Jacky’s P.O.V Hindi muna ako pumasok dahil sabi probation daw ako pero sayang ang araw kaya nagpinta na lang ako sa maliit na studio ko. Naramdaman ko na may nakatayo sa likod ko at nagulat ako ng makita si Ralph na nakatingin sa pinipinta ko na siya mismo ang subject. Agad akong napatayo at hinarang ang sarili ko para hindi niya makita ang ginagawa ko. Hindi pa kasi siya tapos. Napatingin ako sa paligid ko at puro siya ang subject ang pinipinta ko ngayon! Napatakip ako ng mukha. “Please, remove this from your memory,” sabi ko. Narinig ko siyang natawa. “Why? I feel so proud. I am drowned by your affections,” sabi ni Ralph. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakangiti siya sakin at pinisil ang pisngi ko. “Shh!” Nahihiya ako. Pinat niya ako sa ulo kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya

