"Stupid!"
"Nerd!"
"Weirdos!"
Isa lamang 'yan sa mga araw-araw kong naririnig mula sa mga ka-klase ko. Sa katunayan nga, buong school. Yaan na yata ang new name ko.
Ang dami hindi ba?
Mabilis akong pumasok sa classroom namin. Kaya nga gusto ko maagang pumasok para maiwasan sila. Pero itong si Mason, sinasadya talagang inisin bawat araw na bubuhay ako.
Wala tuloy ako nagawa kung hindi maglakad mula sa bahay papasok sa eskwelahang pinapasukan ko. Lahat sila pinagtatawanan ako. Sino ba naman kasi ang hindi? I'm sweating like a pig. Magulo ang buhok ko at yakap ang mga libro na pinadala ni Mason.
Bumuntong hininga na lang ako. Hinayaan silang patuloy akong pinagtatawanan. Mabuti nga't napapasaya ko sila, ‘di ba? Kahit na hindi ko sinasadya at mas lalong hindi ko gusto. Para sa kanila isa lang akong laughing stocks dito sa school. Sa bahay at kahit saan pa. Parang isang clown. Mabuti pa nga ang clown, may kinikita o kaya naman masaya kasi nakakapagpasaya sila ng iba with their talents. Ako nga, wala pang ginagawa niyan, ah?
Ay, mali! Mas normal pa pala ako, dahil ako natural na silang tumatawa wala pa man akong ginagawa effort.
Ano ba naman masama sa itsura ko? Hindi naman nila ako kasing-tangkad, tao pa rin naman ako. Hindi man nila ako ka-kulay ng buhok, tao pa rin naman ako. Hindi man nila ako ka-lahi, tao pa rin naman ako.
Hindi naman ako isang alien para ituring nilang iba.
Hay! Kung sila nga pagpumupunta sa bansang sinilangan ko, daig pa nila ang isang artista sa dami ng mga taong napapalingon sa kanila. Ang iba pa nga’y gusto silang maging kaibigan.
Ang babait kaya naming mga pinoy! Hindi kagaya ng mga kanong ito . . . kami matulungin, pala-kaibigan, masayahin kahit na mga bata palang kailangan nang maghanap buhay.
Tinignan ko ang mga dala kong libro at bag. Napanguso ako, kailangan ko muna ilagay ang mga ito sa locker bago magsimula ang klase ko.
Tinignan ko ang relo sa harap ng white board. 20 minutes pa, ang tagal pa! Paano ako makakaiwas sa mga 'yon? Sa ganitong oras kasi nasa hallway sila. Doing their american-tag thing.
Liberated dito. Kung nanonood ka ng mga American film, like ‘The Mean Girls,’ or ‘Glee’ mas malala pa dito. At madalas mo 'yon makikita dito sa loob ng school grounds namin kung saan nandoon ang mga lockers. Hintayin ko na lang muna ang bell at saka mabilis na pupunta sa locker ko para mailagay ang mga ito doon.
Isa-isang pumapasok ang mga estudyante, mga nagbibiruan, mga nagkakaladyaan, mga naka-akbay sa mga girlfriends and boyfriends nila. May nag-ha-halikan pa sa gilid ng pintuan.
Siguro naman wala nang gaanong tao sa hallway, malapit na rin ang bell time.
Kinuha ko lahat ng mga dala ko. Dahan-dahan ako na lumabas ng classroom namin para maka-iwas sa attention nila. Nang makalabas ng pintuan, patakbo naman ako pumunta sa locker ko. Agad ko inilagay ang mga ito sa loob. Saktong namang tumunog ang bell. Pagbalik ko sa loob ng aming classroom, mga binalot na papel ang sumalubong sa akin. Tumama lahat ng iyon sa mukha ko, may mga nakita pa akong tissue, ayaw kong isipin kung saan nila ginamit iyon. . . ayaw ko!
Papel lang iyon, pero . . . “Ewwwwwww!!!” hindi ko napigilang bulalas, napangiwi ako nang maramdaman ang isa na basa pang tumama sa ilong ko. Pinagpag ko ang mukha ko, malas pa nang kapain ko sa suot kong pantalon ay wala pala akong dalang panyo o kahit tissue man lang.
Napayuko na lang akong nagtungo sa upuan ko. Mga tawanan nila at mga tawag nila sa ‘kin na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon.
Napahawak na lang ako sa aking noo. Takip ang mukha na naupo ako sa upuan ko nang . . .
Boom . . .
Sunod-sunod na malakas na putok ang narinig ko. Napatalon at napa-padyak agad ako sa sobrang takot at gulat. Sila naman malakas na tumawa. Naka-ready ang mga cellphone naka-tutok sa akin.
Gumamit sila ng pop-it toy para i-prank ako. Nilagay nila ito sa upuan ko. Hindi ko na 'yon nakita or naisip na gagawin nila sa sobrang hiya ko. Ang gusto ko na lang maupo na agad na . . . mali pala ako. I should be more aware next time. Marami pa ito, at hindi sila titigil.
Sino nga ba naman ang hihinto sa ginagawa nila kung nagiging masaya naman sila dito, 'di ba?
Kahit na naiiyak, sinikap kong itago. Pinagpag ko ang upuan ko at sinilip ang ilalim ng desk ko, mabuti nang sigurado. Mamaya tunay na paputok na pala ang nilagay nila dito.
Nagpasalamat na lang ako nang pumasok na ang professor namin. Binali wala sila at pinaupo. Soon, inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral. Hinayaan sila na maya't maya akong tini-tignan. Hindi sila nakikinig, busy sa mga kung ano-anong ginagawa. Ang lalaki sa harapan ko ay walang habas na nanunuod ng porn sa kanyang cellphone. Tinatago niya ito sa libro niyang nakatayo sa kanyang desk. Nilingon pa siya ng babaeng katabi at nang aakit na kinagat ang kanyang ibabang labi.
Napa-iling na lang ako nang makitang nag-abutan sila ng isang kapirasong papel.
Kaya nang magbigay ng suprised exam si professor, gulat silang lahat. Nagreklamo at naki-usap na bukas na lang. Siguradong bukas paglumabas ang result failed na naman sila.
Pero ako, siguradong pasado na naman, bukod sa nag-advance reading ako. Nakikinig pa ako, ito na lang kasi ang kasayahan ko, ang makakuha ng A+. Para matuwa din si daddy sa akin. Baka sakaling mabigyan niya ako ng konting time, kagaya nang . . . kami dati. Dating--- kaming dalawa lang.
After ng 3rd class namin, tumunog na ang bell. Lahat sila nagmamadaling lumabas ng classroom. Naupo muna ako sa silya ko. Hinayaan mawalan ang mga tao sa hallway para magtungo sa canteen ng school.
"Thanks for the wonderful lessons, Mrs. Jobe!" Lumapit ako sa teacher kong inaayos ang mga materials na ginamit sa pagtuturo. Tinulungan ko siya.
"How are you, Ms. Cruz?" she asked grabbing her laptop bag.
"I'm happy,"
Hoping to be. But, I'm trying. And that's all I can do for now.
Nagkibit balikat ako, sumabay sa paglalakad niya. Hinatid ko siya sa faculty room. Binati ko lahat ng mga teacher’s namin na nandoon. Ibinaba ko ang isang box na puno ng mga test papers namin sa table ni Mrs. Jobe.
“Thank you for helping, Ms. cruz!”
Nginitian niya ako, inalok niya ako kung gusto kong sumabay sa kanya ng lunch.
Tinanggihan ko siya at nagpaalam nang aalis.
Pumunta agad ako sa likod ng library. Dito ang paborito kong spot tuwing free or lunch time. Dito bihira ang mga estudyante na pumunta. Dito din kasi nag-lu-lunch ang mga ibang staffs ng school. Kagaya nila Mrs. Dine and Mr. Tomas. Mga janitor ng school namin. Kasama ko sila minsan mag-lunch. Pero ngayon parang wala yata sila. Siguro busy pa sa paglilinis ng buong school.
Umupo ako sa ilalim ng puno. Inilabas ko ang aking baon na lunch at ang cellphone ko. Nilagay ko ang headset sa tenga ko. Napangiti ako, sumabay ako sa kanta ng clean Bandit at ni Zara Larsson na super ganda. Letting my souls dance with the music of Symphony. Freeing my thoughts away from bad things around me.
Kumagat ako sa dala kong sandwich. Nakasanayan ko nang magbaon araw-araw. Simula nang palagi na lang nila ako binubully sa canteen. Hindi na ako nakaka-kain ng tama. Kaya ito, every morning gumagawa ako ng sandwiches. Isa sa akin at isa kay daddy. Nilalagyan ko iyon ng notes. Napangiti ako ng maalala. I type a message and sent to him, nagtanong ako kung kumain na ba s'ya. At kamusta ang araw niya sa trabaho.
Inabala ko na lang ang buong natitirang oras ko para mag-imagine,
Ako na kumakanta sa harapan ng mga puno at tuyong dahon. Sa bodega nandoon ang mga malalaking speakers, mga taong nagpapalakpakan at kumukuha ng mga larawan at video ko.
I bang my head, I hold my tumbler like it was my mike and started my new world beyond close doors. Dito buhay ako, dito masaya ako, dito free ako. Na ako lang, me, my talents and mom. Na sana nandito siya, pinapalakpakan ako. Na ikinukumpas ang mga kamay niya kasabay ng bawat hampas at kumpas ng kamay ko. Mga ikot na sa amin lang. Mundo namin nila daddy. Ang masayang kami dati.
Mga ala-alang dinadala lang ng hangin. Sumasabay lang sa emosyon na gaya ng isang klima.
Ibinaba ko ang aking kamay. Tinanggal ang headseat ko. Tumingala ako sa langit. Itinaas ko ang aking isang kamay na para bang inaabot ang mukha niya. A tear started to fall in my cheek.
I murmur, "I missed you," pumikit ako. Inimagine na siya ang humaplos sa buhok at luha ko, imbis na ang hangin.
“Everyday I wish you were here with us,”