Martin’s P.O.V Nakita ko kung gaano kasaya si Jacky ginawa ni Ralph para sa kaniya. Napakuyom ang kamay ko. I want to win her heart again pero para wala na ata akong pagkakataon para gawin ‘yun dahil nakukuha na ng iba ang atensyon niya. Pero hindi. Hindi ako susuko, kung kailangan kong lumuhod sa madaming pako ay gagawin ko. May hawak ako ng pumpon ng mga rosas na paborito niya kaya wala akong nagawa kundi ang itago ‘yon sa likod ko at nagpunta sa kotse kung saan nagiintay ang manager ko. “Oh, kamusta?” Tanong niya. Napabuntong hininga ako at napa hagod ng buhok ko. “Hindi ako nakalapit dahil madaming tao ngayon sa harap ng bahay nila,” sabi ko. Nakarinig ako ng hiyawan sa paligid. Hindi ko alam ang nangyayari but my heart was clenching at hindi ko nagugustuhan ang mga hiyawan nila.

