Chapter 10

3570 Words
Nakalipas ang ilang lingo umalis na rin si Jhong, naging parang matalik silang mag-kaibigan sa ikli ng panahon na nagkasama sila. Parang naging magkapatid sila sa close nila sa isa't isa noong andito pa si Jhong, lumipad na ito kahapon pabalik sa Hongkong gusto nga sana ito ihatid ni Karylle pero hindi siya pinayagan ni Vice mag day off kasi kulang pa sila sa receptionist kailangan pa maghire ng dalawa pa para dalawa sila sa umaga at dalawa din sa gabi malapit na kasi mag summer at paniguradong doble ang magiging guest nila. Unti-unting gumagaan ang pakiramdam niya lalo na may nasasabihan siya sa mga napagdaanan niya, inis na inis nga si Jhong tuwing may malalaman siya na masama na ginawa ni Yael dati kay Karylle, gusto niya nga itong makita at makasapak man lang daw para maiganti si Karylle sa pang-gagago nito dito. Medyo naninibago si Karylle ngayon dahil walang Jhong na bumabati sa kanya sa umaga at sumusundo sa kanya sa bahay ni Vice at naghahatid pagkatapos nila maglakad sa tabing dagat tuwing gabi. Ngayon mag-isa siyang naglalakad papuntang resort. Hindi pa kasi gising si Vice nauna na siya nag-inom na naman kasi ito kagabi, simula ng maghiwalay sila ng boyfriend niya ay gabi-gabi ito kung maginom kasama ng mga kaibigan niya minsan ay iba't ibang lalaki sa resto bar ng resort. "Hi Karylle good morning. Bakit mukhang busangot yang mukha mo? Inaway ka ba ni Vice?" bungad ni Coleen pagdating niya sa post niya. "Hindi ah, hindi nga kami masyado nagkikita kasi lagi naman siyang wala pag nauwi ako ng bahay, heartbroken kasi ang lola mo." Sagot niya, mukha naman alam ni Coleen din ang tungkol doon. "True yan girl nakikita ko nga siya lagi nasa restobar, ganun talaga yun pag heartbroken lilipas din yun. Hehe sa sobrang tagal ko na dito ilang beses ko na nakita yun na ganon." Ani Colleen. "Ayos na din yun para hindi kami masyado nagkikita at hindi niya ako natatarayan. Sige gora ka na kaya ko na dito." Pagtataboy nito kay Coleen. "Teka naalala ko sabi ni Buern since malapit na ang Valentines at madaming guest for sure madami tayong promotions so may mga changes sa prices ng mga rooms pupuntahan ka na lang niya dito to discuss it. Saka maghi-hire na yata sila ng seasonal na receptionist so hindi na tayo mahihirapan humingi ng off. Excited na ako." Balita ni Coleen, si Buern kasi ang Supervisor nila. Ang tatlong kaibigan ni Vice ay mga Supervisor sa iba't ibang department ng resort ni Vice. "Sige salamat sa information ingat ka sa paguwi ah kita kits later." Paalam ni Karylle, umalis na din si Coleen. Nagsimula na siya sa pagaayos ng mga naiwan na gawain ni Coleen chineck kung okay lahat ng mga check-ins ganon kasi sila ni Colleen nagtutulungan para sure na walang aberya sa trabaho nila mahirap na pag si Vice ang kumuda nakakatakot talaga. One time kasi pinagalitan si Coleen ni Vice dahil sa isang nagreklamo na customer talaga naman na tameme silang dalawa. "Hi girl." Nagulat naman siya sa lakas ng boses ng taong nasa harap niya. "Hi mam good morning how can I help you?" agad na bungad ni Karylle habang nakangiti. "Where is Vice?" tanong nito, mukhang namumukhaan naman ito ni Karylle. "Ah mam tulog pa po eh." Aniya. "Oh how did you know?" gulat na tanong nito. "Ah-ah Eh kasi po." Nagiisip na sabi niya hindi niya alam kung ano isasagot. "As far as I know he wouldn't tell where he is sa mga empleyado niya unless it's a business matter." Pilyang nakangiti ito kay Karylle. Anne was also curious how did Karylle knew about what he's doing right now. "Eh-Eh k-kasi po m-mam." Nauutal pa din na usal niya. "Hehe stop calling me mam, just call me Anne okay?" nakangisi na sabi nito. "Puntahan niyo na lang po siguro siya sa bahay niya." Nahihiyang sabi niya. "Good idea, I really need him kasi ngayon. Thanks girl. See yah." Nagwave pa ito bago tuluyang umalis. Pinaandar ni Anne ang kotse at nagtungo sa bahay ni Vice. Pagdating sa bahay ni Vice ay agad niyang napansin ang aso na tahol ng tahol sa kanya. Nilapitan niya ito. "Hi cutie, I didn't know that Vice has a pet na ah. You're so cute." Tahol pa rin ng tahol ito sa kanya. Nagdoorbell na siya ng paulit-ulit pero wala pa din na Vice na nagbubukas ng pinto. Inulit niya ulit ang pagdoorbell hanggang matulig na si Vice. "Ano ba? Sino ba yan? Kung ayaw mo magpatulog matulog ka." Sigaw ni Vice ng marinig ang maingay na doorbell. Hindi pa rin ito tumigil kaya tumayo na si Vice na badtrip na badtrip. "Ano ba kasi ang aga-aga nambubulahaw." Sigaw ulit nito pagbukas ng pintuan. Naka-tweety bird ito na pajama na terno pati na rin ang tsinelas nito ay ganon din. "Cuz ang tagal mo magbukas ng pinto ah muntik ng matunaw ang make up ko sa init." Ganting sigaw ni Anne. "Ansaveh? Ang aga pa naman hindi pa masyadong todo bigay si haring araw. Pumasok ka na nga." padabog na bumalik si Vice sa kwarto nito. "Hoy cuz teka lang." pinigilan ni Anne ang pinto na pasara na. Nakita niya na nakahiga na ulit ito. "Ano ba kailangan mo?" nakapikit na sabi ni Vice. "Bakit ba kasi anong oras na tulog ka pa din?" napansin kasi ni Anne na haggard ang itsura nito at amoy alak din. "Lasing ako kagabi wala ako sa mood bumangon." Matamlay na sabi nito. "Hmm don't tell me heartbroken ka na naman?" tanong nito, bigla naman nanlaki ang mata ni Vice dito. "Pag lasing heartbroken na kaagad? Hindi ba pwedeng masarap lang uminom?" mataray na sabi nito. "Oo naman itsura mo pa lang mukhang galing kang iyak. Tingnan mo wala ang mga talukap ng mata mo. Uyy aminin! Sabi ko naman sayo hindi kayo magtatagal ng jowa mo eh." Pang-aasar pa nito. "Oo na ako na Oo na ako na. Ako na ang heartbroken, ako na ang niloko, ako na ang tanga, ako na ang gago, ako na ang umasa. Ako na lahat." Naiinis na sabi nito sabay takip ng unan sa mukha niya. Hindi na naman napigilan ni Vice maging emosyonal nakita niya kasi ang ex niya na kasama yung sinasabi nito na kinakapatid at confirm nga na nagsinungaling lang ito sa kanya. Kaya kagabi ay sobra talaga siyang nagpa-kalango sa alak. "Naku move-on na cuz. Halika na tumayo ka na diyan pagtitimpla kita ng kape may paguusapan pa tayo." Hinawakan ni Anne ang kamay nito ay pilit na pinapatayo. Ang bigat ni Vice pero kiniliti ito ni Anne sa paa nito, malakas kasi kiliti nito kaya ayun walang nagawa si Vice kundi ang sumunod dito. "Wow may pagkain ka pala sakto gutom na ako." Nakita ni Anne ang mga nakatakip na pagkain. Fried rice, omelette, spam at tinapa. At napansin din nito ang maliit na note sa tabi ng plato Hindi na kita ginising, kumain ka pag-gising mo ah. May mainit na din na tubig diyan kaw na bahala magtimpla ng kape. Have a nice day! Nanlaki ang mga mata ni Anne sa nabasa. "Ang tarush, kakabreak lang meron na kaagad jowaers?" tili ni Anne pagdating ni Vice galing sa cr. Kinuha ni Vice ang hawak na papel ni Anne. "Hindi yan otoko, merlat yan." Walang ganang sagot ni Vice. Namilog naman ang bibig ni Anne. "Huwaaatt??" sigaw ni Anne. Natulilig naman ang tenga ni Vice. "Kung makasigaw wagas." Padabog na naupo si Vice. "Cuz? Nagbabalik loob ka na ba?" naiiyak na sabi ni Anne. Nilapit nito ang mukha kay Vice at tinitigan sa mga mata. "Yuckers never. Manahimik ka na nga itimpla mo na nga ako ng kape kaunting sugar lang." pagtataboy nito kay Anne. "Sino itong merlat na to' cuz?" pangungulit ni Anne habang kumakain sila. "None of your business." Nakairap na sagot ni Vice. "Hmp malalaman ko din yan." Humahalakhak na sabi ni Anne. Sobrang nacurious siya sino itong merlat na ito. Pero ngayon yung main concern niya muna ang iisipin niya malalaman din niya ito mamaya. "Warever! Bakit ka pala andito?" "Ay ano ba yan muntik ko na makalimutan. Remember February na ngayon malapit na ang fiesta almost one month na lang. Since I'm one of the coordinator I suggested na dito sa resort mo ganapin ang pageant. Pero ang laki ng problema ko kasi kaunti pa lang ang sumasali. We need at least fifteen pero eleven pa lang sila we need to get it as soon as possible." Mahabang sabi ni Anne. "So ano gagawin ko?" nakataas na kilay na sabi ni Vice. "Alam ko naman na papayag ka dito ganapin but I need your help to find me candidates for our Ms.Pagudpud 2015." Naka-puppy eyes na sabi nito. "Si Coleen, siya lang naman ang angat ang ganda dito yung iba baka mapahiya lang pag sinali mo." Diretsang sabi nito. "Harsh ah. Hindi na pwede si Coleen remember sumali na siya two years ago." Pagpapaalala nito sa kanya. "So problemahin ko pa yan? Madami ako iniisip at wala ako maisip na pwede isali dito. If you want maglibot ka tignan mo kung may makita kang papasa sa taste mo." Ani Vice habang nahigop ng kape. Nakanguso naman si Anne na parang nalungkot, she really need to complete the candidates madami pa silang gagawin before the big night. "Sige na nga basta samahan mo ako maglibot ah." Nakangising sabi nito. Vice just rolled his eyes, wala na siyang lusot makulit ang pinsan niya at hindi talaga siya nito tatantanan pag hindi niya ito pinagbigyan. Tinapos lang nila ang pagkain at pinaligo na ni Anne si Vice. Nanonood lang si Anne ng spongebob habang hinihintay si Vice, ang tagal pa naman maligo non daig pa siya halos isang oras bago natapos ito. Umaalingasaw ito na lumabas ng kwarto nito, ang laki ng shades nito na halos masakop na ang kalahati ng pisngi niya. Nakalagay sa kanang bahagi lahat ng buhok nito na kulay chocolate na ngayon at black na t-shirt. Maikling short at hi-cut na rubber shoes na neon orange. Paglabas nila ng bahay ay kahol na naman ng kahol si Mumay. "Hi cutie, take care of the house ah." Magiliw na sabi nito sa aso. Tinitigan naman ng masama ni Vice si Mumay na parang sinasabi na tumigil na sa pagtahol. Nagmaneho na pabalik si Anne sa resort. Andito na sila ngayon sa office ni Vice until now wala pa rin itong sekretarya, umalis na lang ito bigla nag-awol hindi kinayanan ang ugali ni Vice. "Meme bakit mo ako pinatawag?" Agad na tanong ni Buern pagdating sa opisina ni Vice, binati naman din niya si Anne na andito sa tapat na upuan ng mesa ni Vice na nakadekwatro habang kumukuyakoy. "Hi Buern baby. We will just ask for your help sana." Si Anne na ang unang nagsalita. "Tawagin mo ang lahat ng mga babae sa bawat departamento natin. Ito kasi si Anne sinugod ako at binubulahaw ang beauty rest ko."sabi ni Vice, nakaupo ito sa swivel chair niya. Isinandal ang ulo dito dahil medyo mabigat ang pakiramdam niya ngayon. "Anong meron Anne?" takang tanong ni Buern. "Remember fiesta na next month? I need few more candidates for our upcoming pageant. Lamoyan ako ang in charge doon." Paliwanag ni Anne. "Ateng bakit kasi pang merlat lang dapat meron din para sa amin for sure puno kaagad ang slot mo." Nakatawang sagot nito. "Hmm hindi niyo pa time para magshine sa May pa kayo for girls muna." Anito, napaturo naman ang hinlalaki ni Buern sa sentido niya at nagiisip sino- sino ang pwede isali. "Sige madam wait mo ako ah dadalhin ko sila pero uunahan na kita baka mabigo ka lang. Chararat lang, sige gora na ako babalik ako" nagpaalam na ito at bumaling naman ang tingin ni Anne kay Vice na mukhang tulog na. "Cuzzzz" sigaw niya at nagulat naman si Vice. "Hindi ba uso ang bulong sayo." Reklamo niya. "Kasi naman napre-pressure na ako." "Wala akong pake." Mataray na sagot nito. "Ehhhhhhhh minsan lang humingi ng favor." Maktol ni Anne. Hindi na siya kinausap pa ni Vice at pinagpatuloy ang pag-idlip, ilang minuto pa ang lumipas kaya naglaro na lang si Anne sa ipad niya habang naghihintay kay Buern. "Ateng andito na ang mga merlat from housekeeping." Bungad ni Buern. Pinapasok niya lahat ng mga ito. Napalunok naman si Anne sa mga nakita. "Hi" nakangiwing sabi ni Anne sa mga ito. Binati din siya ng mga ito. Nagising naman si Vice at tinanggal ang shades saglit para makita ang mga dinala ni Buern. "Goodluck." Pang-aasar ni Vice kay Anne. Medyo matatanda na kasi ang mga nasa harapan at mga maliliit lang ang mga ito. Mukhang ang pinakabata ay nasa trenta na, pinalapit ni Anne si Buern sa kanya at nagtype sa ipad nito. Wit akong bet, next please. "Haha sabi ko nga. Balik ako ulit" nakatawang sabi ni Buern. "Thanks girls." Paalam ni Anne sa mga ito. "Let's go girls, go back to your work." Umalis na ito kasama ang mga merlat. "Ano ang kulit eh sabi ng walang dyosa dito." Komento ni Vice. "Grabe ka, meron yan may makikita din ako." Sabi ni Anne sabay belat kay Vice. "Edi goodluck." Nakangising sabi nito. Binuksan ni Vice ang laptop niya at nagcheck ng emails niya. Nagpatuloy lang si Anne sa paglalaro sa ipad niya habang naghihintay kay Buern. Lumipas ulit ang ilang minuto at bumalik na si Buern na may dalang iilang kababaihan. "Ateng ito na they were from the restobar." Pinapasok na ni Buern ang mga ito. Napapa-tango na lang si Anne habang tinitignan ang mga ito, may napili siyang dalawa medyo matangkad ang mga ito slim at may itsura. Pinalakad niya ito at pinaikot para makilatis ng buong-buo. "Very good Buern, thanks ladies. Kayong dalawa I will talk to you later. Just stand by okay?" tinuro niya ang dalawa na napili niya mukhang wala naman alam ang mga ito sa mga pinag-gagawa nila at wala na lang nagawa kaya sumunod na lang kay Buern. Nagpaalam na si Buern ulit at magdadala ulit ng next batch na mga empleyado sa opisina ni Vice. "Grabe ang desperada mo? Pinili mo na yun? Alam mo yun baka mapahiya lang sila kawawa naman." Nakairap na sabi ni Vice paglabas ng mga ito. "Hoy kaya na yun i-makeover. For sure lalabas ang mga beauty nila." Pagtatangol ni Anne. "Ipush mo harder." Nakatawang sabi ni Vice. "Wag ka ngang nega malay mo isa pa sa mga makuha ko dito ang manalo. At wag ka chuchal ang mga guest judge ko." pagmamalaki niya. "Wala akong pake!" naka-belat na sabi ni Vice, bumalik ang paningin niya sa laptop niya. May ka-chat kasi siya ngayon sa f*******: na bagong friend niya sa online in-aad siya nito noong nakaraang lingo lang. "I'll just need 2 more and I'm good to go." Ani Anne, pero hindi na siya pinansin ni Vice. Napansin niya na lang ito na nakasmile sa harap ng laptop. "Landi pa more, more landi more heartache." Pang-aasar ni Anne. "Che! Wag kang sagabal sa lovelife ko. Mind your own monkey business." Nakangusong sabi ni Vice, matagal na sinasabihan ni Anne si Vice tungkol sa mga guys na mahirap talaga makahanap ng true love sa isang katulad niya she just want Vice to be aware of it and not to be involve that much everytime na meron itong karelasyon. Of course Vice is her cousin and she don't want to see him crazy in love in one second and the next minute he's like a broken glass. "Ayaw pa kasi magbalik loob why don't you give tita an apo. She's not getting any younger, I'm sure that will make her so happy." Naging seryoso na ang tono ni Anne, binato siya ng masamang tingin ni Vice, since they were in high school up to college lagi niyang sinusuyo si Vice na makipag-date sa isang babae pero laging palpak. "Ansaveh? Choppy ang line teh." Nakangising sabi ni Vice. "Even you, you're not getting any younger. Masaya ka na lang ba na ganyan ka? Maiinlove, magiging masaya ng saglit, then lolokohin tapos iiwan. History always repeats on you cuz, minsan try mo makinig sa akin." Patuloy na pangangaral ni Anne. Paulit-ulit na irap ang natamo ni Anne mula dito. Nakasimangot na ito mukhang natamaan ang ego ni Vice sa mga sinabi niya. Oo masakit siya magsalita sa pinsan niya coz the truth always hurts at iyon ang nababagay sa kanya baka sakaling mauntog sa katotohanan. "Eh bakit ikaw ganon din naman diba?" ganti ni Vice. Lumaylay naman ang balikat ni Anne at sabay napahalukipkip. "I know but it's just like I think I haven't seen my destiny that's why." matamlay na sagot niya. Tinamaan din siya ng katotohanan, she been through a different relationship but all of them failed. "Tumpak! So ganon din ako I'm just waiting for the right one. So wala kang pake kung ilang beses ako masaktan at umiyak." Mataray na sagot ni Vice. Tumayo ito sinara ang laptop at nagwalk-out. Naiwan magisa si Anne. Bukod sa kulang sa tulog si Vice sabayan pa ng sakit ng ulo niya kaya hindi niya masabayan ang kakulitan ni Anne. Pinili na lang niya na lumabas. "Hi Vice." Narinig niyang bati ni Karylle sa kanya, nilagpasan na niya ito at palabas na ng lounge. Nilingon niya ito at tinignan lang. "Kumain ka ba ng hinanda ko?" pahabol na sabi ni Karylle. "Wala kang pake!" mataray na sabi ni Vice at tumalikod na naglakad na palabas. Napalunok naman si Karylle sa inis, buti na lang at walang tao sa lounge kung hindi napahiya na siguro siya. Nagtatanong lang naman siya pero nagtaray na naman ito. Naglakad-lakad si Vice sa dalampasigan, lumalanghap ng fresh air. Medyo nainis siya sa mga sinabi ni Anne sa kanya kanina pero may tama naman ito. Kaya lang napapaisip talaga siya na talaga bang sa isang katulad niya mahirap mahanap ang sinasabi nilang true love? Bawat makita na bato sa daan niya ay sinisipa niya ito ng malakas, panaka-naka ay kumukuha ng mga bato at inihahagis ng napakalayo sa dagat. *** "Buern! Wala na ba talaga? I just need one more. As in isa na lang kokota na ako." Pangungulit ni Anne dito, nakakuha na kasi siya ng tatlo mula sa lahat ng dinala nito. Andito sila ngayon sa spa ng resort nagpamasahe kasi siya ng ulo niya, sumakit kasi ito kakaisip at sa pressure na naramdaman sa buong araw. Hapon na ngayon at hindi pa rin siya tapos sa paghahanap niya. "Madam waley na talaga nasimot ko na lahat ng bulaklak ng resort. Puro mga otoko na at bayot." Sagot ni Buern. Nakanguso naman si Anne at sobrang lungkot. "Oh I remember may mga pang night shift pa kayo diba? Ikaw talaga niloloko mo ako." Nagliwanag ang aura ni Anne ng maisip niya ito. "Hahaha ang bobita ko. Korek meron pang iilan na papasok maya-maya." Napakamot naman ng ulo ito ng maalala ang ibang empleyado. "Gora na tayo sa lounge balita ko may coffee shop na don ngayon? Magkape muna tayo while waiting. Stress na ako grabe." Naglakad na sila pabalik sa reception kung nasaan ang bagong bukas na coffee shop, malaki kasi ang resort ni Vice at nageexpand pa ang mga establishment na sumusulpot dito. Sa Valentines day ay meron pang magbubukas na night bar dito na may banda na talaga na tutugtog since malapit na ang summer. "Hi mam Hi Sir Buern." Masayang bati kaagad ni Karylle ng makita niya ang dalawa na papasok ng lounge. "Diba girl Anne na lang nakakaloka ang mam parang pang gurang." Paguulit ni Anne dito. "Ay sorry po, Anne." Paumanhin ni Karylle. "Karylle nakita mo ba si Vice?" tanong ni Buern. "Kanina ko pa siya nakitang umaga." Mabilis na sagot niya. "Baka naglagalag lang yun lika na Buern, it's my treat." Hinila na ni Anne si Buern papunta sa bagong coffee shop na bukas. Sa labas lang sila umupo. Nakalumbaba si Anne while sipping her frappe. "Beks sana may makuha ako ano? Buong araw na ako dito. Nakakaloka." Malungkot na ang boses ni Anne pagod na kasi talaga siya. Busy naman si Buern sa pagkain ng blueberry cheesecake. "Keri pa yan girl baka may makita pa tayo." Sabi nito habang nanguya. Nakatitig sa kawalan si Anne ng mahagip ng paningin niya si Karylle na nagaayos ng mga nakakalat na newspaper sa mga table. Napahawak siya sa baba niya. "Buern we are like tanga looking and waiting for the final candidate." Umayos ng upo si Anne at nag cross leg. Ngumuso siya sa lugar kung nasan andon si Karylle. Ngayon niya lang napagtanto that this girl has a nice body, complementing pa with her terno uniform na black na skirt. Those lean legs pa. Matangkad din ito. "Oooo" tanging nabanggit ni Buern. "Chararat talaga tayo. Si Karylle lang pala kasagutan sa problema natin. Gora na. Approach her na girl." Pagchi-cheer ni Buern habang patuloy sa pagkain ng cake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD