Kinabukasan maagang nagising si Karylle, nakahanda na ang mga damit na dadalhin niya para sa paglipat niya ng matutuluyan. Matagal silang nagusap ni Nanay Rosario kagabi, kahit man labag sa kalooban niya na samahan ang antipatikong anak nito ay wala siya magawa dahil sa napakalaking utang na loob niya dito.
Nagprisinta na naman siyang magluto ng agahan at hinayaan lang siya nila Mary at Maria.
“So Karylle doon ka na pala kay Sir Vice titira?” mahinang sabi ni Maria pagkalapit pa lang sa kanya habang nagluluto siya.
“Oo doon na kasi ako magtratrabaho.”
“Alam mo mabait naman yun pero may topak lang paminsan-minsan.” Komento ni Mary.
“Kaya dapat mahaba ang pasensya mo kung hindi lagi ka non babarahin.” Pagpapaalala naman ni Maria.
“Kaya ko yun, wag lang siya maging below the belt sa akin kung hindi makakatikim siya ng tadyak sa mukha niya.” Nakangising sagot niya. Alam niya na magiging mahirap ang pagsasama nila sa iisang bubong at sa trabaho. Ramdam niya na hindi siya gusto nito sa mga kilos at pakikisama pa lang nito sa kanya kagabi ay alam na niya na ayaw nito sa kanya.
Madami pang sinabi ang dalawa tungkol sa ugali ng amo, malakas naman ang loob niya na kakayanin niya ito pakisamahan. Kahit hindi niya kabisado ang ugali ng mga katulad nito alam naman niya na basta wala siyang ginagawang masama makukuha din niya ang kiliti nito.
Pagkatapos magluto ng agahan ay agad siya bumalik sa kwarto para maligo na at magbihis. Alas sais na pasado at ang usapan nila ni Nanay Rosario ay aalis sila ng alas siyete. Mabilis siyang kumilos at bumaba ulit para tignan kung andon na ang mag-nanay. Wala pa ang mga ito kaya siya na ang naghanda ng mga pagkain sa mesa, mukhang wala kasi yung dalawa naglilinis siguro sa labas.
“Good morning iha” bati ni Nanay Rosario, lumapit ito at hinalikan siya sa pisngi.
Siyang dating din ni Vice. Nakasando ito na puti at medyo magulo ang kulay rosas na buhok nito. Napatitig naman siya sa tattoo nito na nasa kanang braso, isang rosaryo. Pati pala sa kanang leeg ay may tattoo din ito, ngayon niya lang kasi natitigan ito since naiirita siya dito simula ng makita niya ito. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang pagsabi sa kanya ng engot siya.
“Hoy matunaw ako. Alam kong maganda pa din ako kahit bagong gising ako at may hangover ako. Partida masakit pa ang ulo ko” Mataray na sabi ni Vice sa kanya.
“Ah-eh. Morning Vice, kain na po kayo.” Nauutal pa siya na sabi. Agad naman na sinandukan niya ng mga pagkain ang plato ni Nanay Rosario. Napapansin naman niya na iniirapan siya ni Vice.
“Iha sumabay ka na sa amin, okay na ako maupo ka na.” ani Nanay Rosario.
“Sige po.”
“Ikaw pa rin ba ang nagluto nito?”
“Opo” nahihiyang sagot niya at kumuha na rin siya ng makakain.
“Pwede mo ba ako ikuha ng kape?” narinig niyang sabi ni Vice. Tumayo naman siya agad at hindi na sumagot kumuha na lang siya ng kape.
Hindi inubos ni Vice ang kinakain nagkape na lang ito at nagpaalam na maliligo na.
“Iha hindi na kita maiihatid sa resort may importante kasi akong lalakarin, sumabay ka na lang kay Vice ah” anito habang nagliligpit siya ng kinainan nila.
“Sige po okay lang.” sinabihan siya nito na wag na hugasan ang pinggan at mag-ayos na lang siya sa pag-alis nila ni Vice.
Bumalik na siya kaagad sa kwarto para kuhain ang mga dadalhin niya at hinintay na lang niya si Vice na lumabas ng kwarto.
Bigla niya naalala si Mumay. Sakto naman na nakita niya din si Nanay Rosario.
“Nay baka pwede ko po isama si Mumay kung pwede lang po sana?” sabi niya pagkalapit pa lang dito.
“Oh yah I remember your pet. Sure ako na bahala kay Vice.”
“What’s that?” sabat ni Vice na pababa na ng hagdan. Nakapostura na ito, nakajeans at boots na white with fur at neon pink na t-shirt habang nakataas naman ang buhok nito na kulay pink.
“Anak, Karylle have a pet baka pwede na isama siya sa resort?.” Agad naman kumunot ang noo ni Vice sa narinig.
“Grabe ah ang dami na nating ampon.” Medyo galit na sabi nito.
“Wag ka mag-aalala mabait siya at sisiguraduhin ko na hindi siya magkakalat. Please.” pagmamakaawa ni Karylle.
“Sige na anak pumayag ka na papakuha ko na ang kulungan niya kay Nanding.” Ayuda ni Nanay Rosario.
“Warever, make sure na hindi yan maingay.” Lumabas na ito at pumunta sa tarangkahan ng kotse nito, tinawag naman ni Nanay Rosario si Mang Nanding para kuhain si Mumay at ang kulungan nito.
Isang Chevrolet truck na white ang kotse ni Vice, nasa likod na nito si Mumay na nasa kulungan. Si Karylle naman ay nasa labas at kinakausap ang alaga.
"Mumay behave ka lang diyan ah wag ka matatakot, may pupuntahan kasi tayo doon na din tayo titira simula ngayon."
Bilin niya dito habang hinihimas niya ang likod nito, ipinasok na niya ulit ito sa kulungan at pumunta na sa gilid ng kotse.
“Ang tagal ah, paimportante pa.” Inis na sabi ni Vice pagsakay ni Karylle sa likuran ng kotse.
“Sorry po.” Nagpaalam na siya kay Nanay Rosario.
“Vice paki-asikaso na lang si Karylle sa magiging trabaho niya. Wag na wag mo siyang aawayin okay?” Habilin nito na kasalukuyang nasa labas ng driver’s seat.
“Okay Ma sige na anong oras na. Aalis na kami” sinabi na lang niya para hindi na humaba pa ang usapan.
Pinaandar na ni Vice ang sasakyan nito. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa tanging tunog lang ng stereo nito ang maririnig. Ibinaling na lang ni Karylle ang atensyon sa daan pero medyo inaantok siya dahil hindi siya makatulog kagabi iniisip na naman niya kasi si Yael, nakatulog na naman nga siya na umiiyak kagabi.
“Kapal talaga ng mukha, nagmukha na nga akong driver mo tinulugan mo pa ako. Ang sarap ng tulog mo tulo pa talaga ang laway mo ah” Sigaw ni Vice. Napabalikwas naman si Karylle ng marinig ito. Andito na pala sila sa resort pero malayo sila sa dalampasigan, mukhang andito sila sa bahay ni Vice.
“Sensya na.” agad niyang hinanap ang panyo at pinunasan ang bibig niya, binuksan na niya ang pinto ng kotse at kinuha ang mga bag niya.
Padabog naman na sinara ni Vice ang pinto ng kotse, inis na inis talaga siya sa kasama kung hindi lang talaga makulit ang nanay niya hindi niya ito gagawin at papatuluyin sa bahay niya.
Isang katamtamang laking bahay ang nakikita ni Karylle, makulay ito. Color white and pink ang pintura sa labas, binuksan na ni Vice ang pintuan ng bahay.
“Hanggang diyan lang ang aso mo. Make sure to always clean that dog ayaw ko ng mabaho.” Turo nito sa gilid ng bahay, tumakbo siya pabalik sa kotse nito at binuhat ang kulungan ni Mumay.
Naiwang nakabukas ang pinto kaya tumuloy na siya. Sa loob ng bahay ay black and white naman ang kulay ng mga pader. Merong isang malaking tv sa salas at sofa set na leather na itim din.
“Dito ka” turo ni Vice sa kwarto na tutulugan niya.
Lumapit siya dito at pumasok na sa loob, merong queen size na kama doon, maliit na tv, aircon at dalawang malaking aparador.
“Kailangan laging malinis yang kwarto na yan ayaw ko ng burara. Mahiya ka naman sa akin.” Nakaismid na sabi nito pagkapasok ng kwarto.
“Walang problema.” Sagot niya.
“Well I have some rules and regulations while you're staying here.” Anito, umupo naman si Karylle sa dulo ng kama.
“Ano yun?” curious na tanong niya.
“Kung sino man ang mga bisita ko dito wala kang pakealam sa kanila. Wag na wag mo ako isusumbong kay Mama kung hindi malalagot ka talaga sakin.” Unang sabi nito.
“Yun lang pala, walang problema sakin. yun lang ba?” madaling sagot niya.
“Kung ano man ang makikita mo or maririnig, act like you did not see or heard it. Okay?” nanlaki naman ang mata ni Karylle.
“Sound proof ba tong kwarto ko?” tanong niya, inirapan naman siya ni Vice.
“Hindi, bobita. Sasabihin ko ba yun kung soundproof to?” inis na sabi nito.
“Maka bobita ka, grabe ka sa akin ah.” Inis din na sagot niya.
“So ano okay ba don?” tanong nito ulit.
“Ang halay naman kasi hindi ako sanay sa mga ganyan. Wag ka na lang maingay, pag andito ako pigilan mo na lang wag masyadog maingay, ang inosente kong tenga mababahiran ng kalandian.” pang-aasar niya kay Vice.
“Virgin ang peg?” sabi ni Vice sabay halakhak. Sinamaan naman ni Karylle ito ng tingin.
“Oo naman noh, cge na pasok sa tenga labas sa kabilang tenga. Wala akong nakita dapat pala wala akong salamin pag may bisita ka para hindi ko makita.” nag suggest pa siya.
“Yan may natitira ka pa palang brain cells.” Pang-aasar nito.
“Grabe ka ah for your information. suma c*m laude ako non college ako.” Pagmamayabang niya, tumayo siya at namewang sabay irap kay Vice.
“Wehhh?”
“Oo nanakaw lang yung bag ko andon ang diploma ko.” Sabi niya sabay halukipkip at ng pout pa ng lips niya.
“Warever hindi halata ah. Infairness.” Nakangising sabi nito. Tawa naman ng tawa si Vice hindi na niya mapigilan dahil nakanguso na ito at mukhang pikon na.
“Tapos ka na ba sa mga ka-echosan mo? Diba dadalhin mo pa ako sa resort dahil magsisimula na ako sa trabaho ko. Diba Sir Vice?” pambawi ni Karylle.
Tumaas naman ang kilay ni Vice.”You called me sir. Eww! Ulitin mo pa yan at kakalbuhin kita. Call me Vice or much better Vice ganda. Mas masarap pakinggan.” Maarteng sabi nito.
“Vice ganda?” paguulit ni Karylle habang nanlalaki ang mga mata.
“Oo bakit may reklamo ka?” kabilang kilay naman niya ang tumaas.
“Sorry pero hindi ako marunong magsinungaling para lang sa ikakasaya mo.” Bawi ni Karylle sabay hagalpak ng tawa habang hawak ang tiyan niya.
“Aba! Na boom paneth ako don ah.” pikon na sabi nito.
“Sorry hahaha kasi naman gusto mo ako magsinungaling eh. Hahaha Vice na lang mas bagay pa. Gusto mobpa Vice ganda” tawa pa rin siya ng tawa. Nakakaloko naman kasi ang kaharap gusto pa siyang sabihan na maganda. Eh bakulaw nga ang description niya dito.
“Punyeta, halika na nga ng mawala ka na sa paningin ko habang nakakapagtimpi pa ako. Ipapakain kita sa mga pating pag hindi ka pa tumigil sa kakatawa mo.” Nagwalkout na ito, agad na kinuha ni Karylle ang shoulder bag niya. Bigay ito ni Nanay Rosario, binigyan din siya ng mga makeup at lipstick nito.
Sumakay na ulit siya sa kotse ni Vice tinatamad daw kasi itong maglakad, abot tanaw naman ang resort mula dito dahil medyo nasa itaas sila na bahagi, kitang kita dito ang paligid sa baba. Kinawayan niya si Mumay na nakatingin sa kanya at nagflying kiss pa siya dito bago sila tuluyang umalis.
“Baba na manang” sabi dito ni Vice. Hindi naman gumagalaw si Karylle sa kinauupuan nito.
“Hoy manang baba na.” lumingon na ito sa kanya.
“Sino ba kasi yung manang?” takang tanong ni Karylle.
“Halika lapit ka” utos ni Vice. “Tingin ka dito sa salamin.” sinunod naman siya ni Karylle.
“Aba grabe ka Vice wag mo naman ako tinatakot may kasama ba tayong multo dito.?” Natatakot na sabi nito. Napasapo naman si Vice sa mukha niya.
“Ang bobo. Engot na nga eh bobo pa. Kumo-combo ka grabe”
“Kasi naman manang ka ng manang tayong dalawa lang naman dito.” Inis na sagot niya.
“Tingin ka ulit sa salamin.” Pagpupumilit nito.
“Ayaw ko baka lumabas diyan si Manang.” Tanggi nito.
“Dali isang beses lang.” pagpupumilit niya. Lumapit ulit si Karylle sa salamin at pinagbigyan ito.
“Oh ako lang naman nakikita ko sa salamin eh.”
“Tumpak. Ikaw yung manang, halika na nga sinasayang mo ang oras ko.” Tawa ito ng tawa hanggang makalabas ng kotse.
Nasaktan naman ng slight si Karylle sa sinabi nito at tahimik na lang na bumaba ng kotse at naglakad papunta sa reception area.
“Hi Vice morning” bati ng isang mestisa at magandang babae sa reception, pulang pula ang mga labi nito at ang sexy pa. Nagbeso-beso ang dalawa.
“Hi Cuz nadalaw ka?” agad na tanong nito.
“You know magpapa-tan ulit pumuputi na kasi ako. Oh who is she cuz?” Sagot nito, nabaling naman ang tingin nito sa kanya.
“Ah bagong receptionist.” walang ganang sagot nito.
“Hi girl, I’m Anne” bati nito sa kanya.
“Hello po.” Kiming sagot niya.
“Colleen, help and teach her what to do.” Singit na utos ni Vice sa receptionist na si Colleen. Lumabas naman na ito kasama ni Anne.
“Hi what’s your name?” nakangiting tanong nito. Ang ganda nito sobrang puti at ang kinis.
“Hi I’m Karylle.” Nagshakehands sila after.
“Nice to meet you girl, I’m Colleen night shift ako dito. Wait ah kuhain ko lang yung pinahanda ni Mam Rosario na uniform mo.” Umalis muna ito at pumasok sa isang room na katabi lang ng reception, pagbalik nito ay may dala na itong limang sets ng uniform.
“Ganito talaga kaikli ang palda?” naaasiwa na tanong niya.
“Oo we need to look presentable kasi and pretty since tayo ang kakausapin ng mga guest. So girl magbihis ka na, actually overtime na ako dapat until 7am lang ako dito. May pupuntahan pa kasi ako kaya sensya na if medyo nagmamadali ako ah” sumunod na lang si Karylle at pumasok sa itinuro na banyo ni Colleen.
Ang ikli ng palda sobra, 3 inches above the knee hindi talaga siya sanay sa mga ganito. Nagsusuot siya ng palda pero lagpas tuhod nahihiya kasi siya magsuot ng mga maiikli. Sunod na isinuot niya ang ¾ na blazer terno ito ng kulay ng palda na kulay black. Paglabas niya ng cubicle ay pinipilit niya na pinabababa ang laylayan ng palda niya. Inayos niya na din ang sarili nagsuklay ulit ng buhok at itinali ito na pabilog, naglagay din siya ng kaunting foundation at lipstick.
“So ito ang mga list ng mga rooms, cottages at nipa huts rates.” Binigay ni Colleen ang isang folder kay Karylle. Binuksan niya ito at tinignan ang bawat pahina.
“Dito may system tayo na ginagamit para malaman kung ano pa ang mga available na room. Andyan din ang mga list ng mga extra services natin. Eto naman ang option for the restaurant menu, meron din ditong hard copy if gusto nila dito sa lounge kumain. Medyo self explanatory na ang iba dito pag-aralan mo na lang madali lang naman ang mga systems natin. Tapos ito ang machine for those na gagamit ng credit at atm cards. Kailangan laging dalawang resibo ang lalabas papipirmahan mo yung copy natin tapos ibibigay mo yung isang receipt sa guest tapos yung isa dito mo ilalagay sa maliit na envelope.” Mahabang explanasyon ni Colleen, tumagal pa sila ng 30 minutes buti na lang at wala pang nagchecheck-in.
“So ayun kaya mo na yan girl. Late na ako sa lakad ko. Kita kits mayang 7pm.” Nagpaalam na ito, bago umalis ay binuksan nito ang sound system nila para may sounds naman sI Karylle. rinig din ito sa lounge ng reception.
“Sige maraming salamat Colleen” nagsimula niyang kalikutin ang mga iba’t ibang system sa computer. Seryosong pinag-aaralan ito. Pati ang mga folders na hawak niya ay iniisa-isa niyang tignan. Lumipas din ang mga ilang minuto bago may dumating na guest.
“Hi goodmorning Sir, how can I help you?” magalang na bati niya dito, umaalingasaw ang bango ng kaharap, isang lalaki na nakashades, nakasando na black at maong shorts ito. Nasa may bandang pintuan naman si Vice na tahimik lang na pinagmamasdan siya.
“I need a cup of coffee first medyo napagod ako sa long drive.” Sabi nito at inasikaso ito ni Karylle, pinaupo niya muna ito at kumuha ng kape.
“Sir ito po ang mga available rooms namin, kindly check it and just call me once you already have a choice and anything that you need?” nakangiting tanong niya sabay abot ng mga listahan ng mga rooms nila.
“What if I said I need someone like you? Okay lang ba? Dejoke lang. ” nakangiting sabi nito, umangat ang ulo nito at tinignan siya.
“Haha ikaw talaga sir palabiro po pala kayo. Sige po enjoy your coffee muna” Nahihiyang sagot niya, bumalik muna siya sa station niya at nagpatuloy sa pag-aaral niya, ilang minuto lang ay lumapit na ito sa kanya.
“Room for one itong Althea room ang gusto ko for one week.” Binalik nito ang listahan sa kanya at inabot ang credit card. Sinabi naman ni Karylle ang total amount.
“Oh Hi Mr. Jhong Hilario, may I have a valid id please.” Binigay naman nito ang drivers license niya.
“May nagsabi na ba sayo na you're pretty and you have a beautiful eyes behind those glasses?” nagulat naman siya sa sinabi nito. Nakita naman niya na medyo ibinaba nito ang shades nito at para siyang natunaw ng saglit na magtama ang kanilang mga mata.
“Wala pa po Sir kayo pa lang. Ikaw talaga sir jinojoke time mo na naman ako" nginitian niya ito saglit at pinagpapatuloy ang ginagawa sana hindi siya mamula dahil nakakahiya.
“Well I guess all of the guys around you are blind.” Naloloka na siya sa kausap hindi niya alam kung nakadroga ba ito at ang lakas ng trip. Hindi na lang siya sumagot pa.
“Sir here’s your key and your receipt. Maraming salamat po enjoy your stay.” Magalang na sabi niya.
“You"re welcome see yah around. Karylle.” Kaya pala ito nakatingin sa may bandang dibdib niya dahil may name tag siya doon.
“Aba Buena manong landian ah.” Pumapalakpak pa na sabi ni Vice pagkaalis ng guest.
“Wala akong ginagawang masama ah. I'm just assisting him.” Komento niya.
“Bawas-bawasan ang paglandi pag oras ng trabaho okay? You're representing my resort so be formal. But over all your okay naman with the way you assisted him. Pwera sa landi factor mo.” puna ni Vice.
“Oh I forgot to ask.” Singit ni Jhong bumalik to sa reception. Nakangiti naman si Vice dito pero hindi siya pinansin, napakagat naman sa labi niya si Vice ng maamoy ito sobrang bango at ang lalaki ng mga muscles nito sa braso.
“Yes sir?”
“Until what time is your shift today?”
“24 hours ang duty niya sir.” Singit ni Vice.
“Seriously? Isn't it against the law?”
“Joke lang.” bawi ni Vice.
“Vice, what time daw po ang out ko?” tanong ni Karylle.
“7pm pa. Pagdating ni Colleen.” Iritadong sagot niya.
“Okay good then, I’m inviting you for a dinner later. See yah” umalis na ulit ito palabas at hindi na hinintay ang sagot ni Karylle.
“Kaloka, ang lakas ng appeal mo Manang ah.” pang-aasar ni Vice dito.
“Grabe ka nadaan lang ng maikling skirt ko ata yun.” biro ni Karylle, umikot naman si Vice sa pwesto ni Karylle para makita ito ng malapitan. Maganda ang legs nito firm, makinis at to top it up malaki ang pwet nito..
“Hoy kong makatingin ka sakin ah, manyakis.” inis na sabi ni Karylle at pilit naman na nagtatago sa sulok. Dahil sa malagkit na tingin ni Vice sa legs niya.
“Kung maka m******s ka, mas maganda pa ang legs ko sayo noh. Long legged pa ako. Hindi lang ako makapaniwala na may hubog ka pala.” Sabay belat nito kay Karylle at nag walk out ulit habang pakendeng-kendeng na naglalakad.