Jacky’s P.O.V Lumapit ako kay Ralph. May hawak akong tubig at towel para sa kaniya. Agad siyang napangiti nung makita ako. “Hey,” sabi niya. Tumango ako at inabot ko sa kaniya yung tubig at towel. “Eto oh! Inom ka muna at towel,” sabi ko sabay abot ng tubig at towel sa kaniya na tinanggap naman niya kaagad. Grave ang pawis niya baka matuyuan ng pawis sa likod niya. “Hindi ka ba magpapalit atsaka tigilan mo na ‘yang pagpapalakol na ‘yan. Hindi din naman namin magagamit ‘yan dahil may kalan.” Narinig kong natawa siya, “Well, if I want to prove that I am serious with you this kind of thing is easy to do,” sabi niya ng may malaking ngiti sa labi niya. Napailing na lang ako. May pagka matigas din ang ulo niya. “Hay nako! Ikaw talaga! Baka ma heat stroke ka niyan. Magpahinga ka na, kung aya

