Oh well, he has a Porsche. Dumako ang nanlalaking-mata niya sa lalaki at napalunok. Now she wondered kung ilang mamahaling sports car meron iti. Well, Russel is not joking when he said his boss came from a rich family. Actually, he is filthy rich knowing na may ganoon itong mga sasakyan. At lalo siyang napasinghap nang mapansin ang numero ng plate number nito.
The UAE has an interesting little quirk about it compared to other countries where number plates are used as a status symbols in the country. A satisfyingly uniformed set of numbers on someone's plate, or just a lack of numbers can act essentially as a bio-metric swipe card into any opulent establishment. Noong una, akala niya ay exaggeration lang ng nag-kwento ang tungkol doon, but she saw it for herself. Nang minsang mapadpad silang magkaka-trabaho sa corniche road ay pumarada ang ilang luxury cars doon having two-three digits personlized plate number. Kaya siya na-curios na tignan ang tungkol sa impormasyong iyun sa internet. And it was no joke at all.
It's a simple system, fewer numbers equals more cash in your bank account. A four or five digit plate isn't going to turn many heads or open many doors. It's three and below where people trip over themselves to do things for you. Ang phrase na tandang-tandang nabasa niya. Nakgawian tuloy niyang tumingin sa plate number ng bawat sasakyang makita niya.
Three-digit plates are probably what most CEO of the company usually drives. Really pricey, but any rich folk in Dubai or Abu Dhabi could easily grab one. At two digits ang plate number ng sasakyan ni Rouhi.
Hindi napigilan ni Faith ang sariling haplusin ang unahang bahagi ng Lamborghini. Natural ng makakita ng mga gayong klase ng sports car na nakaparada lang kung saan sa bansang ito pero ang mahawakan iyun ay talagang nakakamangha.
"Yes its mine. But save the amazement, we have to get out of here first." Pagpapa-alala ni Rouhi.
Sandaling napatitig si Faith sa gwapong mukha ng binata. Doon lang tila natauhan ang dalaga sa mga nangyayari. "W-Wait, b-but I have a work." Alanganing sabi niya rito. At ilang minuto mula sa oras na yun ay kailangan na niyang magbalik sa resto.
"Forget about it." binuksan nito ang pinto sa driver's seat. Nang hindi siya tuminag ay muli itong nagsalita. "If you will not come with me now, I'll consider that you rejected my offer and I will not be responsible of whatever happens to you. Khalas!" may final warning sa tinig nito bago tuluyang lumulan at binuhay ang makina ng sasakyan.
Sandaling nagtalo ang isip niya. Paano kung pagbalik niya sa store ay naroon pa ang mga lalaking humahabol sa kanya? Kaya ba siyang ipagtanggol ng mga amo?
She doubted instantly. Mukhang hindi basta-basta ang mga humahabol sa kanya.
Pilit siyang nag-isip kung may nagawa siyang masama. Ang tanging alam niya'y hinampas niya ng bote sa ulo ang isa sa mga ito. But then again, do they have to make a big issue about it? Kailangan talagang puntahan pa siya sa accommodation at sa pinagtatrabahuhan? Siya na isang ordinaryong empleyado lang?
Napaigtad siya sa malakas na tunog ng pag-andar ng sasakyan. Hindi nag-dalawang isip si Faith at iniharang ang sarili sa daraanan to stop him. "W-wait!" pigil niya rito at nagmadaling sumakay sa passenger seat. Bahala na pikit-matang sabi niya sa isip. Sa sitwasyon ngayon ay mas importante ang dariling kaligtasan.
Pagka-kabit ng seatbelt ay agad humarurot ang lamborghini. She groaned as she thought of the car. Mahigpit na napahawak sa dashboard ang dalaga dahil sa bilis magpatakbo ni Rouhi kahit nasa loob pa sila ng parking. Bahagya nalang pinasadahan ang karangyaan ng loob ng sasakyan. It looked and smelled expensive.
Tuluyan silang nakalabas ng mall at tinugpa ang daan patungo kung saan.
Kinakabahan parin siya sa mga pangyayari pero mas nababahala siya sa iniwang trabaho. Terminated siya kung sakali. Pero paano naman ang mga lalaking naghahabol sa kanya? Para siyang mababaliw sa sobrang pag-aalala at labis na pag-iisip.
Maano sana kung kaya siyang ipagtanggol ng mga manager. Sa tingin niya'y walang magagawa ang mga ito at baka mas lumala pa dahil iispin lang na nasangkot siya sa isang malaking gulo. Just like they always do kapag Pilipina na ang inlvoved. Hahalungkatin ang nangyari at baka pati si Rain ay madamay.
Nanghihinang napasandal siya sa sandalan. So, will she just take all the consequences then? Wow, you deserved an award she teased herself at kunwa'y pinalakpakan ang sarili sa loob-loob. Kailan pa siya natutong maging self-sacrficing.
Maya-maya'y tumunog ang cellphone ni Rouhi. Sandaling nakipag-usap sa wikang Arabic. Medyo tumaas ang boses nito kaya alam niyang nakikipagtalo ang binata sa kung sino mang nasa kabilang linya. Ngayon niya lang napansin na hindi ito diretso manalita ng sariling lenggwahe. Sa tuwina'y laging may kahalong english sng sentences nito. Not as if she's impressed. Kahit ang mga regular guest din nila'y nakapag-aral din abroad pero sa tuwina'y diretso manalita ng arabic ang mga ito kapag kausap ang mga arabic supervisors. Bahagya nalang din napansin ni Faith na hindi kasing tatas ng local ang accent ni Rouhi. And his english diction is overly impressive. Hindi parang native speaker, pero parang Pilipinong natutong mag-english. Well, she's not being conceited pero kung englisan din lang, talagang magagaling ang majority ng mga Pilipino compare sa ibang mga Asian countries.
"Hadha janun! Fujairah is very far." May himig ng pagkahapo ang tinig nito at bahagyang humigpit ang hawak sa manibela habang nakikinig sa sinasabi ng nasas kabilang linya. "Hasananaan" Bahagyang kumalma ito. "We will head that way. I guess we don't have a choice," bumaling ito sa kanya habang sinasabi ang salitang iyun sa kausap.
Nagtatanong ang mga mata niya. Kasama ba siya sa sinabi nitong 'we'?
"You'll come with me,” anito pagkababa ng tawag.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagugulahang saad niya saka lang naalala na hindi nga pala ito nakakaintindi ng sariling wika. "Sorry. What did you say?"
"Russel is at your accommodation. According to him there were suspicious men waiting for you there. You are in danger. Tell me, what is your connection to Laila?"may bahid ng galit at pagdududa ang tinig nito.
Sinagilan siya ng takot dahil sa sinabi nito. "I- I don't understand." Naguguluhan siya.
"She's dead by the way," usal nito.
Matagal bago nag-register sa utak ni Faith ang sinabi ni Rouhi. Para iyung time bomb na sumabog nang tuluyang mag-sink in sa utak ang sinabi nito. Nagbibiro lang ang binata. "W-what do you mean?" halos hindi lumabas ang salita sa labi. She must have misheard him.
"Her body was found in desserted end part of Jebel Ali yesterday. That's why Russel and I was about to confront you. What did you two did to those people."
Nangipupos siya sa narinig. For a moment, she wouldn't be able to speak at inalala sa isip ang babae. Nanginig siya nang ma-picture sa utak ang sinabi ni Rouhi. Si Laila na nakahandusay sa desyerto at wala ng buhay. Pinanlamigan siya ng buong katawan dahil sa takot.Para siyang mauupos na kandila dahil sa nalaman. And she might face the same death kung hindi siya mag-iingat.
Wala sa sariling nayakap niya ang katawan. Anong gulo ang napasok niya? Ngayon niya naisip ang suggestion ni Rouhi at Russel. But is it enough to take a vacation leave? Sa unang pagkakataon mula ng dumating siya sa UAE ay sumagi sa isip ang umuwi. Gusto na niyang umuwi sa kanila. Ma, Lola she called for the two important women in her life.
"Better tell us your story so we can help you. It doesn't have to be this way," untag ni Rouhi sa pananahimik ng dalaga may himig ng pakiusap ang tinig ng binata.
Umiling siya at napahawak sa sarilung ulo. She ran her clammy hands through her hair. She shivered inside the car. Dahil ba malamig ang buong sasakyan nito? dahil sa ibinalita nito o dahil sa buong sitwasyong kinalalagyan
Good thing about Rouhi, ay hinayaan siyang sandaling ia-absorb ang balitang sinabi nito.
"I'm so sorry about her." Maya-maya'y anas ni Rouhi. He simply watched the girl's reaction. Surely, she cannot fake those fear and panic registered in her beautiful face. May tila boses na na nag-uudyok sa kanyang ihinto ang sasakyan at abutin ito. She was shocked. At gusto niyang pagsisihan ang walang pakundangan niyang pagsabi ng tungkol sa babaeng inaakalang kaibigan ng dalaga. But Rouhi has to watch over his action. Hindi niya lubusang kilala ito. Though hindi nais isiping masamang babae si Faith, but the situation is telling him not to trust her. Or atleast for the meantime habang inaalam nila ang buong sitwasyon.
Si Faith ay tumingin sa katabi at huling-huli niya ang bahagyang pagsulyap nito sa kanya. Pero hindi iyun napansin ng dalaga. Nakatitig siya rito pero ang totoo'y nagsasalitaan sa utak ang imahe ng mukha ni Laila. She doesn't really know the girl personally but she felt so bad for her. She doesn't have to die brutally. Ibinaling ni Faith ang mata sa kabilang direksyon. She felt like crying but will it help her with the current situation? Pilit niyang ibinalik ang luhang nakaamba sa mata. No! Cryjng will not help her at all.
"We tried to help her." si Rouhi ulit. "I insisted that she should go back to Philippines. She said she will, but this happened. We're also shocked." He sounded astounded for some reason "We don't want this to happen again so we checked back on you. That's why I was in Al Whada."
Que horror! Wala siyang kaalam-alam na nanganganib na pala ang buhay niya. Masyado siyang naging kampanti dahil hindi na siya pinupuntahan ni Russel.
Paano nalang pala kung hindi dumating si Rouhi."I-I don't know what is happening." She bursted out. She was so damn scared. She had never been this scared in her entire life. At ni wala siya sa sariling bansa.