Lumipas ang dalawang araw matapos ang huling tagpo nila ni Yael. Hindi na niya ulit ito nakita simula noong nagdala ito ng babae sa bahay nila. Para naman siyang timang na naghihintay sa muling pagbabalik nito. Tanging ang alagang shitzu na si Mumay ang tangi niya lang kausap. Si Mumay ay regalo sa kanya noong kasal niya. Napakalambing nitong aso na ito, sa tuwing may problema siya at hinanakit sa mundo ay ito lang ang kausap niya.
"Mumay, hindi pa rin nauwi ang tatay mo. Sa tingin mo ba babalik pa siya? Buti na lang ikaw hindi mo sinasaktan ang inay mo, kahit minsan pasaway ka at kung saan-saan ka napupo eh mahal na mahal mo pa rin ako at mahal na mahal din kita. "
Kausap niya sa aso niya, kasalukuyan na nasa garden sila at nakaupo sa damuhan habang ang kulit nito takbo kasi ng takbo. Bigla na naman siya nalungkot at hindi maiwasan na maiyak tinanggal niya ang salamin at hinayaan na bumagsak lahat ng luha niya.
"Ni minsan ay hindi ko ginusto ang makasal sayo? At ni minsan ay hinding-hindi ko matatangap! Na ikaw ang babaeng makikita ko sa araw-araw na ginawa ng diyos. Nasusuya ako sayo, nandidiri. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo!"
Nagbaliktanaw na naman kasi sa isipan niya ang mga masasakit na sinabi ni Yael. Kabisado niya lahat ng bawat kataga na binitawan nito sa pagmumukha niya. Oo malaki ang kasalanan niya dito pero hindi niya pa rin maintindihan bakit hanggang ngayon hindi siya nito matutunan mahalin. Diba sa mga romance stories pag lagi na kayo magkasama at nagkikita kadalasan ay maiinlove kayo sa isa’t isa or mafa-fall ang isa doon at hanggang sa pareho na sila ng nararamdaman?
Pero hindi yata pwede ang istorya nila sa masasabing love story. Mukhang horror story kasi ang buhay niya, lagi na lang may nakakagulat at nakakatakot na eksena. Wala ni isang hibla ng pagmamahal ang nararamdaman niya mula kay Yael kundi lahat ay poot at inis sa kanya.
"Ngayong gabi na ito, gusto ko kamuhian mo na din ako. Gusto ko ito na ang huling araw na makikita pa kita sa pamamahay ko! Tigilan mo na yang punyentang pagmamahal mo sa akin"
Napabuntong hininga na lang siya. Pakiramdam niya tuloy kaya hindi na umuuwi si Yael dahil naglayas na ito at ito na lang ang umalis kesa si Karylle pa. Pero pinasok naman niya ang kwarto ni Yael kanina andoon pa din naman ang mga damit nito.
"Mumay, sa tingin mo ba panahon na para magive-up na ako? Masyado ko na bang isinisiksik ang sarili ko sa kanya?"
Tanong nito sa aso niya, tumigil naman ito sa pagtakbo at parang animo ay totoong nakakaintindi at lumapit kay Karylle umupo ito sa binti ni Karylle na kasalukuyang naka Indian sit. Tumingin ito kay Karylle na mukhang malungkot.
"Kasi naiisip ko kung mahal mo ang tao dapat masaya siya kasi minamahal mo siya, pero ako hindi eh. I never saw him happy with me. As in never."
Aw.. Aw. Aw.. Aw.. Aw
Kinahulan siya nito na para bang sinasabihan na wag na siya malungkot. Pilit na inaabot ni Mumay ang mukha ni Karylle at sumasampa pa ito sa mga braso niya, nang maabot na ni Mumay ang mukha ni Karylle ay dinilaan niya ito ng paulit-ulit.
"Ang sweet mo talaga Mumay, mangangamoy laway na naman ako nito hindi pa kita nato-toothbrushan. Kaw na lang talaga ang natitira kong karamay. Hays! Pero sana naman wag mo akong pinaliliguan ng laway mo."
Napalitan naman ng tawa ang kaninang pagiyak niya, dogs are really indeed a human’s bestfriend. When it seems like all things are f****d up they were the one who will never judge you and will just love you unconditionally.
Nakaramdam naman ng bumagbasak na ulan si Karylle kaya dali-dali niyang binuhat si Mumay at pumasok na sa loob.
Ang kaninang ambon lang ay biglang lumakas na. Natatakot na siya dahil ang lakas na ng kulog at kidlat pati si Mumay ay nagtago na sa takot. Nagready na siya ng mga kandila at emergency lights dahil pakislap-kislap ang ilaw. Nagsisisi tuloy siya dahil pumayag siya sa gusto ni Yael dati na wala silang magiging maid at dapat lahat siya ang gagawa dito sa bahay at pumayag naman siya. Wala tuloy siyang kasama tuloy sa bahay.
Binuksan niya muna ang t.v para madivert naman ang pandinig niya mula sa mga kulog at kidlat. Nang mapadako ang channel sa balita ay mukhang may LPA at nasa Metro Manila na ito. Ini-on niya din ang wifi para makapag-f*******:. Halos isang oras pa lang ang ulan ay ang dami na niyang nakikitang post ng lugar na baha na.
Home alone .. Sana hindi magbrownout –feeling scared
Naisipan niya magpost sa f*******:. Bihira kasi siya magpost pero hindi na niya mapigilan, sunod-sunod na ang pagtunong ng notification niya pagkaraan lang ng ilang minuto.
Vhong, Billy and 18 more like your post.
Vhong commented on your status.
Vhong
Where is Yael?
Karylle
Hehe wala pa eh.
Vhong
I’ll pm you K.
Si Vhong isa sa mga matalik na kaibigan nila. Kababata din niya ito, sobrang bait ni Vhong sa kanya ang tawag niya nga dito ay si Shaider. Kasi ito ang tagapagtanggol niya sa mga umaapi sa kanya simula pa ng bata sila.
Vhong:
Kamusta ka na?
Karylle:
I’m not fine.
Vhong:
Do u want someone to talk to?
Karylle:
Okay lang ako shaider.
Vhong:
Yang okay mo I know that you're not.
Karylle:
Shaider, hindi pa siya umuuwi 2 days na.
Vhong:
Tsk. Punta ako diyan wag ka na magreply nor tumanggi. I'll be there in 30 minutes.
Madami pa ang nagcomment na mga friends niya sa status niya. Matagal na din kasi siyang hindi nagpaparamdam sa mga ito talagang pinanindigan niya ang pagiging housewife for so long. Bigla niya tuloy namiss ang mga friends niya at mostly pa nito ay common friends pa nila ni Yael.
Naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ni Vhong noong bago sila ikasal ni Yael.
"Sure ka na ba talaga K? Kasi kahit kaibigan ko yan si Yael hindi ako sigurado sa kanya, i think you don’t deserve him. Nararamdaman ko na masasaktan ka lang sa kanya, pero pag talagang nalaman ko lang talaga na mangyari yun kakalimutan ko na kaibigan ko siya. Malalagot siya sa akin. Pangako ko yan sayo."
Yun ang maganda sa mga kaibigan niyang lalaki never siyang hinusgahan ng mga ito. Mas nag-alala pa nga ang mga ito dahil alam nila kung ano ang nararamdaman ni Yael towards Karylle, na masasaktan lang siya pero ito siya at sumugal pa din.
Hindi niya naramdaman ang oras at nagulat na lang ng may bumubusina na sa labas. Agad siyang lumabas para tignan kung sino ito at umaasa na si Yael na ito. Pero si Vhong pala.
“Pasok ka” yaya nito.
Aww…Aww…Aww
Sinalubong siya ni Mumay. Agad niyang binuhat ito.
“Mumay, buti na lang andito ka para bantayan si Mommy Karylle mo.” Si Vhong nga pala ang nagbigay nito kay Karylle.
“Korek, pero kahit siya natatakot na sa mga kulog at kidlat kawawa naman.”
“Halika labas tayo niyaya ko na sila Billy doon sa bar niya. Gusto ka namin makasama ng malibang ka naman.” Nagiba ang itsura ni Karylle, rumehistro na naman ang lungkot sa mukha nito.
“Baka kasi dumating si Yael tapos wala ako baka ano isipin non.” Pagaalala nito.
“Bwiset siya, natiis nga niya na iwanan ka dito. You need to unwind hindi yung nagmukmok ka lang dito. Sige na magbihis ka na.” pagpupumilit nito.
“Eh kasi” pagtatangi na naman ni Karylle.
“Dali na wag ka na magdalawang isip. Itetext ko na lang si Yael na kasama ka namin mamaya.” Hindi na nakatanggi si Karylle at umakyat na sa kwarto niya at nagbihis na din.
“Mumay aalis muna si Mommy ah good girl ka dito ah” paalam ni Karylle sa alaga.
Pagdating nila sa Bar ni Billy ay kahit na malakas ang ulan ay natuwa naman siya kasi kumpleto ang mga kaibigan niya na lalaki na andito. Andito na si Teddy, Jugs at Ryan.
“Kalilll namissh kita” bungad ni Ryan sa kaibigan, niyakap siya agad nito at nagpuppy eyes pa.
“Ako din Yayan, namiss ko kayo lahat.”
“Ayun oh! Nakalabas din siya sa lunga niya.” Pang-aasar ni Billy sa kanya.
“Grabe daga lang ang peg ko ah, musta na kayo?”
“Eto miss ka na namin wala na yun tanggera namin eh.” Si Teddy.
“Grabe kayo sa akin ah. Ayan tayo eh sige ilabas mo na Billy ang iinumin natin ng mapaikot na.” miss na miss na niya talaga ang mga kaibigan, naglabas na si Billy ng alak at pulutan medyo kaunti lang ang mga customer nila kaya nakatuon si Billy sa mesa nilang magkakaibigan.
Masaya silang naginuman at nagkwentuhan, masaya siya dahil ang kaibigan na si Jugs at Teddy ay nagiging successful na ang banda ng mga ito at pati si Billy ay lumalakas na din itong bar niya. Si Vhong naman ay natupad na nito ang magtayo ng isang dance studio. Masyado na siyang outdated sa buhay-buhay ng mga ito dahil sa pagkukulong sa bahay nila ni Yael. Hindi na lang namalayan ni Karylle na gumagaan na ang pakiramdam niya, ang kaninang sobrang lungkot na pakiramdam ay grabe kung makahagalpak ng tawa ngayon dahil sa mga kwento ni Ryan.
“Tinatawagan ko si Yael ayaw sumagot, niyaya ko dito eh.” Si Vhong.
“Hayaan mo na siya, baka malunod pa yun pag sumugod sa baha alam mo naman ang pandak non.” Singit ni Jugs. Nagtawanan ang lahat pwera kay Karylle na sinamaan ng tingin si Jugs.
“Hahaha nagsalita ang matangkad.” Si Billy.
“Hahaha lumulutang naman ako noh.” Banat ulit ni Jugs.
“Hahaha tama. Salbabida ka nga pala” tuwang-tuwa na sabi ni Karylle.
“Oh diba you're so pletty K if smile ka.” Si Ryan.
“Borero ka” tawa ng tawa pa din si Karylle, masaya siya kausap si Ryan dahil nagagaya siya na nawawala ang letrang L at napapalitan ng R.
Nakakadalawang bote na sila ng Jose Cuervo at hindi pa din sila tinatamaan.
“Teka nga kaya tayo andito para tanungin ang lovelife ni K diba? How was it na pala?” tanong ni Teddy.
“Haha lovelife? Haha painful life ang meron ako Hik hik” sinisinok na sagot nito.
“Nga pala nagtext sa akin si Yael tinatanong kung bakit ako napatawag, tinext back ko ask ko kung nasaan siya at niyaya ko dito.” Si Vhong.
Nagliwanag naman ang mukha ni Karylle. Pero nainis din at the same time dahil sa kanya never itong nagtext.
“Pupunta daw siya.” Vhong said.
“Teka cr lang ako baka mukha na akong lasing magalit yun.” Dali-dali namang kinuha ni Karylle ang pouch niya at nagpunta ng banyo.
“Kawawa naman si K mga brod. Kahit hindi niya sabihin sa atin ng derecho ramdam ko na nahihirapan na siya. Hindi pa daw umuuwi si Yael sa kanila 2 days na.” Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Vhong.
“Glabe siya kay Kalil.” Komento ni Ryan.
“Tsk tsk, sana kasi hindi na lang siya pumayag makasal kay Karylle kung ayaw naman niya dito.” naiinis na sabi ni Billy.
“Tama ka. Pero sino ba tayo para pakinggan niya. Mukhang gusto niya lang yatang gantihan si K dahil sa paghihiwalay nila ni Nikki feeling ko lang.” si Jugs, at sumang-ayon naman ang mga ito.
“Sana lang marealize niya din na mahal na mahal lang siya ni K at sana magising na siya sa katotohanan.” ani Teddy habang tumatagay.
“Karylle don’t deserve him at all.” may diin sa mga salita na bulong ni Vhong.
Nakabalik na si Karylle galing sa cr mukhang masaya ito pinagpatuloy nito ang pagpapaikot ng tagay.
“Hello mga brod, talagang pinasugod niyo pa ako sa ulan ah.” Bungad ni Yael. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ni Karylle ng marinig ang boses nito. Nginitian ito ni Karylle pero hindi siya nito pinansin, pinapaupo nila Vhong si Yael sa tabi ni Karylle pero mukhang umiiwas ito at sa ibang upuan pa talaga umupo.
“Pre dahil late ka ito puno sa’yo” binigay ni Billy ang baso ng alak kay Yael.
“Sige saglit lang din ako sinusundo ko lang tong si Karylle, baka maabutan kami ng baha ang lakas ng ulan sa labas.”
“Ay ang KJ naman kakarating lang eh.” Si Jugs
“No kaba hayaan mo na malamig ngayon masarap may kayakap diba pre” pang-aasar ni Billy.
“Oo naman.” Nakangising sabi ni Yael.
Lumipas ang isang oras at nagyaya na din si Yael umuwi.
“Guys uwi na kami thanks sa inyo, sa uulitin.” Paalam ni Karylle.
Pagdating sa bahay nila ay diretso lang si Yael na pumasok at hinayaan na si Karylle na magsara ng gate.
“Akala ko pag di ako umuwi dito hindi na kita madadatnan pagbalik ko. Pero mali ako napakamanhid mo.” Nagulat si Karylle sa sinabi nito na kasalukuyang nakatalikod sa kanya at nasa hagdan.
“Ano yun Yael?” naguguluhan na tanong nito.
“Diba sabi ko sayo ayaw na kita makita? Gusto ko maghiwalay na tayo. Hindi ako masaya, hindi ako natutuwa tuwing nakikita kita madami akong iba’t ibang nararamdaman na hindi maganda.” Humarap ito at tinitigan si Karylle na kasalukuyang hindi na makagalaw sa kinatatayuan nito.
“Pero Yael mahal kita, mahal na mahal. Kahit saktan mo ako ng paulit-ulit tatanggapin ko kasi ganoon kita kamahal. Pero hayaan mo lang ako na maging ganito, okay lang sa akin na masaktan wag mo lang ako ipagtabuyan” nakakuha ng lakas si Karylle at naglakad papalapit kay Yael.
“Pero hindi ko na kaya makita ka, dahil sa araw-araw na nakikita kita. Naiisip ko ang panghihinayang dahil nawala si Nikki sa akin. Siya lang ang tanging babaeng minahal ko at hindi mo mapapantayan yun.” May poot sa boses ni Yael habang sinasabi ito , she knew it. It’s still Nikki whom he really love.
“Kaya please, Karylle. Let me go, this will never ever work. Hindi naman ako manhid para hindi ko makita how hurt you are, we’ve been friends for a long time. I still treasure it, but I really cannot accept the love you’re giving me” walang ka emo-emosyong na sabi niya.
Nawala ang tama ng alak sa buong sistema ni Karylle at hindi na niya nararamdaman ang sunod-sunod na luha na dumadaloy sa mga pisngi niya. It’s the first time he heard Yael beg for her to stop. Is it really the right time to let go of him? Maybe he’s right it will NEVER EVER WORK…