Jacky's P.O.V Nakatingin ako sa likod ng papaalis na boss ko. Lumapit ako kay Marian na parang namatanda at hindi na nakagalaw. Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya. "Baks! Gumising ka nga!" Agad na napatingin siya sakin at malaki ang ngiti niya. "Ang gwapo talaga ng boss mo! Sana all! Pwede din kaya ako mag apply dyan sa pinagpa-part time-an mo? Nakikita mo ba siya madalas? May jowa na ba siya? Open minded?" Sunod-sunod na tanong niya. Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam. Magpapalit na ako," sabi ko sa kaniya at pumasok na sa fitting room. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Naalala ko ang sinabi ni Sir Ralph kanina. "It suits you!" Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko at pagbilis ng t***k ng puso ko. Pero agad ko din inalis siya sa isip ko. May boyfriend ako pe

