I eat my dinner quietly. Hindi kumikibo sa mga usapan nila. Nagtaas lang ako ng tingin kay daddy ng bigyan niya si Mason ng 300 dollars para sa pambili ng bagong skateboard. Napanguso na lang ako at hindi na kumibo.
Hindi naman talaga skateboard ang bibilin niya. At aanhin naman niya iyon? Sigurado magbubulakbol lang siya. Huminga ako nang malalim. Naawa ako sa daddy ko. Tumawa si tita Karen, hinalikan si daddy sa kanyang labi.
Ako na ang naglinis ng mga pinagkainan namin. Lumapit sa akin si Mason na pinapakita ang susi ng sasakyang niregalo sa amin ni daddy last Christmas dahil pareho daw kami na matataas ang grades sa school. Pina-ikot-ikot niya ito sa kanyang daliri.
"Pagbutihin mo paglilinis ng mga plato, ha? Nilagay ko na rin pala sa kwarto mo ang mga assignments ko. Gawin mo nang tama," saad niya. Tinumba pa ang pitsel na may lamang tubig, kaya natapon ito sa sahig.
Tinalikuran niya ako na wala man lang pag-aalala sa natapong tubig. Malalim akong bumuntong hininga.
My life, my life, my life!
Sinimulan ko nang mag-aral, nagbasa-basa at gumawa ng homeworks habang naka-open ang music sa laptop ko. Hindi ko namalayang ala-una na pala ng madaling araw. Bumaba ako para kumuha ng tubig. Nasa hagdan pa lang ako may naririnig na akong kaluskos. Nilingon ko ang taas at bumaba ulit sa madilim na hagdan. Hindi kaya may multo? No, walang multo. Hindi totoo 'yon. Tuloy-tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan. Dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang switch ng ilaw doon.
Agad akong napatakip ng mga mata. Tumalikod at pumasok muli sa loob ng kwarto ko.
No, no, no, wala ako nakita. I swear, wala!
Nahiga na lang ako sa kama. Napahagikgik, nilubog ko ang mukha ko sa unan. Nanunuyo man ang lalamunan ko, wala akong balak bumalik doon. Kaya nagpasyang matulog na lang.
***
Napapairap ako sa paghihintay sa sala. Ayaw ko malate, kahit may 40 minutes pa bago ang oras ng klase. Malayo-layo ang paaralan ko. Aabutin ako ng isa o mahigit isang oras kung lalakarin ko na naman ito.
Wala akong choice kung hindi katukin si Mason. Sana wala na ang babaeng kasama niya kagabi. May kwarto naman kasi, eh, bakit sa kusina pa? Lalandi din, eh. Paano kaya kung si tita or si daddy ang makahuli sa kanila?
"What?" Pagalit na tanong niya pagbukas ng pinto. Wala siyang suot na pantaas na damit. Nakakunot ang noo niya. Nakapikit pa ang isang mata. Halatang nagising ko lang ito.
"Ahm, tara na." Mahina at nahihiyang saad ko.
"Tang-na, ang aga pa, oh!" Pagalit na saad niya. Pabalang na ginulo ang buhok. Akmang isasara na sana niya ang pinto nang harangin ko.
"Akin na lang 'yung susi, para aalis na ako." Ako naman talaga may hawak nito, nasa tamang edad na ako para magmaneho. Malapit na rin ako kumuha ng license ko. Samantalang siya hindi pa.
Nginisihan niya ako. "In your dreams. . ." Sinarado na niya ang pinto. Napakurap-kurap na lang ako. Tumitig doon.
Hay, just like my another morning!
"Let's go self! Wala tayong aasahan, simulan na na 'tin maglakad."
Kinuha ko na ang iniwang gamit sa sofa.
Naiiyak man, naglakad na ako. Mamaya pa gigising si daddy, ayaw ko din naman siyang istorbohin. Pagod na pagod siya sa dalawang trabaho niya. Ayaw ko nang dumagdag pa sa mga iniisip niya.
Sinasabayan ko na lang ang kanta sa cellphone ko, sasakay na lang ako sa sakayan ng bus. Naghintay ako dito sa bus stop. May mga ilang nakapila na. Kahit mapapalayo ako. Pwede na rin ito. Konting lakad na lang para hindi ako malate.
Tahimik ako habang nasa biyahe. Nakatingin lang sa bintana ng bus. Ilang beses kami huminto sa bus stop para magsakay ng pasahero.
Napatingin ako sa isang store, lumabas ang isang lalaki at isang batang babae, may hawak siyang cupcakes sa kamay. Siguro tatay niya iyon. Masaya silang nag-uusap. I missed my daddy. Gany'an din kami dati. Bago pa niya makilala si tita Karen. Hinahatid niya ako sa school. Pinagluluto niya rin ako ng pagkain ko sa umaga at sabay kaming gagawa ng babauning pagkain. Ngayon wala na, alam ko gising na sila ni tita Karen, naririnig ko na kasi sila nag-uusap at nagtatawanan.
Pagdating sa school, pagod na pagod na ako. Masakit na mga binti ko sa kakalakad. Mamaya tatayo na naman ako sa duty ko. Mag-iipon talaga ako para makabili ng sasakyan. Iyon muna pag-i-ipunan ko. Ang hirap! Mas lalo ako napapagod. Takaw oras pa. Saktong nag-bell ng makarating ako sa hallway. Nakita ko pa si Mason na, ka-akbay ang isang babaeng freshman din. Nakangiti ito at bagong ligo. Umiling na lang ako nagmadali sa pagbubukas ng locker ko. May nahulog dito na mga plastic and papers.
Hay,
Hinayaan ko na lang, nilagay ko lahat ng gamit ko sa loob saka pinulot ang mga nahulog. Tinapon ko ito sa malapit na basurahan saka patakbong nagtungo sa classroom.
"Good morning kids, we're having a try-out and auditions in all the club's and organizations. Every student must have one or two clubs to join. You have two days to decide and choose wisely. I suggest you choose your passion, likes and your hobbies. If you are good at singing then go for music club's, if you're into sports then try it out, if you love writing and arts join them."
Announcements ng teacher namin. Last year nasa writing ako. Kung saan isa ako sa nag-pu-published ng mga school papers namin. Isa din ako sa mga nagsusulat ng mga articles para sa mga good athletes. Binibigay nila ang topic sa akin kasama ang mga nagawa nilang mga interviews.
But this time, I'll choose what I love to do. Music. And dancing. Tama na sa takot. Grab ko na 'to. This will help my future, para makapasok sa gusto kong University kailangan may background na ako sa ganitong klaseng organization. Matanggap man or hindi. Gagawin ko pa rin. I'll try my best. Para sa pangarap namin ni mommy. Para sa pangarap ko.