Jacky’s P.O.V Nakauwi na ako ng bahay pagkatapos ng part time ko sa company. Napatingin ako sa paligid at unti-unti ko ng natatanggal lahat ng gamit ni Martin sa bahay. Tapos lahat ng mga merch na binili ko at painting ay naibenta ko na pwera sa isang painting. Nagpunta ako sa studio. Halos wala ng laman bukod sa painting tools ko. May ginagawa ulit akong project pero ang project na ‘to ay memories ko nung umuwi ako samin. Pero hindi ko matanggal sa isip ko ang mukha ni Ralph na nakahiga sa ilalim ng puno ng mangga. Napagod kasi ‘to sa kakakuha ng mangga. Ayun ngayon ang project na ginagawa ko. Pero agad din akong napabuntong hininga. Napalapat ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko kapag nakikita siya. At nagiging iba na ang tingin ko sa kaniya. “Jacky,

