Bahagyang nawala ang pagka-bagabag na nararamdaman ni Faith nang masilayan si Rouhi sa trabaho. Hindi siya napansin ng binata na marahil ay pauwi galing sa pagtakbo. Nagtuloy siya sa reception. Doon siya nakatoka ngayon.Binati niya si Jessa na nanunukso ang mga mata. At tinukso siya nito sa nangyari kahapon. "Na-chika lang sa akin ni Rhoda, bago ako pumasok." Tukoy ng babae sa bartender ba nakatoka kagabi sa bar na kapit-bahay nito. Napilitan siyang mag-kwento mula sa umpisa bago ito gumawa ng sariling konklusyon. Hindi naitago ng kasamahan ang labis na pagkamangha sa mga isinalaysay ni Faith. Mula sa unang pagsasangga ng landas nila ni Rouhi hanggang sa naging gulo sa bar. Lalo na sa kaalamang sinundan siya ng binata sa Pilipinas mula sa UAE. "Ang sweet! Parang sa pocketbook lang achi

