Jacky's P.O.V Maya maya ay dumating na ang mga classmates ko pati sila Miki at Gracia na dala ang mga boyfriends nila. Napataas ako ng kilay. Wow! Mga Artistahin ang boyfriend nila. "Wow! Di ko akalain na makakabingwit ka ng ganito kagwapo!" Asar ko kay Gracia. Nagtaas baba lang siya ng kilay. "Of course, maganda ako e!" Sabi niya sabay tawa. Napailing na lang ako. Nasa likod ko si Ralph at tahimik lang siyang nagmamasid. "Anton, eto nga pala ang pinsan ko na si Jacky." Pakilala ni Gracia sakin. Tumingin si Anton at tumango sakin. "Ikinagagalak kitang makilala," sabi niya. Parang hindi pa siya sanay magtagalog. Sabi na foreigner e! "Forenoy pala ang dala mo, Gracia!" Sabi ng isang kaklase namin. Tumawa lang si Gracia. "Ayy! Oo! Mabait itong si Anton. Sobra," masayang sabi ni

