Mula sa pagkaka-pikit ay nagdilat ng mata si Faith at lumanghap ng sariwang hangin. Iba talaga ang hangin sa probinsya, napaka-presko at tila tinatanggal nun ang anumang bigat na nararamdaman sa dibdib. Katatapos lang mang-harvest ng mga inupahang tao mula sa ilang ektaryang palaisdaan ng lola niya. Kasama ang ilang taga-kanila'y nag-baka sakali silang manguha ng mga tira-tira. Tumingala siya sa kalangitan nang biglang may eroplanong dumaan sa himpapawid. Sumikip ang dibdib niya sa lungkot na bumalot sa puso niya habang nakatitig sa naturang sasakyan. Wala sa sariling dinukot ang kwintas na bigay ni Rouhi. She have to continue living the way she used to be. Nagdesisyon siyang umuwi ng Pilipinas nang hindi ipinapaalam sa binata. Kaya kailangan niyang pangatawan iyun. Kailangan na niyang

