Jacky’s P.O.V “Ano sa tingin baks ang magugustuhan niya?” Tanong ni ko kay Marian. Napatingin si Marian sa mga naka display na relo sa estante. Napabuntong hininga siya at napatingin sakin. “Kahit naman siguro anong relos ang bilhin mo at ibigay sa kaniya ay ayos lang sa kaniya,” sabi ni Marian sakin. Napabuntong hininga ako. “Kung pwede lang na kahit ano ang ibigay ko sa kaniya ay ginawa ko na pero hindi pwede!” sabi ko sa kaniya at seryosong tinignan ang mga naka display na relo. Ano kayang maganda? “Jacky, maganda siguro na ibigay mo sa kaniya yung galing sa puso mo. Mahal man yan o hindi basta galing sa puso mo, well appreciated niya yan!” sabi ni Marian. Napabuntong hininga ako. Ganun ba talaga ‘yun? Hinawakan ako ni Marian sa balikat. “Girl, hindi siya si Martin. Okay?” Napakipo

