*Flashback*
“What is the meaning of this?” nagulat silang dalawa ni Yael sa sigaw na yun, agad na nagising at napaupo si Karylle at hinila ang kumot para matakpan ang buong katawan niya.
Kinukusot naman ni Yael ang mga mata niya. “Hi babe, sorry sobrang nalasing ako kagabi hindi na kita natawagan.” Bungad ni Yael kay Nikki. Galit na galit ang mukha ni Nikki at hindi ito maintindihan ni Yael, si Nikki ang girlfriend ni Yael.
Lumingon si Yael sa direksyon kung saan nakafocus ang paningin ni Nikki, laking gulat niya na andito nga pala si Karylle. Kasama kasi nito ito kagabi sa inuman kasama ng mga tropa nila. Si Nikki, Yael at Karylle ay matalik na magkakaibigan simula ng mga bata pa lang sila. Pero hindi ito lubos maisip ni Nikki na magagawa ng dalawa na lokohin siya.
“Iho hindi na kami nakapagsabi na ngayon ang dating namin” nanlaki ang mga mata ng Lolo ni Yael ng makita ang itsura ng dalawa na nasa kama nito. Napatingin na lang ang lolo nito kay Nikki na iyak ng iyak ngayon.
“Lolo, Nikki wala pong nangyari sa amin. Wag po kayo magisip ng masama please.” Sabat ni Karylle hindi na siya naghintay na tanungin pa siya dahil alam niyang malaking kasalanan ang makita silang ganito ni Yael. Sakto naman kasi na walang pantaas na suot si Yael. At nagtataka siya bakit ba kasi wala siyang damit.
“Karylle! Alam kong mahal mo si Yael pero I never imagined na gagawin mo sa akin ‘to. Akala ko tanggap mo na lahat. Na ako ang mahal ni Yael?” mahinahon naman ang boses ni Nikki pero mahihimigan pa rin dito ang galit.
OO! Simula pa lang bata sila ay si Yael na talaga ang mahal niya pero hindi siya binibigyan ng pansin nito at alam lahat ito ni Nikki, she even asked Karylle if okay na nanliligaw sa kanya si Yael noon. At dahil mahal niya din ang kaibigan na si Nikki ay hinayaan na lang niya at tinaggap ang pagkatalo. Ano ba naman siya na mas maganda si Nikki sa kanya. Ni minsan ay hindi siya nakarinig na maganda siya dahil nga simula pa lang bata ay nakasalamin na siya at braces lagi pa siyang nakapusod buhaghag kasi ang buhok niya, hindi siya mahilig mag-ayos ng sarili niya at hindi rin siya lapitin ng lalaki pero kahit ganoon madami siyang kaibigan na lalaki.
“Babe, lasing lang si Karylle kagabi. Suka siya ng suka so ihahatid ko sana siya sa kanila but she fell asleep. Papalitan ko na sana siya ng damit pero I guess nakalimutan ko, lasing na din kasi ako at antok na antok oo hinubad ko damit niya kasi nga nasukahan niya yun. So please don’t think na may nangyari sa amin. Ikaw mahal ko please.” Paliwanag ni Yael. Kumuha ito ng damit pantaas at nagbihis na.
Binigyan naman ng lolo ni Yael ng masusuot si Karylle.
“Nikki totoo ang mga sinasabi ni Yael. Please listen to him. Sorry please patawarin mo ako.” madami pa sana sasabihin si Karylle pero sinabihan na siya ng lolo ni Yael na magbihis na.
Siya naman pagdating din ng lola ni Yael. Galing ang mga ito sa America para kamustahin ang business nila dito sa Maynila at bisitahin din ang apo na nagiisa dito sa Pilipinas.
“What’s going on here apo?” tanong ng Lola ni Yael pagpasok pa lang ng kwarto ni Yael pero mukhang alam na nito ang komosyon na nangyayari sa paglabas pa lang ni Karylle sa banyo na suot ang damit at shorts ni Yael.
Humihikbi na niyakap ni Nikki ang lola ni Yael at wala man lang itong sinabi.
“Harujusko anong kaganapan ito Yael?” agad na tanong ng lola nito ng umalis sa yakap si Nikki sa kanya.
“Lola, wala po. Lasing lang po kami kagabi” nagexplain si Yael sa lola nito pero parang hindi mga naniniwala ang mga ito.
Kilala naman nila si Karylle na mabait na bata ito at mga magkakaibigan na ang mga ito bata pa lang, pero iba na ang panahon ngayon mapupusok na ang mga kabataan kaya hindi kaagad sila makapaniwala sa mga explanasyon nito.
“Nikki pagusapan natin to.” Pakiusap ni Yael, umalis na kasi si Nikki at balak na talaga sila iwan.
“Yael, panagutan mo si K! Mahal ko kayo pareho, masakit sa akin to pero kailangan ka niya. Mas mahal ka niya kesa sa pagmamahal ko sayo.” nanghihina na sabi ni Nikki kay Yael. Hindi makapaniwala si Yael sa mga sinabi nito at pailing-iling lang na sumagot.
“Hindi Nikki ikaw ang mahal ko.” iyak ng iyak si Nikki pero she needs to make a very hard decision right now. Si Yael na lang ang natitira kay Karylle. Ang mga magulang nito ay kamamatay lang few months ago kaya na rin nahilig sila damayan ito pag nagyayaya ito lumabas para uminom. Nagiisa na lang siya sa buhay ngayon pati ang dalawang kapatid nito ay namatay din sa isang car accident. At palagi nito sinisisi ang sarili na sana ay kasama na lang siya ng mga ito ng mamatay para hindi siya ganito ngayon na sobrang lungkot at nagiisa.
“Yael wag na natin pahirapan ang sitwasyon. Hindi mo ba ako narinig? Mas mahal ka ni K! Masaya lang ako pag kasama kita coz you always make me smile pero right now I just realized na baka hindi talaga tayo para sa isa't isa. Please take care of K! Don’t hurt her please.” buong lakas ng loob niya sinabi sa pagmumukha ni Yael, ang mahigpit na hawak ni Yael sa braso niya ay biglang lumuwang.
“Anong sabi mo?” hindi makapaniwala si Yael pa din sa sinasabi ng kasintahan.
“Mas mahal ka ni Karylle!” sigaw nito.
Napakuyom ang mga kamao ni Yael sa galit nito sa kasintahan. Dahil lamang sa isang pagkakamali na hindi naman mali para sa kanya ay ginaganito siya ng pinakamamahal niya na babae.
“Fck this. Walang nangyari sa amin ni Karylle. Hinding hindi sasagi sa utak ko na galawin siya. Tangna bakit ba ayaw mo maniwala” galit na ito hindi matanggap na parang pinapakawalan na siya nito.
“Yael just accept it matutunan mo din siyang mahalin. Please lang ayaw ko na. Maybe destiny is really working for you two to meet each others arms. Hindi ako para sa’yo. Please let’s just move on.” Sabi ni Nikki habang marahas na pinapahid ang mga luha sa mga pisngi nito. It’s hard to lie that you don’t want a person anymore but for the sake of Karylle she will choose to get hurt and just move on. Madami pa sa kanyang nagmamahal but Karylle? She only have friends right now and one of them is her. Hindi na niya kayang makita nasasaktan ito. She wants to give the best thing she can offer and that is Yael.
“Pag umalis ka Nikki kalimutan mo na ako. Hindi nakakatuwa ang mga ginagawa mo sa akin.” Malakas na ang sigaw ni Yael na nakakuha na ng atensyon ng lolo at lola niya na kasalukuyang kinakausap si Karylle na iyak ng iyak din.
“Yes I’m going to leave now but it doesn’t mean that I will forget you. Please take care of K.”
*End of Flashback*
Hindi niya masisisi ang asawa sa mga pakikitungo nito sa kanya. Nawala lang naman ang pinakamamahal na babae nito ng dahil sa kanya. Dahil sa pagmumuni-muni sa nakaraan at mabuti na lang at hindi na niya napansin kung ano man ang ginagawa ng dalawa sa harap niya, kanina pa kasi siya tulala. At dahil doon ni isang halinghing nila ay hindi man lang niya narinig.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at inipon lahat ng lakas na natitira pa sa buong katawan niya. Inayos ang mga binti niya na kanina pa nangingimay at inayos niya ang upo niya.
“Tapos na ba kayo?” walang kalatoy-latoy na tanong niya sa dalawa.
“Baka kasi pwede na ako lumabas ng kwarto mo Yael. Tapos ka na ba sa past time mo? Sa hobby mo? Ang saktan ako?”sabi niya na diretso nakatingin dito na kasalukuyang nakahiga na.
“Oo tapos na, pero nasa sayo yan if gusto mo pa makita ang round two?” pang-aasar nito sa kanya.
“Hindi na, hindi ka naman pala magaling sa kama. For sure yang babae na yan she’s just faking her reactions para kunyari nasarapan siya.” Ganting pang-aasar niya. Napaupo naman kaagad si Yael sa kama at mukhang nagalit ito.
Ewan ba ni Karylle pero parang nagsasawa na din siya sa pagtitiis at ang umasa na magbabago ang pakikitungo sa kanya ni Yael. Simula pa lang naman alam naman na niya na walang patutunguhan ito pero she never lose hope. Pero mas lalo lang lumala ang sitwasyon eh. The fact that Yael can’t even kiss her, cuddle her and make love to her. Means that wala na talaga pag-asa malabo talagang mahalin siya nito.
Siguro nga tama ito ng sinabi na tigilan na siya.
“Fck get out” nagulat si Karylle ng sumigaw ito. Akala niya siya ang sinigawan nito pero yung babae pala na kasama nito.
“What the fck is wrong with you. I’m still tired.” Reklamo ng babaita.
“Get out now! Or I’ll drag you out naked.” Galit na ang boses nito at kahit iika-ika pa ang babae ay dali-dali itong nagbihis.
“Ano ate? Diba sabi ko sayo favorite pastime ng asawa ko ang manakit ng damdamin. Ingat ka paguwi ah.” Pang-aasar ni Karylle dito. Lumabas na din siya ng kwarto ni Yael at dumeretso sa kwarto niya at pinagpatuloy ulit ang pagiyak dito.