Tinignan ng masama ni Ena ang kaibigang si Antonio. "Please, Ena. Kailangan ko lang talagang bumalik sa Middle East. Isang linggo lang. Saka hindi mo naman babantayan si Rashid ng bente kwatro oras." Humalukipkip ang dalaga. Pinapakiusapan siya ng dating kamag-aral na muling i-entertain ang kapalit ni Akram sa naiwan nitong trabaho nang umalis ang lalaki pabalik sa bansang pinagmulan nito. Nagpatuloy si Tonyo nang hindi umimik si Ena. "Mabait si Rashid at tahimik. Isa siyang purong local kaya hindi siya manunubok sayo. Natural na palikero si Akram dahil lumaki siya sa America at talagang gwapito. Pero itong ipinapakiusap ko sayo ay mahiyain sa babae. Sige na naman, Ena." "Bakit ba kasi kailangan pa ng taga-bantay. Hindi ba at matanda na siya." Nabanggit ni Antonio na mas matanda sa kan

