Jacky’s P.O.V Nagulat ako ng makita ko si Maya paglabas ko ng school gate. Kasama ko si Marian dahil kakain sana kami sa Karinderiya ni Manang Irma. "Maya, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nasa likod niya ang nakaparadang kotse na madalas ginagamit ni Martin kapag may taping siya. "Jacky! Actually kanina ka pa namin inaantay," sabi ni Maya. Namin? Sino kasama niya? "Dae! Sinetch ang babaeng itey?" Tanong ni Marian. Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Siya yung manager ni Martin." Tumango siya at nginitian niya si Maya. "Bakit ka nandito girl? Sino kasama mo nagaantay?" Tanong ni Marian. Napatingin si Maya sa likod niya at tumingin sakin. Don't tell me kasama niya si Martin? Ayoko pa kasi siyang harapin sa ngayon. Hindi ko kinukwento kay Marian ang pinagusapan namin ni Martin nung

