Kinalunesan, tulad nang napag-usapan nila ni Mrs. Arellano ay bumalik sa dating trabaho si Faith. But not as a supervisor dahil na-promote na ang dati niyang staff na si Rachel. "I don't think we still need a briefing. Ilang buwan palang naman mula ng umalis ka. Siguro'y memoryado mo pa ang lahat ng rules and regulation. Wala namang nagbago maliban sa hindi ka maaring gumamit ng cellphone during duty hours." Isang tango ang pinakawalan ni Faith. Dati pa man ay malamig na ang pakikitungo ni Rachel sa kanya dahil mas matanda ito sa kanya pero mas nauna siyang na-promote, samantalang halos magkasabay lang sila nitong na-hire. At sa sinabi nito, dati pa niyang alam na bawal gumamit ng cellphone kapag naka-duty though hindi siya ganoong ka-strikto basta walang nakaharap na guest. Pagkatapos

