Ang daming pagbabago simula ng mawala si mommy. Hindi ko naman hinihiling na bumalik kami sa nakaraan. At alam ko nang malabo na 'yon at hindi na pwedeng ibalik. Gusto ko lang maging masaya si daddy. Masaya na ako doon na makita siyang ngumi-ngiti muli sa bagong pamilya niya. With auntie Karen and her son Mason.
Matanda na rin siya at kailangan niya nang makakasama, ang mag-aalaga sa kanya, ang magmamahal sa kanya. Alam kong walang papantay kay mommy at alam na alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa noon. At hindi 'yon mapapantayan ng iba lalo na sa puso ko. But seeing daddy slowly forgetting mom, masakit sa akin iyon. Pero sino ba naman ako para pagbawalan siya. Basta kung saan siya masaya, masaya na rin ako doon. Kahit na wala na s'yang time para sa akin. Kahit na parang hangin na lang ako sa bahay. Kahit na parang kaaway ang turing sa akin ni Mason, ayos lang. Basta para sa kanya. Mahal ko na rin sila kahit na ano pang mangyari. We are a family now. And the only family I have.
Last subject na lang naman tapos na ang klase ko. After nito diretso na ako sa Coffee shop kung saan ako nag-ta-trabaho. Sayang kasi ang libreng oras ko. Pandagdag na rin ito sa allowance ko. Para hindi na ako aalalahanin pa ni daddy. Makaka-ipon pa ako nang pang-tuition ko sa college.
Ayaw ko na s’yang bigyan ng problema pa, matanda na rin siya at may bagong ng pamilyang dapat bigyan ng attensiyon.
Nang marinig ko ang bell, hudyat na tapos na ang lunch time. Agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at dumeretso sa art room kung saan doon ang next subject ko. Dito tahimik ang magiging oras ko dahil canvas at paints lang ang magiging kaharap ko buong klase.
Binati ko ang mga customers na nakasalubong sa paglabas. Binati ko si Lion na nag-mo-mop sa gilid. Kinawayan niya lang ako at pinagpatuloy na ang pagmo-mop.
Nagdiretso ako sa locker para makapagbihis na.
Itinatali ko na ang apron ko sa likod nang lumapit si Lion.
"How's your day at school, Cyril?" saad niya na kumukuha ng tubig sa water dispenser.
"I got A+ in our exam yesterday," masayang saad ko. Mamaya paguwi ipapakita ko kay dad ang nakuha kong score sa exam ko kahapon. Sana lang hindi siya busy.
Mabait itong si Lion. Mas matanda lang siya sa amin ng dalawang taon. Out of school youth siya. Sixteen pa lang tumigil na siya sa pag-aaral dahil sa may sakit na ina. May tatlong trabaho siya sa isang araw. Sobrang sipag niya. Malayo sa panlabas niyang anyo.
Well, nasa America tayo, natural lang sa mga tao dito na may piercing kahit na mga bata pa. Isa din siyang takaw gulo dati, hindi pumapasok sa school. Party at droga ang inatupag. Ngunit nagbago ang lang lahat ng iyon noong magkasakit ang kanyang ina.
Kailangan niyang kumayod para sa pampagamot at para sa kapatid na anim na taong gulang palang.
Sayang nga lang, pero hindi pa huli ang lahat pwede pa siyang makapag-aral muli kung gugustuhin niya.
Okay naman ang trabaho ko dito. Hindi ganoon kabigat. Tama lang. Nag-se-served lang naman ako ng mga orders and paminsan minsan na tumatao sa counter. May sarili kaming barista kaya hindi ko trabaho ang magtimpla ng kape. Pero sinusubukan ko, dagdag skills din and . . . experience. Mabuti na lang pinapayagan kami ng barista dito na manood sa kanya tuwing wala kaming ginagawa.
Gaya ng dati, busy ang buong store, nakakangalay nga lang pero ayos na rin, masaya pa dahil nakakausap namin ang ibang costumer dito. Dito hindi nila ako binubully o pina-prank. Madalas nakakakuha ako ng mga ideya sa mga sinasabi nila. Nagagamit ko ito sa pag-aaral ko.
Pagkauwi sa bahay, nasa harap na ng countertop si auntie Karen, naghahanda ng pagkain para sa dinner namin ngayong gabi.
"Good evening, po!" bati ko sa kanya. She's a pinoy too, isang beses lang niya ako sinulyapan bago ibinalik sa ginagawa ang tingin.
"Good evening, magpalit ka na. Mamaya luto na 'to, pauwi na rin ang daddy mo." walang buhay niyang sabi.
Tumango na lang ako sa kanya kahit hindi niya nakikita. Saka ako umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Hindi kami ganoong ka-close ni auntie Karen, hindi rin naman kami magka-away. Just casual lang, I know ayaw niya din sa akin lalo na kung binibigyan ako ng time ni daddy.
Naghilamos lang ako at nagbihis ng pambahay na damit. Itinali ko ng pa-bun ang buhok ko. I opened my laptop sa desk table. Pagbukas nito, litrato naming tatlo nila mommy ang lumabas. Napangiti ako. Hinawakan ko ang maamo niyang mukha.
"I missed you, mommy!"
Seven years ago, namatay siya sa isang sakit. Gaya ng ina ni Lion. Mabuti nga siya may nagagawa pa, ako noon wala. Bata pa at walang alam sa kung anong nangyayari.
My life back then was a like a dream. Masaya, buo, puno ng pagmamahalan. Feeling ko nga walang problema, eh. Until, one night umiiyak si daddy. Rinig na rinig ko iyon sa kwarto ko. Silang dalawa ni mommy. Humahagulgol silang dalawa. Lumabas ako para silipin sila. Nakita ko na nakayakap siya kay mommy at nagmamakaawa. Humihingi din siya ng sorry.
Noong una akala ko nag-aaway lang sila, natakot ako noon. Hindi ko kasi sila nakitang nag-away pa o kahit sigawan man lang.
May sakit na pala ang mommy noon, hindi agad nila nalaman. Huli na ang lahat nang ma-detect nila ang sakit niya. Tanging magagawa na lang ay umasa sa himala. Pero kahit na anong asa namin hindi iyon nangyari.
After few months of pain, she passed away. Iniwan niya kami. Parang ako na lang ang naiwan noon. Tumahimik ang buong bahay na dati’y puno ng tawanan. Ang bahay na maliwanag kasi nandoon ang masayang mukha ni mommy na sumasalubong sa amin sa pag-uwi galing school at work naman kay daddy.
Pinilit kong maging matatag para sa aming dalawa. Mas masakit para kay daddy ang lahat. Nawalan siya ng pinakamamahal at bestfriend. Akala ko nga mawawala na rin siya sa akin.
Nagkukulong na lang siya sa kanyang kwarto noon. Parang wala na siyang nakikita. Parang ako na lang ang lumalaban. Mabuti na lang nandoon si tita Bell, kapatid siya ni mommy. Siya ang nag-alaga sa amin ni daddy. Siya ang nagpakain sa amin hanggang sa maging okay na si daddy.
Hindi nagtagal, bumalik ang dating daddy ko na malambing sa akin. Na may oras para sa mga childish galore ko. Naglalaro kami sa pond sa likod ng bahay namin, sa arcade every weekend, sabay namin pinapanood ang mga cartoons na paborito ko. Pero hindi pa rin pala sapat, malaki na ang nagbago. Malaki na ang kulang. Kaya tita Bell suggested na sumama na lang kami sa kanya.
At ganoon na nga pumunta kami dito sa America para magbagong buhay. Si daddy naghanap ng trabaho at ako naman naiwan kay tita Bell na ngayon ay may sarili na ring pamilya.
Hanggang sa nagkaroon na din si daddy ng new love, ito nga si tita Karen. Since then, wala na, naiwan na naman akong mag-isa.
"Hey, weirdest," malalakas na katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Pinunasan ko ang luha kong hindi ko alam na mayroon na pala sa pisngi ko.
Sinabi niya sa akin na dinner time na. Bumaba ako sa dining. Naabutan ko sila tita at daddy na nag-uusap. Si Mason naman inirapan lang ako. I kissed my dad cheeks. Niyakap niya ako at hinalikan ang ulo ko bago itinuon ang attention kay tita na masayang nagku-kwento ng achievements ni Mason sa school.
Hindi niya lang alam, o nagkukunwaring hindi niya alam. Bagsak siya sa mga subjects niya. Sa edad niya na fourteen years old naninigarilyo na. Tsk!