"Tell me your story."Untag ni Rouhi sa matagal niyang pananahimik.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Nag-uumpisa ng sumakit ang ulo dahil sa sobrang pag-iisip. "A-and you're t-taking me where again? Fujairah?" she exclaimed, napaangat ang likod mula sa kinauupuan. "Oh my god. Antoy agawa." she mumured on her local dialect.
Alam niya ang lugar na yun dahil doon napunta ang isang ka-batch niyang kasabayang nangibang-bansa na labis ang naging pag-iyak. Nasa kabilang panig kasi iyun ng Abu Dhabi at dinig niya na puro bundok at beaches sa bahaging iyun ng bansa.
Kung sa ibang sitwasyon ay maa-appreciate niya ang naturang lugar, but not in this situation. "I'll be terminated...."Nanghihinang bulalas niya, napasandal muli sa upuan at itinakip ang kamay sa mukha saka napaungol.
"Better."
Tinanggal niya ang kamay at bumaling rito then gave him an exasperating look. But she didn't argue. The man doesn't trust her and yet he's still willing to help her. She still owe him her life. Especially on what had happened today.
"Than getting yourself killed," he added.
Napaungol siya ulit. May point ito.
"Don't worry we will help you. As long as you have your passport it'll be easy..."
"Its with my company," putol niya sa sasabihin nito. Pagdating nila ng UAE ay agad nilang sinurender ang mga passports nila sa employer. So there is no way na basta-basta siya makakalabas ng bansa kung sakali. And the thought gave her more headache. Is she really gonna go back home? Pagkatapos palang ng apat na buwan ay uuwi na siya? Anong mukh ang ihaharap niya sa bahay nila? Kay Daniel? Or is she even ready to face his ex?
Nagsalubong ang kilay ni Rouhi sa nakikitang reaksyon ng katabing dalaga. Ibat-ibang klaseng emosyon ang salitang gumuguhit sa magandang mukha nito.
"Another thing, I don't have my things with me. I left my bag in the restaurant," pagbibigay-alam niya rito. "And most importantly, I'm not ready to go back home," halos pabulong nalang ang huling sinabi.
"You don't have a choice Faith. Go back to your country and you will be safe."
Muli siyang napatitig sa gwapong mukha ni Rouhi. Sa kabila ng kinalalagyang sitwasyon ay hindi parin niya mapigilang humanga sa pisikal na anyo ng binata. Tulad ng huli silang magkita. Napaka-perfect ng feature ng mukha nito in broad daylight. Para siyang nakatitig sa isang photoshopped picture ng isang Arabian prince. Ikalawang pagkakataon niyang marinig na binaggit nito ang pangalan niya. At swabe ang dating niyon sa tenga niya. It gave her a warmth feeling that somehow maaari siyang magtiwala rito. Even if he obviously doesn't trust her. Well hindi niya masisi ito. If she could only do something to convince him. Pero maging siya ay hindi alam kung ano ang nangyayari.
"Now tell me, why are those people going after you?" tanong ulit nito.
"I don't know." Mahinang bulong niya. He still doesn't looked convinced. Para siyang manghihina. "I swear I don't know. Paano ba to!" aniya sa sarili. "Kung bakit kasi kailangan ko pang mag-english nahihirapan ako." Sabay buntong-hininga.
Hindi napansin ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi ni Rouhi who understood what she said.
Pakiramdam ni Faith ay magdudugo na ang ilong sa pakikipag-usap sa inaakalang purong Arabo. Hindi siya bobo sa English pero bakit tila nai-intimidate siya kapag kausap ang binata idagdag pa ang labis na tensyong nararamdaman dahil sa mga nangyayari. "I only met Laila in Emirates Palace Hotel on the night of the event, that's it. I don't know if you will believe me but I swear," itinaas niya ang dalawang mga kamay. "I really don't have idea what those people want from me."
Sandali namang hindi nakasagot si Rouhi. People in this country usually don't swear unless they are really telling the truth. At sa pagtira ni Rouhi sa Pilipinas ng maraming taon ay napansin niyang hindi masyadong pinapahalagahan ang salitang iyun doon. "We'll find out soon. Russel is doing his own investigation now. And I'll be glad if you're telling the truth. I wont mind you involving me in this mess if that's the case." Bahagyang tumigas ang bagang nito.
"W-what do you mean?" nagsalubong ang kilay niya.
"I also have my own fair share of threats in my life lately. I don't know the reason. Last week, there were people following me around. Some even invaded my hotel room where I was currently staying. It's like they are looking for something. Then three days ago I found my car windows broken at the parking lot. And I'm not referring on just two, but all four windows, as if they wanted to check or look for something inside. People behind this must be very powerful. If not, they won't dare do this kind of thing in this country. I bet they have a strong connection from powerful people."
Ang tinutukoy nito marahil ay ang ginamit nitong Porsche. That Porsche! Gusto niyang magtutop ng bibig nang ma-imagine ang nangyari sa naturang sasakyan. And why is he taking it so lightly gayung nasira ang mamahaling sasakyan nito? Oh atleast hindi pala dahil nais nitong magyabang kaya ito gumamit ng ibang sasakyan. "Oh my God!" Tanging nasambit niya. Hindi niya inaasahang magiging ganito kalala ang naging gulo sa bar. "What should I do? I can't just leave my job. They are probably looking for me now." Sabay tingin sa relong pambisig. Paniguradong galit na ang manager nila. Sa oras na ito'y dapat nakabalik na siya galing break. I'm sorry Gem bulong niya para sa kasamahan. Ito kasi ang sasalo ng lahat ng katanungan at trabahong dapat ay para sa kanya.
Hinalungkat niya sa pouch ang cellphone at nagsimulang tumipa. Kailangan niyang i-message ang kaibigan. Para naman hindi ito mag-alala at upang ipaki-suyo na rin ang naiwang bag.
"What are you doing?" naghihinalang sita ni Rouhi.
"I'm messaging my friend. I don't want her to worry." Hindi ito umimik. Marahil ay hindi ito naniniwala. "It is really my colleague, you remember Gem, the girl I went with when we talked to you last time. I bet she's freaking out now. I left her all alone at work."
Bahagya itong kumalma. "Tell her not to worry, then switch off your phone. Don't use anything that could track you and don't mention where we are going. Let's be careful until we find out what is really happening."
She wanted to laugh. Akala ba nito'y nagti-taping sila ng action film. Pero tama ang binata. She need to take everything seriously dahil buhay na niya ang nakataya. Well buhay na nila ang nakataya. Though hindi parin siya makapaniwala dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
Pagkatapos masent ang mensahe sa kaibigan ay palihim siyang nagpadala ng message sa among si Saife. Kahit paano'y kailangan niyang ipaalam na humihingi siya ng paumanhin dahil sa pag-iwan sa duty. Sinabi lang niya na may emergency na nangyari. Kung anuman ang magiging reply nito'y saka nalang niya pag-iisipan. Sumasakit ang ulo niya.
Pinatay niya ang cellphone at muling itinago sa pouch saka sumandal sa upuan at pumikit. "I still want to keep my job. If you could do something?" hindi siya nag-abalang magmulat ng mata. "Please do help me. I'll be really grateful."
She know she's not in the position to ask, but since he offered help, di lubos-lubusin na nito ang pagtulong. Pumikit siya at hindi namalayang nakaidlip. Mahabang katahimikan ang sumunod na sandali.
Nilingon ni Rouhi ang babae. From her face ay bumaba ang mata sa dibdib nito na banayad na tumataas-baba. Senyales na nakatulog ito. At ang sabi ng iba ay kaskasero siyang driver. Lihim siyang napangiti. Muling ibinalik ang mata sa mukha nito. She looked peaceful. At naroon na naman ang boses na tila nagsasabing hindi kayang gawin ng magandang mukhang iyun ang hinala.
But he has to be careful. Kahit nasa Arab country siya ay hindi imposbleng makasagupa siya ng mapagsamantala. Rouhi just wish na mali ang hinala sa babae.... Binigyan ng huling sulyap ang nukha ng magandang dilag bago mag-concentrate sa pagmamaneho.
Dahil sa sobrang haba ng byahe, papasok palang ng Dubai ay hindi namalayan ni Faith na tuluyan siyang nakaidlip. Gusto lang sana niyang ipikit ang mata dahil sa pananakit ng ulo. Kaya nang sa pagmulat niya ng mata ay namangha siya sa tanawing bumungad sa kanya.
"My God!" hindi namalayang bulalas niya at awtomatikong umangat ang likod mula sa pagkakasandal.
The view was magnificient! Along the road is the orange-colored desert and its background was the dark-coloured mountains of Fujairah.
"Can we stop for a while?" wala sa sariling hiling niya. Sandaling nakalimutan ang sitwasyong kinalalagyan.
Gusto niyang isatinig na ngayon lang siya literal na nakakita ng sand dito sa UAE. At hindi basta-basta sand lang ang nasa harapan. Literal na disyerto iyun. Tulad ng unang inexpect niya bago tumuntong sa bansang ito.
Boredom ang nakarehistro sa mukha ni Rouhi pero sa gulat niya'y ipinarada nito sa tabi ang sasakyan.
Bubuksan nalang niya ang pinto nang bigla siyang mag-alangan at humarap rito. Nasa gitna sila ng kawalan. Kapag naiwan siya mag-isa'y hindi niya alam kung makaka-survive siya. Sa init palang dahil sa summer ay baka ma-dehydrate na siya. Lalo na kapag naglakad siya ng walang dalang tubig, baka ilang hakbang palang ay mag-collapse na siya. "D-don't leave me, please."
Imbes na sumagot ay nagpatiuna itong lumabas. Napabuntong-hininga si Faith at nahiling na sana ay hindi na-offend ang binata. Hindi sa wala siyang tiwala dito, pero paranoid na kasi siya sa mga nangyayari. Bukod pa sa alam niyang sa tingin ng binata ay dinamay niya ito sa gulo.
Agad siyang sumunod dito. Sinalubong siya ng malakas na bugso ng mainit na hangin na halos magpabalik sa kanya sa loob ng sasakyan. Pero nakapanghihinayang kung palalampasin niya ang pagkakataong iyun.
Hindi ma-eksplika ng dalaga ang bugso ng damdamin as she touched the orange sand. Napaka-pino niyon. Dumakot siya at hinayaang kumawala iyun sa palad. Ilang ulit niyang ginawa iyun na parang bata sabay hagikgik. Maya-maya'y umunat at inilahad ang kamay tulad ng nakagawian habang nakapikit. Matagal siya sa ganoong posisyon bago magmulat ng mata at tumingin sa paligid. A feeling of pure exhilaration washed over her.
And for a while her heart is at peace. Idagdag pang halos walang sasakyang dumaan sa bahaging iyun mula ng mag-park sila. Ilang sandaling nakatitig siya sa buhanging malayang inililipad ng hangin bago namalayan ang presensya ng binata sa malapit.
"Thank you.." Gumuhit ang isang ngiti sa labi niya. Totoo ang pasasalamat mula sa puso ng dalaga. "This is an incredible sight." Dagdag niya.
Nag-iwas ito ng mukha." I don't understand the feeling because I've been seeing this place since I was a kid. So this is a common sight for me." Ani ni Rouhi remembering the times when Dana used to bring him in UAE. Na kahit gaano ka-late ay nagpipilit itong umuwi ng villa sa Fujairah kahit maaari naman itong magpalipas ng gabi sa villa sa Abu Dhabi.
Meanwhile, Faith was anazed by the man who is in deep thought. Rouhi in white gandurah. Background ang orange na buhangin, standing like an Arab Sheik . He was magnificien too sa isip ng dalaga. "It's beautiful."
Muling bumalik ang mata nito sa kanya. And for a moment he just stare at her so intently na tila may inaarok sa pagkatao niya. "I know," pabulong na sagot nito.
Napalunok si Faith. Why does she have a strong feeling that he wasn't referring to the view. Kakasabi lang nitong normal na dito ang nakikita. Sunod-sunod ang tambol ng dibdib ng dalaga. Pakiramdam niya ay mabibiyak iyon sa matinding kaba at tila may kumukuyos sa sikmura niya. But she doesn't dislike the feeling. Para pa nga siyang nai-excite.
"Let's go. We need to reach our destination before it gets dark." At nagpatiuna na itong bumalik sa sasakyan.
Binigyan niya ng huling sulyap ang magandang tanawin sa harapan bago sumunod sa binata.
Madilim na nang sapitin nila ang destinasyon.
Isang malawak na lupain iyun kung saan nakatayo sa may elevated na lugar ang isang malaking villa na pagmamay-ari ng pamilya ni Rouhi.
Naroon ang kaba sa kaisipang silang dalawa lang sa bahay at anumang masamang balak ng binata'y madali nitong maisasakatuparan. Pero agad iyung tinanggal sa isip. Pagkatapos ng lahat, ngayon pa ba niya pag-iisipan ito ng masama. At kung may balak ang binata sa kanya, sana ay hindi na siya inuwi pa at sa halip ay sinamantala ang pagkakataon habang nasa daan sila.
She had seen villas from outside. Madami din niyun sa Abu Dhabi at talagang nakakamangha. Pero ang makapasok sa isa'y talagang nakakaloka. Kinailang niyang pigilan ang sariling huwag mapasinghap ng makapasok sa mismong entrance. Hindi niya alam kung saan maa-amaze sa mga mamahaling gamit na dinatnan nila. At kasalukuyan pang natatakpan ng puting tela ang iba pa. What more pag natunghayan niya ang buong bahay na malinis at organized.
"It's been a long time since I went home." Anang binata may bahid ng lungkot ang tinig.
Nais mag-usisa ni Faith pero hindi niya gustong mag-umpisa ng conversation ng hindi niya kayang pangatawanan. Besides masyadong personal iyun at baka masamain pa nito.
Iginiya siya ni Rouhi papunta sa kwartong ookupahin niya. Pasimpleng dinama ng kamay ang balustre ng grand staircase. Hindi niya akalaing mararanasan niyang makaapak sa ganoong klase ng hagdan.
It is made from expensive materials. Glass is attached to the sides of the stairs along the gradient. The floor is tiled or layered with granite stone. The contemporary design is very refreshing yet very expensive. Hand forged iron balusters have a lovely and exquisite detailing that makes them a style statement. The staircase alone is a masterpiece. Ano pa ang grand chandelier sa gitna ng sala. Naghuhumiyaw ang karangyaan sa buong kabahayan. At nakakalula iyun para sa isang tulad niyang ordinaryong tao lang.
Pagkatapos ng tila walang hanggang paglalakad ay narating nila ang harap ng isang kwarto. "You can use this room for the meantime." Binuksan nito ang pinto.
Marahan siyang tumango at pumasok sa loob. Pagkapinid ng pinto ay nanatili siyang nakatitig sa malaking kamang nasa harapan. White and black ang pintura ng dingding ng maluwang na kwarto. Kasing-laki yata iyun ng buong sala ng bahay nila sa Pilipinas. And speaking of grandioce, hindi lang sa hallways nagkalat ang mamahaling paintings dahil sa katapat ng malaking plasma tv na nakadikit sa dingding ay mayroon din niyun.
For some reason ay nakaramdam siya ng nostalgia habang nakatunghay doon. Isang babaeng nakatalikod sa isang daang napapaligiran ng maraming puno ang nakapinta doon. Hindi siya painting enthusiast pero may kaunti siyang kaalaman tungkol doon.
Kung gaano siya katagal nakatitig sa naturang obra ay hindi niya alam. Her mind was filled with so much thoughts. Napakislot pa siya ng marinig ang sunod-sunod na katok.
Napagbuksan niya ang binata, sa kamay nitoy hawak ang ilang pirasong damit. "These are my mother's. She haven't use them so don't worry."
Agad niya iyung tinanggap at nagpasalamat. Sa kama niya kinalkal ang mga damit, and true to Rouhi's words, lahat ay may tags pa. Na-recognized niya ang mamahaling brand na ikinaliki ng mga mata niya. Ang isang dress palang ay halos katumbas ng kalahati ng sahod niya sa isang buwan, in dirhams. "Anong klaseng buhay ang meron ka, Rouhi!" bulong niya sa sarili. "Nawiwindang ako sayo!"
Basta nalang siya naghubad at dumiretso sa banyo at itinapat ang sarili sa shower. Hinayaang dumaloy ang maligamgam na tubig sa buong katawan na tila sa pamamagitan niyun ay maglaho ang pagkapagal na nararamdaman. Her body is not prepared for a long drive.
Napatitig si Faith sa kawalan habang nakatapat sa shower.
Naroon ang takot sa puso niya kung ano ang nangyayari sa katawan. Para siyang kandilang mauupos kapag naiisip ang gulong kinasangkutan. Napakabilis ng pangyayari. Kung panaginip man niya ang kasalukuyan ay nais na niyang magising. Hindi niya kailanman pinangarap ang masangkot sa pagitan ng mga makapangyarihang tao. Lalo na sa ibang bansa.
Ang kay Daniel pa lang noon ay isang malaking risk. And knowing na anak lang ito ng isang mayor. Hindi niya kayang kaya i-handle ang sakit at kahihiyan kaya siya napadpad sa UAE. She had never felt this scared before. She was beyond terrified.
Hindi siya sigurado kung sino ang nasa likod ng mga nangyayari, pero kung si Rouhi na hindi basta-bastang tao ay na-involve, ibig sabihin ay malaking tao ang nakabangga nila sa bar.
She wanted to cursed Laila for involving her pero wala na ring silbi. Besides, she paid it with her own life.
Nayakap ni Faith ang hubad na sarili. Maligamgam ang tubig pero nilamig siya sa kaisipang namatay ang babae. Hinayaang maglandas ang luhang ayaw niyang ipakita sa lalaki. Rouhi doesnt trust her. Pero wala siyang choice kundi ang ipagkatiwala ang sariling buhay.
Kung paano siya nakatulog ng gabing iyun sa kabila ng kalagayan ay hindi masagot no Faith. It could be the comfortable bed o dahil talagang napagod ang katawan sa byahe.