Agad na tumayo si Anne at nilapitan si Karylle na busy sa paglilinis ng mga nakakalat na newspaper. Ang laki ng ngiti niya habang naglalakad papalapit dito.
“Karylle.” Nagulat naman ng slight si Karylle.
“Hi Anne.” Nilingon niya ito.
“May favor sana ako sayo. Sana wag mo ako tanggihan please.” Nakanguso na sabi ni Anne at naka-puppy eyes pa. Kinabahan naman bigla si Karylle.
“Ah sige ba hmm basta hindi mahirap ah.” Mabagal na sagot ni Karylle.
“Can you walk up until there? Heads up and with confidence like you’re a model. Please.” Utos nito at tinuro ang dulo kung hanggang saan siya maglalakad. Nanlaki naman ang mata ni Karylle, hindi niya maintindihan kung ano ang trip ni Anne.
“Bakit po ano meron?” naguguluhan na sagot niya.
“Please I just want to see something. Sige na please” Pagmama-kaawa nito. Lumapit din si Buern at nakiusyoso.
“Go Karylle kaya mo yan.” Pagchi-cheer ni Buern.
“O-okay wait po.” Lumunok muna si Karylle bago simulan ang utos ni Anne. Nagsimula na siyang maglakad at kinakabahan sa bawat hakbang niya.
Natuwa naman si Anne dahil maganda ang tindig ni Karylle, kailangan lang i-make over ito. The way she looks kasi ngayon ay mukha siyang nerd with those thick eyeglasses and braces but overall maganda ito.
“Perfect! Come here girl. I need to tell you something.” Bumalik na sa pwesto ni Anne si Karylle na kasalukuyang nakaupo na. Pinaupo niya din si Karylle.
“Girl pasok ka na sa banga!.” Ani Buern. Napangiti na lang si Karylle na g**o na g**o pa din sa mga nangyayari.
“Karylle kasi I need you, you will be the one who will complete my list. We will be having a pageant kasi for the upcoming fiesta sa March. Beauty contest you know.” Pasimula ni Anne, nanlaki ang mata ni Karylle at napaturo sa sarili niya.
“Huh sure po ba kayo? Hindi po ako pwede sa ganyan wala naman akong beauty, baka mapahiya lang ako. Sa iba na lang po.” mariin na patanggi na sagot niya.
“No, I see a potential in you. Your beautiful who said not? Can you take off your glasses for a few seconds, please?” utos ni Anne, napangiwi naman si Karylle sa sinabi nito. Wala na naman siyang nagawa kundi sundin ito.
Hirap siyang magmulat ng mata dahil talaga namang ang labo ng mata niya, tanging ang salamin niya ang nagpapalinaw ng paningin niya.
“See you have a very beautiful eyes and face. Can you smile for a few seconds too?” utos ulit ni Anne.
“Panalo ka naman pala girl.” Komento ni Buern.
“Pwede ko na po ba isuot ulit salamin ko.” Sumasakit na kasi ulo niya ang labo talaga kasi ng paligid.
“You have a perfect teeth too. Can you make lugay your hair too before you put on your glasses.” Anito, tinaggal ni Karylle ang nakapusod na buhok. Lumapit si Anne sa likod niya at inayos ang buhok nito na kulot at mahaba na halos hanggang bewang na.
“Wow long hair ka pala girl. Bakit kasi lagi nakatali yan, ang ganda mo sa personal. Haha Chararot!” komento ulit ni Buern. Pumunta sa harap si Anne para makita si Karylle ng buo.
“Truelala yan. Perfect ka talaga for the last spot girl, ikaw ang hinahanap ko kanina pa.” napahawak naman ang palad ni Anne sa magkabilang pisngi niya, ang saya saya lang ng peg niya dahil at last she found the last contestant that will complete her list. Sinuot na ulit ni Karylle ang salamin niya.
“Naku sorry Anne ayaw ko sumali sa ganyan. Mapapahiya lang ako.” Mahinang sambit ni Karylle. Bigla naman nalungkot si Anne.
Hindi na nakapagsalita si Anne dahil nag-excuse si Karylle dahil may bagong dating na mga guest. Hindi na din nito naitali ang buhok ng bumalik sa post niya.
“Buern baby help me convince her please.” Nakangusong sabi ni Anne.
“Sige Ateng ako bahala. Wait lang natin siyang matapos ng shift niya.” Paniniguro ni Buern dito, tumayo si Anne at bumalik sa coffee shop she ordered frappe and a chocolate cake para kay Karylle. Medyo busy pa din ito ng bumalik siya nagsisimula ng dumating ang mga guest. Nagchi-chikahan lang sila ni Buern ng dumating si Vice.
“Meme” tawag ni Buern dito ng makita na dinaanan lang sila nito.
“Oh dede ka?” mataray na sagot nito.
“Cuzzz” sigaw ni Anne, lumapit ito kay Vice at niyakap ito.
“Sorry na cuz wag ka na magtampo sa akin.” Sabi nito ng humiwalay sa pagkakayakap nila.
“Wala yun masakit lang ang ulo ko kanina sumabay ka pa.” nanlambot naman na ang puso ni Vice dito, ganito lang naman siya kay Anne maiinis pero isang sorry lang nito mawawala na.
“Sige na treat kita ng coffee.” Hinila niya na ito papunta sa coffee shop, kinwento niya ang mga nangyari sa kanya sa buong araw.
Hindi na nila namalayan ang oras, napatakbo si Anne sa reception area ng maalala niya na kakausapin niya pa ito at wala na si Karylle dito pinalitan na ni Colleen.
“Colleen where is Karylle?” hingal na hingal na tanong nito.
“Ay Anne kakaalis lang.”
“OMG! Anong cellphone number niya? I need to talk to her.” Naiinis sa sarili na sabi nito.
“Walang cellphone yung babae na yun girl.”
Narinig naman ito ni Vice, ayaw pa niya sana sabihin na sa bahay niya lang ito nakatira pati kasi sila Buern ay hindi alam ang tungkol dito.
“Ako na bahala kumausap sa kanya.” Singit ni Vice.
“But cuz I need her answer as in now.” Nagtatantrums na si Anne.
“Wait ka lang diyan hintayin mo ako dito.” Hindi na nakatiis si Vice naawa naman bigla sa pinsan niya dahil buong araw na ito andito. Nagdrive siya papunta sa bahay niya pagdating dito ay madilim ang loob pero pumasok pa din siya para makasiguro kung andito si Karylle. Pero wala pa ito, bumalik siya sa resort pagbaba niya ay nakita niya sa malayo si Karylle na naglalakad. Sinundan niya ito.
Nakita niya ito na bumibili sa isang sari-sari store ng maabutan niya ito. Hindi niya muna ito tinawag. Pagkatapos bumili ay nagpatuloy ito sa paglalakad at ng medyo malayo na sa mga tao sa paligid ay nakita niya itong umupo sa buhanginan at tahimik lang na kumakain ng skyflakes. Hindi pa rin siya nagpakita dito at tahimik lang na tinitignan ito.
Umupo siya sa ilalim ng puno at hinihintay lang kung ano ang gagawin ni Karylle. Nagtataka lang siya dahil tahimik lang naman ito at panaka-naka na binabato ang dagat ng mga bato na katabi nito.
“Dalhin na sana ng alon ang lahat ng natitirang sakit sa puso ko.” Sigaw ni Karylle, nagulat naman si Vice sa biglang pagsigaw nito.
Nakasanayan na ni Karylle na gabi-gabi ay andito sa tahimik na parte ng dalampasigan kasama ni Jhong, gabi-gabi nilang kinakausap ang dagat, ang alon na dalhin na ang lahat ng sakit na nararamdaman nila. Ngayon na wala na ang kaibigan ay gusto niya itong ipagpatuloy hanggang mawala na lahat ng pighati na nararamdaman ng puso niya.
She began to become emotional, wala na ang taong napapagsabihan niya ng nararamdaman niya. She remembered again all the pain that Yael caused her. She’s starting to move on but the past still dragging her to go back and reminisce all of it. Ilang lingo na siyang umalis sa poder ni Yael but her heart were still longing of his presence. She started to cry, it just mean that she’s not yet over. Tears mean pain, pain is still there.
Jhong told her that when the time comes na she will just smile everytime that she will remember Yael that means that she already moved on. Matatawa na lang siya sa sarili niya dahil minsan ay nagpaka-tanga siya at nagpaloko.
But she wants to know when will it happen?
Naririnig naman ni Vice ang paghikbi ni Karylle, medyo naawa siya dito. Ngayon niya lang nalaman na may pinagdadaanan pala ito. Hindi na lang niya namalayan na naglalakad na siya papunta sa tabi ni Karylle.
“Manang eto oh.” Inabot niya ang panyo kay Karylle, nagulat naman ito sa presensya ni Vice.
“Okay na sana eh, may Manang pa.” inis na inabot ang panyo, pinunasan ang mga luha at uhog na tumutulo sa ilong niya.
“Ay kadiri wag mo na ibabalik panyo ko sayo na yan.” Nakita ni Vice ang pagpunas nito ng uhog.
“Ang arte hindi ka inuuhog pag umiiyak?” ganting sagot ni Karylle.
“Syempre naman pero siyempre uhog ko yun hindi mo uhog.”
“Fine, sige salamat sa panyo mo at sa pagi-istalk sa akin.” Inis na sabi ni Karylle, nagtaka kasi siya bakit andito si Vice kaya naisip niya na baka sinusundan siya nito, tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Vice.
“Dito ka muna. To’ naman nagtampo na kaagad.” Napaupo naman ulit si Karylle.
“Bakit ka ba andito? Sinisira mo ang moment ko eh.” Iritadong tanong ni Karylle.
“Hinahanap kasi kita hindi ka pa pala umuuwi.” Mahinang sabi nito.
“Bakit nasa listahan na ba ng to do list mo na makita ako paguwi mo?” nakangiting tanong ni Karylle.
“Che assumera ka. Bobita ka talaga baliw pa. Bakit mo kinakausap ang dagat aber?” curious na tanong nito.
“Wala kang pake!” pang-gagaya ni Karylle sa paboritong linya ni Vice.
“Aba! Gayahin ba ako?” napangiti tuloy si Vice.
“Ang cute mo pala pag nakasmile ka ng ganyan. Mukha ka kasing dugong pag lagi kang galit.” Napahalakhak siya sa sinabi niya.
“Grabe dugong kaagad hindi ba pwedeng shokoy muna?” nakasmile pa din na sabi ni Vice.
“Gwapo pa yung shokoy eh hindi bagay sayo.” Panloloko ni Karylle dito.
“Ansaveh!.”
“Sige na uuwi na ako matutulog na ako.” Tatayo na naman sana siya pero hinigit na naman siya ni Vice.
“Teka lang. Effective ba yung paghiling mo sa alon na mawala ang sakit sa puso mo?” curious na tanong nito, napatingin naman si Karylle dito.
“Isigaw mo lang, whatever you want. Nakakatulong magpagaan ng damdamin. Try mo.” Suhestiyon ni Karylle. Nagdadalawang isip naman si Vice na gawin yun para kasing mukhang timang.
“Baka pagtawanan mo ako?” matamlay na sabi nito.
“Why would i? We are on the same shoes. I can feel you.” Nakangiting sabi ni Karylle. Sabi niya na gayahin siya tumayo si Karylle at sumunod naman si Vice.
“Dalhin na sana ng alon ang mga sakit na nararamdaman ko. Sawang sawa na ako maramdaman ito” Tinodo ni Karylle ang sigaw niya, nakatingin lang si Vice sa kanya kita niya ang sakit sa mga mata ni Karylle na ngayon niya lang napagtanto na heartbroken pala ito, katulad ng dati maliwanag ang paligid kahit gabi na dahil sa bilugan ang buwan.
Bumuntong hininga si Karylle ng napakalakas bago siya lumingon kay Vice.
“Ikaw na try it. Gagaan ang pakiramdam mo promise.” Karylle said with an assurance, ngumiti ng maliit si Vice kumuha ng bato at hinawakan ito ng sobrang higpit.
“Dalhin na sana ng mga alon ang mga manlolokong lalaki sa mundo.” Sigaw nito sabay hagis ng bato na hawak nito. Naramdaman naman ni Vice ang kamay ni Karylle sa likod niya.
“Kainin na sila sana ng mga pating dahil lahat sila mga walang kwenta, magaling lang silang magpa-ibig pero after nila makuha ang gusto nila gagaguhin lang pala kami!” sigaw ulit nito, napapangiti si Vice sa mga sinasabi niya totoo nga at nakakagaan ng pakiramdam.
“Go Vice ilabas mo lahat. Lahat ng sakit na nararamdaman mo.” Pagchi-cheer pa ni Karylle.
“Sawang-sawa na ako magmahal at maloko. Dalhin na sana ng alon lahat ng sakit na nakatarak sa puso ko ngayon.” Buong lakas na sigaw ni Vice with her hands beside her cheeks pa. Parang bigay na bigay lang.
Hapong hapo na si Vice sa sobrang kakasigaw niya. Napahawak siya sa dibdib niya at ang isang kamay sa tuhod naman. Halos itodo na niya kasi lahat ng gusto sabihin ng puso niya.
“Salamat Karylle ah. Gumaan talaga ng dibdib ko, I didn’t expect na ganito pala to kasaya.” He just realized na hindi lahat ng bagay pag nasaktan ka beer lang ang pwedeng makatulong. Sometimes you just need to be an abnormal living thing for a moment. Feeling niya ay baliw si Karylle pero ngayon siya din ay ganoon na din.
Natapos ang pagiging baliw nila ng marinig ni Vice ang pagtunog ng cellphone niya. Pagtingin niya ay ang dami na palang missed calls at text from Anne.
“Let’s go hinahanap ka kasi ni Anne kaya ako andito sinundan kita.” Pag-amin niya dito, gumaan na din ng todo ang pakiramdam niya kay Karylle. Narealize niya na sobra siya dito noong mga nakaraan which he regret now. Ito lang pala makakatulong sa kanya para mailabas lahat ng nararamdaman niya.
“Ah oo ayaw ko kasi ng hinihingi niyang pabor sa akin hindi ko kaya.” Alam naman na nito bakit siya hinahanap ni Anne. It's about the pageant.
“Pagbigyan mo na si pinsan, para sa akin na lang.” Vice begged. Tahimik lang silang naglakad, matagal bago sumagot si Karylle.
“Pagiisipan ko.” Maikling sagot ni Karylle andito na sila sa tapat ng restobar andito kasi si Anne, kasama nila Buern, Aaron at Archie.
“Meme ang tagal mo naman kanina pa kami ditey.” Bungad na sabi ni Archie.
“Karylle, akala ko hindi na kita makakausap.” Agad na tumayo si Anne at hinila paupo si Karylle. Tinawag nito ang waiter at inorderan niya kaagad si Karylle ng pagkain.
“Karylle gora na kasi sa offer ni madam Anne.” Si Aaron.
“Oo nga ses kanina pa hindi mapakali si Anne.” Si Buern.
Nakangiti lang siya, hindi alam ang isasagot.
“Sige na ano ba ang gusto mo gawin ko para mapasagot lang kita girl.” Anne with her puppy eyes again.
“Eh kasi ang hirap naman ng gusto mo. I don’t have much confidence to flaunt myself in front of many people. Ang panget ko kaya.” Explanasyon ni Karylle.
“Wit yan ses ang ganda mo kaya kulang lang sa ayos.” Pagbo-boost ni Buern.
“Sige na friend. I have a lot of to do things na for you. For sure malakas ang laban mo. Sige na please.” pangungulit ni Anne.
“Pakainin niyo muna kasi si Karylle para makapag-isip.” Singit ni Vice.
“Oo nga naman ses baka gutom ang peg.” Nakangising sabi ni Aaron.
“Haha oo nga naman let’s eat muna. Let’s celebrate after kasi nito I’m sure papayag na si Karylle. Yehey!” malakas ang tiwala na sabi ni Anne.
Tahimik silang kumain habang nakikinig sa acoustic band na nasa harap. Umorder na din si Anne ng maiinom nila. Masaya naman ang tres marias at may libreng nomnom na naman.
“May we call on someone that wanna jam with us.” Anunsiyo ng vocalist ng banda.
“Aaron ses jam ka na please.” Agad na tinuro ni Anne si Aaron.
“Ay ses ayaw ko ngayon masakit lalamunan ko.” Tanggi nito.
“Ay bakit lumunok ka ba ng buhangin kanina?” panloloko ni Archie.
“Ay hindi naman masyado nagmumog lang ako wala kasing tubig sa gripo kanina.” Sagot nito, nagtawanan naman sila sa kakulitan ng mga ito.
“Ikaw ses Karylle?” turo ni Buern dito.
Sunod-sunod na iling naman ang nakita nila kay Karylle.
“Oo nga Karylle kanta ka.” Singit ni Vice.
“Sige papayag na ako Anne basta si Vice kakanta sa harap.” Biglang naisip ni Karylle.
“Go Meme para sa ikakaunlad ng bansang Pilipinas.” Pagchi-cheer ng tatlo sa kanya.
“Cuz sige na pagbigyan mo na si Karylle.” Ani Anne.
“Akala ko friend na tayo Karylle nilaglag mo ako ah.” Kunyaring irita na sabi nito, balewala lang ang pakikijam kasi mahilig naman siyang kumanta, lumapit na siya sa stage ang pumili ng kakantahin.
Nagsimula na ang instrumental, umupo si Vice habang nakatingin sa lyrics ng kanta.
Nagtitili naman ang mga tres marias pati si Anne, samantalang si Karylle ay tahimik lang na nakikinig dito. Panaka-naka ay nagtatagpo ang mga paningin nila, napapangiti na lang si Karylle dahil iniiripan siya nito after.
Kala mo ay lalaking lalaki kung kumanta si Vice, binigyan naman ni Buern si Karylle ng tagay nito. Halos maistraight ito ni Karylle ng makita niya ulit na tumingin sa kanya si Vice pero wala ng irap factor. Medyo matagal ang titigan nila.
Natapos na ang kanta na nakayuko si Karylle, she can’t stand those eyes. Ang mga mata ni Vice na hindi mo alam kung ano gusto ipahiwatig. Bumalik na si Vice sa mesa nila.
“Nainlove ka sa akin ano?” pang-aasar na bulong ni Vice sa kanya.