Chapter 8

3658 Words
Malapit ng matapos ang unang araw ni Karylle sa bagong trabaho niya sobrang saya niya dahil ang dali lang naman pala ng gagawin niya gets na niya kaagad-agad ito medyo naloloka lang siya pag sabay-sabay ang mga nagchecheck-in ang hina kaya ng kalaban kasi siya lang kasi mag-isa, late na nga siya nakapag-lunch. Nagulat nga siya ng pinadalhan siya ng pagkain at meryenda ni Mr.Hilario kanina. Tumambay din ito sa post niya after nito maggala sa dalampasigan. Ipinaalala pa nito ang dinner date daw nila mamaya. “Hi Karylle” hyper na bati ni Coleen bagong ligo ito halata kasi sa basang buhok nito. 30 minutes pa naman bago siya mag-out buti na lang at dumating ito kaagad dahil ipapacheck niya at ipapa-audit kung tama ba lahat ng ginawa niya. “Hi Colleen, goodevening okay ba ang tulog mo?” tanong niya habang inaayos ang mga folders sa mesa. “Oo girl, how about you musta dito? Kering-keri ba?” inilapag nito ang bag na dala sa mesa. “Kering-keri girl madali lang naman, medyo naloka lang ako ng slight ng lunch time up to hapon kasi ang daming mga nag checkout at ang daming nagcheck-in din.” sagot niya, inabot niya ang mga folders at ipinakita ang mga nagawa niya kay Coleen. “Aba ang galing mo ah gets mo na kaagad, hindi ka ba sinamahan ni Vice dito?” anito. “Naku pasulpot-sulpot lang siya dito para buraotin ako. Meron kasing guest na ewan ko ba don anong seafood ang natira at kinukulit ako niyaya ba naman ako mag-dinner tapos pinadalhan pa ako ng foods kanina.” Bulong niya dito medyo may mga guest kasi sa lounge. Nanlaki naman kaagad ang mata ni Colleen sa narinig. “Aba chuchal ka girl, ako nga ang tagal ko na dito pero never pa may nagyaya sa akin magdinner akalain mo yun?” gulat na gulat pa din ito at medyo tumaas ang boses. “Grabe ka naman parang sinabi mo na ang haba ng hair ko at ikaw hindi.” nakangisi na sabi ni Karylle. “Ano pa nga ba ang haba ng hair mo nakatirintas pa ah. Hehe.” Madami pa sila pinagusapan habang inaayos ang inventory ng mga nagcheck-in at checkout for today. Masaya si Karylle dahil hindi mahirap pakisamahan si Coleen, magaan kaagad ang loob nila sa isa’t isa. Bigla naman na dating ni Vice. Hindi ito nagsasalita may inabot lang ito sa kanya. “Ano ‘to?” agad na tanong niya. “Pangulangot yan.” Mataray na sabi nito. “Susi pangulangot? Kadiri baka nagamit mo na ‘to ah?” inabot ni Karylle ulit ito kay Vice. Napakamot naman ng ulo si Vice sa katangahan talaga ni Karylle. “Bobita ka talaga sige ikaw nga ipangulangot mo to. Napaka-gullible mong manang ka tsk tsk” Nakataas na naman ang kilay nito. “Eh kasi hindi na lang sabihin para saan ‘to eh.” Medyo inis na din na sagot ni Karylle. “Spare key yan sa bahay. Nakakaloka nakakainit ka ng ulo, aalis ako wag mong kalimutan isara lahat ng pintuan ng bahay.” Iritadong sabi nito sabay walk-out na naman. “Huwatt?” gulat na naman ang itsura ni Colleen sa narinig from Vice. “Sino kaya ang nakakainit ng ulo sa amin dalawa? Pupunta na naman siya dito para lang mag-asar.” Inis na sabi ni Karylle. “Girl, tama ba ang pagkakarinig ko? Spare key yan sa bahay ni Vice?” inaalog nito si Karylle sa braso dahil nakakatitig pa din ito sa naglalakad na palayo na si Vice. “Oo tama yun makakasama ko lang naman ang pinaka-nakakairita na bakla sa whole universe sa iisang bubong.” Inis na inis na sabi ni Karylle. “Wooh, paano nangyari yun? Kamag-anak ka ba nila? Paano yun? Saka ano nangyari paano nangyari?” paulit-ulit na tanong ni Coleen dito. “Naka-unli ka ba girl?” biglang nawala ang inis ni Karylle at natawa na lang kay Coleen. “Haha sorry naman curious lang talaga ako. So paano nga nangyari yun? Kwento mo naman.” pangungulit nito. Sasagot na sana si Karylle pero biglang dumating si Jhong. “Hi ladies, hi Karylle.” bating bungad nito. “Hi po.” Ani Karylle at Colleen. “Are you ready? It’s 7pm so I guess it’s the end of your shift na? Right?” ani Jhong, nagkatinginan ang dalawa si Colleen at Karylle. Para namang kinuryente itong si Coleen siya pa ang kinikilig ngayon. Nakaplain white tshirt lang ito, naka-cargo shorts na black at crocs na sandals na white. “Akala ko joke lang yun sir.” Nakangising sabi ni Karylle. Kinurot naman ni Coleen ng slight si Karylle sa tagiliran. “Gora na girl” sobrang hinang bulong nito. “Do I look like I’m joking awhile ago?” seryoso na sabi nito, bigla naman nahiya si Karylle. Tinulak na palabas ni Colleen si Karylle palabas ng post nila at ibinigay ang bag nito. Nginitian naman siya ni Jhong ng lumapit na siya dito. “So where do you wanna eat?” agad na tanong nito paglabas pa lang nila ng reception area. “Kahit sa restaurant na lang dito.” Aniya, naglakad na sila papunta sa restaurant ng resort. Ngayon lang siya nakapunta dito since hindi pa siya nakakapaglibot, maganda pala ang restobar medyo dim ang ilaw, madaming mga hanging lights at reggae ang background music kaya feel na feel mo na talagang nasa tabing dagat ka lang. Merong solo performer na kumakanta rin sa harap. Presko din ang lugar since open lang ito at malaki ang rin space. Inalalayan na siya ni Jhong umupo. Agad naman na lumapit ang waiter at binigyan sila ng menu. “Order ka lang whatever you want wag ka mahiya. Okay?” Anito. Tumango lang siya at tinignan na ang menu. “Saan ka pala nauwi?” tanong ni Jhong. “Dito lang walking distance.” Medyo tipid na sagot niya at itinuon ulit ang paningin sa menu. “That’s nice, do you still have spare time after we eat?” tanong ulit nito. “Ah bakit po?” mabilis na sagot niya. “Gusto ko kasi maglakad-lakad, magpahangin you know so we can know each other more.” Sagot nito. Hindi naman mapakali si Karylle na masyado kasi itong seryoso magsalita tapos lagi pang nakatitig sa kanya, kaya pinili na lang niyang yumuko. First time niya kasi ang ganito yung merong nagyaya sa kanya kumain sa labas. Ayaw naman niyang mag-assume pero nakakailang pala. “Okay lang sa akin basta wag lang masyadong matagal kasi may pasok pa ako bukas.” Sumang-ayon naman si Jhong umorder na rin ito ng kakainin nila. Grilled squid ang inorder ni Karylle at grill fish chips and salad naman kay Jhong. Nagkwekwentuhan sila habang kumakain kahit naman pala seryoso tignan itong si Jhong ay may sense naman ito kausap. Galing lang itong abroad at doon nagwowork sa Disneyland sa hongkong bilang performer at dancer. “Naalala ko tuloy ang friend ko sayo dancer din kasi siya. Meron nga siyang dance studio ngayon sa Manila.” Nasabi ni Karylle ng mabanggit nito ang dating trabaho. “So taga Manila ka din ba?” tanong nito habang nainom ng watermelon shake. “Oo actually bago lang ako dito sa lugar na ‘to” nakangiting sabi niya habang nagpupunas ng bibig niya ng papertowel. “Wow interesting, why would you rather work here mas malaki ang sweldo sa Manila compare dito I guess.” Ani Jhong. “Hmm let’s say I want a new environment, ayaw ko na ng pollution, ng ingay, gusto ko naman yung tahimik lang na lugar at sariwang hangin” Kiming sabi niya. “Hmm siguro heartbroken ka noh?” curious na tanong ni Jhong. Napatawa naman si Karylle at napatakip sa bibig niya. “Hindi ah, ikaw issue ka ah.” Pagsisinungaling niya habang mahinang humahagikgik. Ganon ba siya ka-obvious at para mahulaan ng kaharap ang pinagdadaanan niya. Inubos lang nila ang pagkain nila at nagbayad na din si Jhong ng bill Pagtayo nila ay siyang dating naman ni Vice kasama ang mga kaibigan nito. Hindi sila kaagad napansin ng mga ito. “Meme diba si Karylle yun?” tanong ni Buern habang sinisipat ang boylet na kasama nito. “Oo” mahinang sambit ni Vice. “Chuchal may boylet pala siya, yummybels ah.” Komento ni Archie. “Sabihin mo malandi lang siya kakaumpisa pa lang niyang magwork dito may nilalandi na agad-agad.” Naka-taas ang kilay na sabi ni Vice at padabog na umupo. “May itsura naman si merlat meme nerd nga lang.” sabat ni Aaron. “Haller mukha siyang kwarenta anyos na. Ewan ko ba sa Nanay ko kung ano nakita diyan at naawa ng sobra, ngayon parang ampon na namin siya binigyan pa ng trabaho ni hindi pa nga niya nakikila ng lubusan kung pagkatiwalaan niya agad-agad. Naku pag nalaman ko lang talaga na mandarambong yan at opurtunista. Talagang hindi ko alam gagawin ko.” Halatang iritado ang boses, hindi niya talaga maatim na iisipin niya na magiging parte ito ng buhay nila. Ngayon lang siya naiinis ng ganito sa isang tao yung tipong nakikita pa lang niya ang anino nito ay kumukulo na ang dugo niya. “May pinagdadamdam ka meme? Siguro nagseselos ka ano dahil may magiging kahati ka na sa atensyon ni Tita Rosario? Check ba akey?” banat ni Buern. “Tse! Never ako magseselos dahil alam ko ako lang ang unica hija and no one can replace me.” Sagot niya at pakumpas-kumpas pa ang kamay ni Vice sa ere. “Echosera! Damang-dama ko ang pait sa hangin parang may nagpabango ng cologne na ampalaya flavor.” Pang-aasar na ayuda ni Aaron. Nagtawanan naman ang tres marias, inirapan lang sila ni Vice. “Manahimik nga kayo ganitong badtrip ako hindi ako sinipot ni baby boy baka kayo ang isahog ko sa ampalaya con karne.” inis na inis na sabi nito. Tinawag na niya ang waiter at umorder ng tower na beer. “Eh kasi yang baby boy mo ayaw mo pa kasi maniwala na may iba ng baby.” Pang-aasar ulit ni Buern, nagroll-eyes si vice ng paulit-ulit. “Kinakapatid niya lang yun okay!?” iritadong pagtatanggol nito sa kasintahan. “Kinakapatid or kinakalantari?” si Aaron habang pinipigilan ang matawa, pagdating talaga sa boyfriend nito ni Vice grabe kasi tong magbulag-bulagan. “Yung totoo kaibigan ko ba talaga kayo? Mga bwiset paikutin na yang tagay na yan ng malasing na ako.” Nag-dekwatro na si Vice at nangalumbaba na lang at tahimik na nakatingin sa kumakanta sa stage. Nagsimula ng maglakad sa tabing dagat si Karylle at Jhong, medyo madami pa ding tao sa paligid. Merong mga nagvivideoke sa cottage habang masayang nagiinuman. Meron naman na gumawa ng bonfire at nagiihaw ng hotdog at marshmallow, meron naman mga nakaupo lang sa buhangin habang umiinom at nagkwekwentuhan. “Gusto mo ba uminom?” tanong ni Jhong ng may nakita itong maliit na sari-sari store sa gilid. “Okay lang pero kaunti lang baka hindi ako magising bukas.” Lumapit sila dito at bumili si Jhong ng apat na sanmig light. “Okay lang ba?” tanong ulit ni Jhong bago siya magsindi ng sigarilyo. Tumango lang si Karylle at nagsimula na naman sila maglakad. “Ang sarap pakinggan ng alon ng dagat noh?” pagbasag niya ng katahimikan ni Karylle. “Tama.” Maikling sagot ni Jhong, medyo malayo na din ang nalalakad nila. Maliwag naman ang paligid dahil sa fullmoon. Tumigil na din sila sa paglalakad. Umupo sila sa buhanginan, nakastraight lang ang mga binti ni Karylle dahil mahirap mag-indian sit dahil nakapalda siya. Nilabas ni Jhong ang dalang beer at inabutan si Kayrlle. “Salamat.” Ani Karylle. “Salamat din sa pagtitiwala at sumama ka sa akin dito.” “Oo okay lang, we wouldn’t know who to trust naman kasi until we give our trust to them. So ayun mukha ka naman mabait eh" nakangiting sabi ni Karylle. “Trust? big word.” Napailing na sabi ni Jhong, napansin naman ito ni Karylle. “May problema ka ba? You can tell it to me, baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.” Tinignan siya ng ilang saglit ni Jhong sabay lagok sa beer na hawak. “Maniniwala ka ba if I tell you na dapat kasal na ako ngayong araw?” mahihimigan ang pagiiba ng boses nito, may lungkot. “Seryoso?” manghang tanong ni Karylle. “Yah, ang sakit pala pag babae ang nang-gago sayo.” Patuloy ni Jhong. “Bakit dati ba lalake ang nanloko sayo?” seryoso na sagot niya. Natawa naman si Jhong at hindi naiwasan na kurutin si Karylle sa pisngi. “What I mean is you know ang normal na nananakit sa isang relasyon ay ang mga lalaki. Pero with my case ako ang niloko ako ang nagmukhang tanga.” Seryoso ulit na sabi nito. Hindi makasagot si Karylle. Bigla na naman niyang naalala si Yael, she was about to congratulate herself dahil buong maghapon na hindi ito sumasagi sa isipan niya pero eto ngayon naalala na naman niya ito. “I love her since we were young, we became lovers. Ayun yung pinakamasaya na nangyari sa buong buhay ko, lalo na when she said yes about my marriage proposal. Pinagipunan ko, pinagplanuhan ko ng maigi coz I want to give her the best wedding I can offer.” pagpapatuloy ni Jhong sabay straight na ininom ang beer. Hindi namamalayan ni Karylle na umiiyak na siya. “Ang sakit nga non, sana lang hindi ka na lang niya pinaasa.” Humikbing sabi niya at lumagok din sa beer niya. Nakatingin lang si Jhong sa kawalan habang mahigpit na hawak ang bote ng beer. “Ikaw ba pinaasa ka na din ba?” sinulyapan ni Jhong ang katabi na umiiyak na pala. “Hindi, ako lang mag-isa ang umaasa. Magkaiba kasi yun diba?” malungkot na sabi niya, totoo naman sa simula pa lang alam naman niya na hindi siya kayang mahalin ni Yael at hindi naman siya nito binigyan ng kahit katiting na pag-asa na magkakaroon ng sparks. Siya lang talaga ang patuloy na umasa, at humopia ng happy ending. “Gusto kong magwala, sumapak lahat ng mali gusto ko gawin ngayon. Gusto ko makalimot pero ang hirap.” Nakatungo na sabi ni Jhong, hinawakan naman siya ni Karylle sa balikat. “Basta wag ako ang sasapakin mo ah.” Biro niya. “Of course not.” Ngumiti ito. “Hayaan mo Jhong makaka-moveon din tayo, makakalimutan din natin ang sakit. Lilipas din ‘to tiwala lang.” pag-aalo ni Karylle dito. “Sana nga, pasensya na kung ang drama ko. Ikaw ba sa tingin mo pag nasaktan ka ng sobra sa tingin mo ba kaya mo pang magmahal ulit.?” Tanong nito, uminom muna si Karylle at matagal na nag-isip. “Siguro pero takot na ako, siguro mahirap sa simula pero sana nga maramdaman ko pa ulit paano ang magmahal.” Naiiyak na naman siya. Iniisip pa lang niya na hangganan na ito ng pagtitiis niya kay Yael ay hirap na hirap na ang damdamin niya. She really can’t imagine herself loving someone else. Nagulat si Karylle ng tumayo si Jhong busy kasi siya sa pagmumuni-muni. “Tangnang pagibig toh bakit pa kasi ito nararamdaman. Bakit pa kasi ito dumating sa buhay ko, bakit ba kasi naimbento itong pakiramdam na to'. Ang sakit sakit pala magmahal, nagmahal lang naman ako pero bakit ako nasasaktan ng ganito?” Sigaw ni Jhong, nagitla naman si Karylle sa ginawa nito. “Dalhin na sana ng mga alon ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko ng maging manhid para matapos na tong sakit na nararanasan ko. Parang awa niyo na tanggalin niyo na tong sakit na nararamdaman ko.” Sigaw ulit nito sabay hagis ng mga bote sa dagat. “Isigaw mo din Karylle. Ang sarap sa pakiramdam.” Utos nito, inalalayan siya nito tumayo, nagdadalawang isip siya kung susundin niya ba ito. “Shout it, tell it, scream your heart out.” ani Jhong, pinahid ni Karylle ang mga luha niya huminga ng malalim at nagipon ng lakas para gayahin si Jhong. “Dalhin na sana ng alon ang lahat ng sakit na idinulot mo sa akin Yael” sigaw niya. “Sige pa, kaya mo yan.” Paguudyok pa ni Jhong. “Gusto ko ng maging masaya, ang gaga ko dahil umaasa ako sayo. Ang tanga tanga ko ng magpakatanga ako sayo.” Sigaw niya ulit habang tumatalon-talon. Sabay pa sila sumigaw ni Jhong ng kung ano-ano pang nararamdaman nila at hinanakit nila sa mundo. Mabuti na lang at malayo sila sa ibang tao. Dahil baka pagkamalan silang mga baliw. Magkahawak na ang mga kamay nila habang sumisigaw, pagkatapos lahat ilabas ng sama ng loob at nagtatalon sila sa tuwa na para bang nanalo sa isang patimpalak. “Siyet ang sarap sa pakiramdam non.” Hingal na sabi ni Jhong ng tumigil na sila. “Hoo korek parang ang gaan-gaan ng kalooban ko. Ang tagal kung kinimkim din tong sakit na to.” Hiningal din siya dahil sa lakas ng sigaw niya kanina. Kulang na nga lang mapatid ang litid niya sa leeg dahil sa sobrang lakas ng boses niya. “Salamat Karylle, you know for listening to my story. You really helped me a lot, sobrang gumaan ang pakiramdam ko.” Nakaramdam naman ng pagkailang si Karylle dahil hawak pa din nito ang mga kamay niya. “Ako din salamat din, so paano uuwi na ako mukhang late na.” sabi ni Karylle at inialis niya ang kamay niya. Tumingin naman si Jhong sa relo nito at mag-aalas diyes na pala. “Sige hatid na kita.” Kinuha ni Jhong ang bag ni Karylle, nagtanggal naman ng tsinelas si Karylle at dinama ang nakakakiliting pakiramdam ng mga buhangin sa mga paa niya. Sinamahan siya ni Jhong hanggang sa tapat ng bahay ni Vice. Bumungad sa kanila ang kumakahol na si Mumay. "Baby sorry talaga uhuhuhu mukhang gutom na gutom ka na." Nilabas niya ito sa kulungan at binuhat, binuksan niya ang bahay ni Vice at kumuha ng pagkain nito. Mukha kasing malungkot ito since halos buong araw siyang wala at hindi siya nakikita nito. “Ang cute ng alaga mo.” Puna ni Jhong. “Hehe si Mumay, mumay si Tito Jhong.” Hinawakan ito ni Jhong at kahol naman ito ng kahol. Ibinaba na niya ito at pinasok ulit sa kulungan nilagyan na niya ng pagkain ito at tubig. “So una na ako, may pasok ka pa bukas. Kita na lang tayo ulit bukas.” Nagpaalam na si Jhong, nanlaki naman ang mga mata niya ng halikan siya nito sa pisngi bago tuluyang umalis. Pumasok na siya sa loob at sinara na ang pinto, kumuha ng isusuot pantulog at nagshower. Nagpapasalamat talaga siya kay Nanay Rosario niya dahil ang dami nitong binili na damit para sa kanya pati pajama na pantulog ay naisip nito na bilhan siya. Humiga na siya pagkatapos maligo, nagpapaantok siya pero hirap siya makatulog naalala niya ang kabaliwan na ginawa nila kanina ni Jhong. Napapapikit na siya ng may marinig siya na kalabog sa sala. Nagdadalawang isip siya kung lalabasin niya ba ito, dahan-dahan siyang tumayo at sinilip ang labas pero wala siyang makita kaya tuluyan na siyang lumabas. Pagdating niya sa sala ay nakita niya si Vice na nakahandusay sa sahig. “Hala anong nangyari sayo? Unting kembot na lang kwarto mo na dito ka pa natulog.” aniya paglapit kay Vice. Amoy alak ito, pinipilit niyang patayuin ito pero ang bigat. “Vice tumayo ka diyan malamig ang sahig.” Hawak na niya ang kamay nito at hinihila paupo pero wa epek pa din. “Ano ba ang sakit.” Reklamo ni Vice. “Tignan mo gising ka pa pala. Tumayo ka na diyan” pagpupumilit ni Karylle, tumayo na ito pero sa sofa umupo. “Kape.” Sigaw nito, agad na pumunta sa kusina si Karylle hindi pa niya kabisado ang mga pasikot-sikot sa kusina nito kaya nahirapan siyang hanapin ang kape. Pagkatapos niyang magtimpla ng kape ay agad siyang bumalik sa sala. “Vice ito na ang kape.” Tinapik niya ito sa braso, medyo pikit pa din ang mga mata nito. Inabot na ni Vice ang kape at humigop ng kaunti. “P-pakshet ka.” biglang sigaw ni Vice, napaurong naman sa gulat si Karylle. “Inaano na naman kita diyan. binigyan ka na nga kape minumura mo pa ako. anyare sayo?” Inis na sabi ni Karylle. “Yun nga eh hindi mo nga ako inaano pero ang sakit-sakit.” Sagot nito, naguguluhan naman si Karylle. “Diyan ka na nga magisa ang kulit mo.” Balak na talaga iwanan ito ni Karylle wala siyang balak mag-alaga ng lasing na baklita. Tatayo na sana siya pero agad siyang hinawakan ni Vice sa braso niya. “G-ganyan ka wala kang alam kundi i-iwanan ako.” Mahinang sambit ni Vice. Hinila niya si Karylle palapit sa kanya hanggang makapaupo ito sa lap niya. “Hoy Vice ano ba bitawan mo nga ako.” Pagpupumiglas ni Karylle. Lalong humigpit ang hawak ni Vice sa braso ni Karylle hindi pa nakontento at inilapit pa nito ang katawan sa kanya. “Wag mo akong bibitawan, wag na wag mo akong iiwan. Please Please” pagmamakaawa ni Vice. Hindi na makagalaw pa si Karylle dahil sa higpit ng yakap nito kahit papaano ay panlalaki pa din ang lakas nito. Halos mawalan ng hininga si Karylle sa sumunod na kaganapan, hinawakan siya ni Vice sa magkabilang pisngi niya at inilapat ang mga labi nito sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya at halos malaglag na ang salamin niya sa mata dahil sa pusok ng mga labi nito sa kanya. Hindi na siya makapag-react sa mga ginagawa nito. Ipinikit na lang niya ang mga mata niya at hindi naiwasan na madala sa mga halik ni Vice. Oo nakainom din siya pero iba ang naging epekto nito sa sistema ni Karylle. They were kissing torridly at hindi alam ni Karylle saan nanggaling ang ganitong pakiramdam at bigla na lang siyang tumutugon sa lahat ng galaw ng labi ni Vice, she can taste and smell the alcohol from Vice’s mouth at parang nalasing siya sa mga halik nito. Biglang tumigil si Vice at naghiwalay na ang mga labi nila pero nakapikit pa din ito. “Baby boy thanks for staying.” Bulong nito. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Karylle sa buong katawan niya. Agad siyang tumayo at tumakbo papasok sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD