Ang bilis ng takbo ni Karylle pabalik sa kwarto nito, patapon na inihiga ang katawan sa malambot na kama. Napahawak siya sa mga labi niya ang isang kamay naman ay nakasapo sa dibdib niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Pakurap-kurap pa ang mga mata niya at para siyang lumulutang ngayon.
"Para akong adik! Lumulutang pakiramdam ko. Ano ‘to sa alak ba to? Waaahhhhh!"
Napasabunot siya sa buhok niya na nakalugay na. at buga ng buga ng hangin sa bibig niya, naiiyak na siya. Dahil sa inis sa sarili at inis kay Vice.
"Bwiset na bakla yun ninanakaw ang first torrid kiss ko. Huhuhuhuhu!"
Hindi siya makapaniwala na sa isang baklita pa niya ito mararanasan ni hindi niya nga kaano-ano ito. Tinanggal niya ang salamin sa mata at napasapo ang dalawang palad sa buong mukha niya.
"Ang tanga ko talaga! Bakit kasi nawala ako sa sarili ko. Huhuhuuhuhu"
Napapapadyak naman siya at sinusuntok ang kama. Nawawala na yata siya sa wisyo. Hindi pa rin makamove-on sa nangyari.
"Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya! Bwiset talaga."
Hanggang sa naiyak na lang siya sa inis sa sarili, lahat na naman ng nakaraan ay nagbabalik. Yael only kissed her on the day of their wedding, that is when the priest asked the groom to kiss the bride. That is the best moment that she will cherish for the rest of her life. Ang tanging saglit na naging masaya siya sa panahon na kasama niya si Yael. That was so quick like 2 seconds but it made her tremble . Yael is her first kiss pero smack lang yun and hindi katulad ng nangyari sa kanila ni Vice. That was an agressive kiss from a first timer like her.
Iniikot-ikot ang mga mata kanan, kaliwa, sa taas, sa baba ng paulit-ulit, tapos na siya mag-emote pero hindi pa rin siya makatulog. Lahat na ng pwesto sa pagtulog, nakatihaya, nakatagilid, nakadapa, nakaupo at nakatayo.
"Patulugin mo ako! Waaaahhhh.."
Tinignan niya ang orasan na nasa taas ng pader. Pakiramdam niya kasi ay ang tagal na niyang ganito.
"Potek! Alas kwatro na."
Napagdesisyunan niya na hindi na talaga niya kaya pa kumuha ng tulog, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto niya sinilip si Vice kung andon pa din sa salas. Nakahinga naman siya ng maluwag ng paglabas niya ay wala na si Vice dito, malamang pumasok na ito sa kwarto niya ang hirap matulog sa sofa ang laki pa naman niya.
Pumunta siya ng kusina at tumingin ng pwedeng lutuin. Nag-init muna siya ng tubig magkakape na lang muna siya. Binuksan niya ang ref nito tinignan ang freezer at may mga frozen goods na andito, kinuha niya ang tocino at sinimulan hanapin kung may bigas din ito.
Habang humihigop ng kape niya sinisimulan na niya magsaing. At sinalang na din ang tocino, naghiwa na din siya ng kamatis at nagluto ng scrambled egg. Pagkatapos makaluto saka niya naramdaman ang antok. Pinipilit niyang labanan ang antok pero talagang malakas ito, nakatulog na siya habang nakalumbaba sa dining table.
Nagising siya ng may kumalabit sa kanya. Nagunat-unat muna siya bago tumingin sa gilid niya.
“Kailan pa naging tulugan ang dining table ko?” bungad ni Vice habang nakataas na naman ang kanang kilay nito at nakahalukipkip.
“Sensya na.” tanging nasabi niya, agad siyang kumuha ng tasa at pinagtimpla ito ng kape. Naghain na din siya ng agahan nila.
“Wow girlscout ah, buti na lang nagluto ka gutom na gutom na ako.” Mahinahon na sabi ni Vice. Natuwa naman siya sa ginawa ni Karylle at nageffort pa ito na lutuan siya ng pagkain.
Nagtataka naman si Vice dahil ang tahimik lang ni Karylle hindi ito sumasagot sa kanya, mukhang may himala or baka masama ang gising nito. Napansin din niya na namamaga ang mata nito, lagi kasi nakayuko ito simula ng magsimula sila kumain.
“Bakit ganyan mata mo?” may pag-aalala na sabi nito. Hindi pa rin ito sumasagot.
Pinagpatuloy na lang ni Vice ang pagkain, infairness kakaiba ang luto ni Karylle kahit lagi naman siya nakakakain ng tocino may parang special at ang dami talaga niyang nakain lalo na ang sawsawan na kamatis na ginawa nito na may patis.
“Umurong na ba ang dila mo at hindi ka na makapagsalita?” tanong niya ulit, sumagot lang si Karylle ng paulit-ulit na iling ng ulo nito. Hinayaan na lang ito ni Vice at nagpatuloy sa pagkain.
“Una na ako, maliligo pa ako. Iwanan mo na lang yung mga hugasan diyan aa yusin ko pagkatapos ko maligo.” Paalam nito, Tapos na kasi kumain si Karylle uminom muna ito ng tubig. Sinundan na lang ito ng tingin ni Vice papasok sa guest room.
Tinapos na din ni Vice ang pagkain niya at inayos ang mga pinggan at nilagay sa lababo. Masakit ang ulo niya grabe ang hangover niya kagabi dahil ang dami niya talagang nainom halos siya lang ang umubos ng mga alak na inorder nila.
Paglabas ni Karylle sa kusina pagkatapos nito maghugas ng pinagkainan nila ay siya naman na paglabas din ni Vice. Naka ¾ itong black and white stripes na shirt at maong shorts na sobrang ikli, partner nito ang isang low cut na boots na kulay pink.
“Halika na sabay na tayo.” Yaya ni Vice sa kanya, tinignan lang siya ni Karylle at pumasok sa loob ng kwarto para kuhain ang bag niya.
Unang binuksan ni Vice ang pintuan palabas dumeretso sa kotse nito at pinaandar ang makina habang hinihintay si Karylle. Nakita na niya na palabas na si Karylle, dumeretso ito sa kulungan ng alaga niya at binigyan to' ng pagkain at mukhang kinakausap pa ito.
“Karylle.” Narinig niyang may sumigaw sa di kalayuan napatingin si Karylle sa likod niya at hinahanap kung nasaan ang tao na tumawag sa kanya. Napangiti naman siya ng makita niya si Jhong.
“Vice mauna ka na maglalakad na lang kami ni Jhong.” Paalam ni Karylle kay Vice, agad niyang nilapitan si Jhong at kinuha naman nito ang dala niyang bag.
“Hi Jhong.” Malanding bati ni Vice dito. Kinawayan lang siya nito at ngumiti nagsimula na sila maglakad. Padabog na inapakan ni Vice ang selenyador ng kotse niya. Hinayaan niya muna mauna yung dalawa saka niya pinaandar ng napaka-bagal ang kotse niya.
“Bakit parang maga na naman mga mata mo, umiyak ka ba ulit?” puna agad ni Jhong kay Karylle.
“Wala lang ako tulog, hirap ako makatulog kagabi isang oras lang siguro ako nakaidlip.” Nagulat naman si Karylle ng pumunta ito sa may harapan niya at hinawakan ang kamay niya napatigil tuloy siya sa paglalakad.
“Wag mong pababayaan ang sarili mo, wag mo na siyang isipin. Hindi mo deserve ang maging malungkot. Tandaan mo yan.” Sabi nito at nginitian siya.
“I know that siguro hayaan ko na lang muna ang sarili ko na maubos ang mga luha ko. Mahirap kasi talaga makalimot Jhong.” Medyo malungkot ang boses nito.
“Cheer up it’s a brand new day, panibagong araw ng pag-asa. Ako nga unti-unti ko ng tinatanggap na siguro talagang hindi kami para sa isa't isa.” Anito at nagsimula na sila maglakad ulit.
Sa likod naman nila ang nakatigil na kotse ni Vice, huminto siya kanina ng tumigil ang dalawa sa paglalakad. Nakiki-tsismis kasi siya kung ano ginagawa ng dalawa, pero ng makita siya ni Jhong ay agad niyang pinaandar ang sasakyan at tuluyan na niyang nilagpasan ang dalawa.
Nagsimula na ang shift na Karylle iniwan na siya ni Jhong maglilibot daw kasi ito para malibang naman antok na antok siya lalo na pag walang guest. Nakaupo siya ngayon sa post niya at napapa-pikit. Lagi niyang tinitignan ang orasan at nanalangin na mag-alas siyete na.
Si Vice naman ay paikot-ikot lang sa lounge, he’s checking kung okay ba lahat ng departamento niya sa resort napansin naman niya na matamlay si Karylle at mukhang inaantok.
“Eto oh.” Si Vice, mapungay ang mata ni Karylle na iniangat ang ulo para tignan kung sino ang nagsalita. Inaabutan siya ni Vice ng coffee.
“Salamat Vice.” Agad na hinigop nito ang kape.
“Bakit ka ba kasi puyat?”curious na tanong ni Vice.
“Namamahay lang siguro ako.” tipid na sagot nito. Hindi naman siya tinitignan ni Karylle. Sa kape lang ito nakatingin.
“Ah ganon ba sige pwede ka na umuwi ng maaga kung gusto mo.” Nagulat naman si Vice sa sarili, bigla siyang bumait dito. Sinulyapan lang siya ng saglit ni Karylle.
“Hindi na Vice okay lang ako.” Pagtanggi ni Karylle. Hindi na siya pinilit ni Vice at nagpaalam na ito.
Medyo nabuhay naman ang diwa ni Karylle ng magsimula ng dumami ang mga guest. Hindi na rin niya namalayan ang lunch break niya sa sunod-sunod na guest na nagcheck-in.
“Tama na muna yan si Buern na bahala dito magbreak ka na.” utos ni Vice, lumapit naman si Buern sa post niya at kinindatan siya.
“Keriboom na to girl, gora na at lumafang ka na.” sabi ni Buern.
“Salamat Buern kaw muna dito ah.” Pinasalamatan din niya si Vice kinuha ang bag at pumunta sa pantry ng mga empleyado iilan na lang ang tao na andito dahil sa ala-una na at tapos na ang mga lunch break nila. Wala siyang balak kumain dahil antok na antok talaga siya. Inilapag niya ang bag sa mesa at ginawa itong unan isinandal na ang ulo niya dito at umidlip.
Simula ng bumalik siya sa lunch break niya ay hindi na niya nakita si Vice, sinamahan pa din siya ni Buern dito hanggang dumating si Coleen. Agad siyang umuwi dahil talaga naman na lutang na lutang na siya sa sobrang antok. Daig pa niya ang nakalutang sa ulap.
Pagdating pa lang niya sa tarangkahan ay nagtatahol na si Mumay. Sinenyasan niya ito na wag maingay dahil baka andito na si Vice dahil andito ang kotse niya.
Pagpasok niya ay hindi siya nagkamali na andito na nga ito, may kasama siyang lalaki na medyo malaki ang katawan, may itsura ito at kayumanggi. Nakahiga ang ulunan ni Vice sa binti nito habang nanonood ng tv.
“Hi goodevening.” Bati niya sa dalawa, nginitian siya ng kasama nito pero si Vice ay busy lang sa paglalaro sa ipad nito kaya naglakad na siya papunta sa kwarto niya.
Naghilamos muna siya at hindi na ininda ang gutom gusto niya lang talaga matulog na at ipahinga ang katawang lupa niya. Sa wakas ay nakakuha na ng tulog si Karylle.
Samantala sa labas ay tahimik na nag-aaway si Vice at ang jowa nito.
“Akin na ang cellphone mo.” pagpupumilit ni Vice, narinig niya kasi itong tumutunog pero hindi ito sinagot ng kasintahan.
“Wala ka ba tiwala sa akin?” anito.
“Meron pero kung wala kang tinatago ipapakita mo sa akin yan.” Naiinis na sabi nito, tunog ng tunog pa din ang cellphone.
Nag-aagawan na sila sa cellphone nito na tunog ng tunog pa din. Nanalo si Vice sa hilahan ng cellphone at saktong tumunog ulit ito. Napapailing na lang ito ng sagutin ito ni Vice pero hindi siya nagsalita hinayaan niya lang na maunang magsalita ang tumatawag.
Mildred calling….
“Hello, hello? Hello tart. Kanina pa ako tumatawag nasaan ka na ba kanina pa kita hinihintay sa bahay.”
Pagkarinig pa lang noon ni Vice ay binato nito ang cellphone ng kasintahan, ang layo ng binagsakan nito. At nagsimula na siyang umiyak. Inaalo naman siya ng kasintahan niya.
“Umalis ka na.” sigaw nito.
“Babes naman kinakapatid ko lang yun diba?” sabi nito habang hinihimas ang braso ni Vice.
“Umalis ka muna.” Sigaw ulit ni Vice.
Sa loob ng kwarto badtrip na badtrip si Karylle dahil nagising siya sa malakas na kalabog.
"Grrrr! Kung ayaw niyo matulog magpatulog kayo!!!!"
Sigaw niya. Lalo pang nairita si Karylle ng marinig niyang sumisigaw si Vice. Naalala naman niya ang usapan nila ni Vice na wala siyang pakealam sa mga maririnig niya or makikita. Kaya tinakpan na lang niya ang tenga ng unan at tinry na matulog ulit. Pero talagang ayaw magpaawat ni Vice sa kakasigaw.
“Punyeta ka kinakapatid mo pero kung umangkla siya sayo parang linta, tapos tawag pa ng tawag sayo. Bakit kasi hindi mo na lang aminin na merlat na ang gusto mo?” Kita na ang litid ni Vice sa leeg sa sobrang galit, samantalang ang kasintahan nito ay kalmado lang na natameme na sa tabi.
“Wala lang si Mildred wag mo na siyang pagselosan babes.” Pag-aalo ulit nito, hinawakan niya si Vice sa braso.
Nag-init na naman ang ulo ni Vice ng tumunog na naman ang cellphone na hinagis niya buhay pa pala ito. Nag-unahan sila na kuhain yun.
Mildred.
Tart, I’m still waiting for you. Hiwalayan mo na kasi yang bakla na yan, napakakuripot naman hindi nga maibigay niyan ang hinihingi mo na kotse eh.
Agad na nagsalubong ang kilay niya sa nabasa.
“Gago ka.” Pinagsusuntok ni Vice ang dibdib nito.
“Ang kapal ng mukha mo pineperahan mo lang ako.” Iyak tawa na sabi ni Vice hindi siya makapaniwala, ang buong akala niya ay iba ang kasintahan niya ngayon pero pareho lang din pala ito ng mga dati niyang nakarelasyon. Natatawa na lang siya sa sarili dahil hindi na siya natuto, nagpa-uto na naman siya. Umasa na merong lalaki na talagang seseryoso sa kanya.
Lalong natameme ang kasintahan ni Vice wala itong masabi sa mga nalaman nito.
“Punyeta ka umalis ka na bago pa ako may magawa sayo.” Galit na galit na sabi ni Vice. Wala naman siyang narinig mula dito bago lumabas ng bahay ni Vice. Pakiramdaman niya ay talunan siya ngayon. Ang hirap tanggapin na mahirap maging masaya.
Humandusay naman si Vice sa sahig na parang bata na inagawan ng laruan. Hindi naman na natiis ni Karylle na hindi lumabas ng kwarto nakaramdam na kasi talaga siya ng sobrang gutom. Tutal ayaw siyang patulugin ng napakaingay na si Vice edi kakain na lang siya.
Nakita niya ito na magisa na lang at nakaupo sa sahig, mukhang umiiyak naririnig niya kasi itong humihikbi.
“Vice okay ka lang?” sigaw niya mula sa labas ng kwarto niya.
“Wala kang pake.” Pilosopong sagot nito sa kanya.
“Wala naman talaga akong pake sayo. Tinatanong lang kita, bahala ka nga diyan.” Pairap na tumalikod siya at pumunta na siya sa kusina naghanap ng pwedeng makain.
“Vice kukuha muna akong pagkain dito babayaran ko na lang ah.” Malakas na sigaw niya.
“Wala akong pake.” Sigaw din nito.
Nagluto siya ng pancit canton at nilagang itlog. Kumakalam na talaga ang tiyan niya puro kape lang kasi ang laman ng tiyan niya simula kanina. Nagulat naman siya ng pagbalik niya sa mesa ay andon na si Vice na nakalumbaba.
“Gusto mo ba kumain?” tanong niya.
“Wala kang pake.” Matamlay na sagot nito.
“Bwiset ka ano ka sirang plaka? Paulit-ulit. Idaan mo na lang sa pagkain yan, pare-pareho lang ang mga lalaki sasaktan at sasaktan tayo kahit gaano pa natin sila kamahal.” Sabi ni Karylle habang nagaayos ng pagkain sa mesa. Dalawang plato ang nilagay niya, nilagyan niya ng pancit din ang plato ni Vice.
“Vice tandaan mo, babae nga niloloko. Bakla pa kaya.” Diretsang sabi ni Karylle, napahawak naman siya sa bibig niya mukhang hindi siya nakapreno sa mga sinasabi niya dahil sinamaan siya ng tingin ni Vice.
“Wala akong pake” may pagdidiin sa bawat salita na sabi ni Vice.
“Kasi ang babae para sa lalaki vice versa lang. Bakit kasi hindi ka na lang magbalik loob? Malay mo sa babae pala ikaw sasaya. Sa isang babae pala mo makikita ang totoong magmamahal sayo. Malay mo naman diba?” Natatawang sabi ni Karylle, mukhang na energize na siya sa ilang oras na tulog at may energy na naman siyang sabayan si Vice sa asaran. Ngayon lang kasi siya nakakita ng bakla na heartbroken, ganito pala itsura non.
“Nakakadiri.” Nakasimangot na sagot ni Vice, sumubo na din siya ng pancit canton mukhang ang sarap kasi ng kain ni Karylle kaya nainggit na din siya.
“Ganon, bakit natry mo na ba huh?” curious na tanong ni Karylle habang kumukuha ng tubig sa ref.
“Never kong naisip yun. Bakla na ako since fetus pa lang ako.” sagot nito habang sumusubo ng pancit canton.
Nagkibit-balikat na lang si Karylle at pinagpatuloy ang pagkain ang dami talaga niyang gutom pangalawang itlog na niya ang kinakain niya ngayon.
“May nakita akong beer sa ref mo gusto mo uminom? Mag celebrate tayo?” suhestiyon ni Karylle kay Vice.
“Haller anong isi-celebrate natin?” nagtatakang tanong ni Vice.
“Dahil break na kayo ng jowa mo.” Nakatawang sabi ni Karylle.
“Aba tsismosa ka ano, sabi ko sayo diba wag ka makikinig sa usapan namin.” paalala ni Vice.
“Kasalanan ko ba na ang lakas ng boses mo. Binulabog mo kaya ako natutulog na ko kanina eh.” paninisi ni Karylle, hindi na hinintay ni Karylle ang approval nito naglabas na siya ng dalawang beer in can binuksan niya ito at binigyan ng isa si Vice. Nagsimula na silang uminom, para silang mga uhaw sa beer at hindi na namalayan na tig limang beer na sila.
“Kung ako sayo Vice, I try mo naman mainlove sa babae. Try mo lang at least my option ka. Masarap kami magmahal kung alam mo lang. “ payo ni Karylle namumula na siya ngayon medyo may tama na din siya. Nakalumbaba lang siya habang nakatitig kay Vice.
“Hinding hindi ko magagawa yun ang puso ko titibok lang sa mga lalaki.” Pupungay-pungay na ang mga mata ni Vice.
“Ay sayang naman swerte sana ang babae na magugustuhan mo gwapo ka naman eh lalo na pag ganyang mabait ka sakin, gumagwapo ka sa paningin ko. Tapos matangkad ka, matipuno, Hik Hik.” Sininok bigla si Karylle hindi na niya natapos pa ang description niya kay Vice.
“Kadiri ang description mo sa akin ah. Nakakaloka.” Natatawang sabi ni Vice.
Hindi na makasagot si Karylle dahil grabe ang sinok niya sunod-sunod na. Naawa naman si Vice dahil mukhang nahihirapan na si Karylle huminga kinuhaan niya ito ng tubig at pinainom, hinimas-himas niya ang likod nito para maginhawaan ito.
“Salamat okay na ako.” hinahapong sambit nito.
“Grabe ka para kang hindi babae kung uminom.” Puna nito ng magbukas ulit ito ng beer.
“Sensya na, late bloomer kasi ako late ko na nagustuhan ang lasa ng beer. Para kasing buhay ko to, ang alak mapait. Parang buhay ko ang pait pait.” Nagsimula naman na maging emosyonal si Karylle, isinubsob niya ang ulo sa lamesa. May namumuo na naman kasing mga luha sa mga mata niya. Iniangat na niya ulit ang ulo niya at tumingin sa kisame baka kasi sakaling hindi matuloy ang pagbagsak ng mga luha niya.
“Namatay ang parents ko at ang dalawang kapatid ko sa isang car accident. Iniwanan nila ako mag-isa. Doon ako nagsimula matuto uminom. Kahit ang panget ng lasa ng alak kahit papaano ay nakakalimutan ko na kahit saglit ang problema ko.” Pagpapatuloy ni Karylle, medyo nawala naman ang tama ni Vice ng makita niya itong nag-iba ang itsura ang batid na kasi ang kalungkutan sa mukha nito.
“Kaya ikaw, hanggat buhay pa si Nanay Rosario mahalin mo siya ipadama mo na mahalaga siya sayo. Hanggat hindi pa huli, she just want all the best for you. Ayaw niyang nakikita kang malungkot at sinasaktan dahil nagmamahal ka ng kapwa mo lalaki..” Tinamaan naman si Vice sa sinabi nito, ang dami niyang sakit sa ulo na binigay dito. Ilang beses na din siyang sinabihan nito na magbago na.
“Yun ba ang dahilan bakit andito ka sa Ilocos?” curious na tanong nito, ngayon lang napagtanto ni Vice na tama ang nanay niya na nakakaawa si Karylle. Maswerte pa nga siya dahil may pamilya pa siya.
“Partly, I want a new environment and a new life. Gusto ko tumakas sa lahat ng sakit na naranasan ko sa Maynila. Umaasa ako na magkakaroon ako ng bagong buhay dito at salamat kay Nanay Rosario dahil tinulungan niya ako.” ani Karylle at lumagok ulit ng beer. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Vice nakatitig lang siya sa malungkot na mukha ni Karylle.
“Sige okay na ko. Inaantok na din ako eh, bukas ko na lang liligpitin to ah.” agad siyang tumayo pero biglang umikot ang paningin niya, buti na lang at maagap si Vice kaya nasalo niya ito muntik na kasi ma-out of balance si Karylle.
Dahan-dahan siyang itinayo ni Vice.
“Alalayan na nga kita, bobita ka pa din talaga. Hindi mo naman pala kaya uminom ng madami ang yabang mo pa ah.” Hinawakan ni Vice ang bewang ni Karylle at inilagay naman niya ang isang kamay ni Karylle sa bewang niya pansuporta nito.
Pero hirap pa din makalakad si Karylle dahil sa hilo. Wala na siyang choice kundi ang buhatin ito, inilagay niya ang kamay niya sa likod ng binti nito at buong lakas na binuhat niya to na parang bagong kasal.
“Naku ang bigat mo ah.” Reklamo ni Vice.
“Go Vice go vice. Fight fight fight.” Pang-aasar pa ni Karylle habang naglalakad na si Vice papunta sa kwarto nito.
Dahan-dahan niyang inilapag si Karylle sa kama, binuksan niya ang lampshade na gilid na mesa.
Inalis niya ang salamin nito at inalis naman ni Karylle ang tali niya sa buhok at iniladlad sa unan ang mahabang kulot na buhok. Nakapikit si Karylle kaya naman hindi niya pansin na nakatingi sa kanya si Vice. Medyo malamlam lang liwanag ng kwarto dahil tanging galing lang sa lampshade ang ilaw dito. Ngayon niya lang nakita ito na nakalugay at walang salamin si Karylle. Ngayon niya lang napagtanto na tama sila Buern na may hitsura nga ito maamo ang mukha pag tulog pag gising kasi ito parang amazona eh.
“Vice ano pang tinitingin mo sa akin? Labas ka na sara mo na pintuan. Antok na ko.” Ani Karylle, nakangiting lumabas naman si Vice ng kwarto nito. Nahiya siya bigla nahalata ba ni Karylle na nakatingin siya dito kaya tinaboy na siya.
Akala ni Vice ay masamang tao si Karylle pero nagkamali siya. Madami siyang napagtanto sa mga sinabi nito kanina. Medyo nakalimutan niya ang bigat ng dibdib na naramdaman sa paghihiwalay nila ng jowa niya.