Jacky’s P.O.V Naiwan ako sa ilalim ng puno ng mangga. Umalis na kasi si Ralph kasi sabi niya ay tutulungan niya si Tatay. Napabuntong hininga ako at niyakap ang mga hita ko habang nakaupo sa papag na nandoon. Hindi ko alam kunh anong magiging reaksyon ko kanina nung sinabi niyang gusto niya akong ligawan. Nararamdaman ko pa rin ang mainit na pisngi ko. “Jacky!” Narinig ko ang boses ni Miki. Nakita ko na magkasama si Gracia at Miki at kumakaway sakin. “Nandito ka nga, nakasalubong naming si Ralph at sinabi niya na nandito ka. Himala na wala siya sa tabi mo,” sabi ni Gracia ng makalapit sa akin. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Naalala ko na naman ang sinabi ni Ralph sakin. “Oh! Anong nangyari sayo? Bakit ang pula ng pisngi mo? May sakit ka ba?” Tanong ni Miki at hinawakan ang noo

