Chapter 4

2824 Words
Alas dos na ng umaga pero gising pa din si Karylle, kanina pa siya nagiisip ng gagawin niya. Gulong-g**o na siya sa sitwasyon nila Yael tumila na din ang ulan, kanina pa siya iyak ng iyak na para bang sinasabayan siya nito sa dalamhati at sa sakit ng nararamdaman ng puso niya. Hawak niya ngayon ang photo album na kasama ang pamilya niya, namimiss na niya ang magulang at mga kapatid. Siguro kung andito sila meron siyang karamay at masasandalan at hindi ganito na hirap na hirap na siya. Naalala niya ang mga masasayang sandali na kasama niya ang mga ito. Napapangiti naman siya ng makita niya sa picture ang dating yaya niya, si Yaya Milagros. Simula bata pa siya ay ito na ang nag-alaga sa kanya, pero kailangan niyang mawalay dito simula ng mamatay ang mga magulang at malugi na din ang business nila. Pinilit niyang isalba ito pero sa depression niya sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay ay tuluyan ng nawala ang flower shop business nila. Halos dalawang taon na din ang nakakalipas simula ng maging ulila siya at huling nakita ang Yaya niya. Bigla niyang naalala na may binigay nga pala si Yaya niya na address nito sa probinsya, nawala kasi ang cellphone niya dati kung nasaan ang contact number nito at simula noon nawalan na din siya ng komunikasyon dito. Hinalungkat niya ang mga gamit at hinanap ang address nito. Pilit niya inaalala kung saan niya ito tinago, sigurado siya na nadala niya ito simula ng maghakot siya ng mga gamit niya sa dating bahay, binenta na din kasi ang bahay nila dahil pinambayad sa mga natirang utang na naiwan ng mga magulang. Sa halos trenta minutos na paghahanap ay sa wakas nahanap niya din ang mumuting papel na binigay ng yaya niya. Naisip niya na siguro kailangan niya muna lumayo kay Yael at ito na ang tamang pagkakataon para magawa niya ito, napagdesisyunan niya na aalis na siya at magiisip kung saan malayo sa lahat. Kaya agad niyang hinanap ang atm niya kung saan meron pang natitirang pera siya na talagang tinatago-tago niya at hindi niya ginagastos. Nagimpake na siya ng mga damit at mahalagang dokumento na dadalhin niya, masakit at labag man sa loob niya ang gagawin ay kailangan niya itong gawin para rin naman ito sa sarili niya. Panahon na para naman tulungan niya ang sariling mabuo ulit ang pagkatao niya. Dahil simula ng maging asawa niya si Yael, paunti-unti siyang nawawasak imbes na maging buo siya ay kabaligtaran ang nangyari sa kanya. Dala na niya ang isang malaking maleta, backpack at isang shoulder bag. Hinanap niya si Mumay na kasalukuyang natutulog. Ginising niya ito at nilagyan ng diaper at sinuotan ng darna na costume nito. "Mumay, let’s go kailangan muna natin magpakalayo at iwanan ang tatay mo. Kailangan ko muna magisip-isip. Sobra na kasing nasasaktan si Nanay mo." Bulong niya kay Mumay habang pupungay-pungay pa ito ng mata antok pa ata. Nang matapos niya itong bihisan ay dinilian siya ni Mumay sa pisngi na para talagang naiintindihan siya na parang ibig sabihin nito na andito lang siya para damayan siya, kailangan niya isama si Mumay dahil malamang hindi naman ito maalagaan ni Yael. Ayaw niya sa aso, pinilit niya lang ito dahil bigay nga ito ni Vhong noong kasal niya. Inilibot niya muna ang paningin niya sa buong bahay. Huling sulyap bago siya tuluyang umalis. "Mamimiss ko ang paglilinis dito ang laki-laki kasi ng bahay na to'. Mamimiss ko si Yael for sure, sana maging okay na siya sa pagkawala ko. Gusto ko na siyang maging masaya at alam ko magiging masaya lang siya pag wala na ako dito." Binuhat na niya si Mumay at hindi mapigilan na mapaiyak habang palabas ng pinto. Dahan-dahan niyang sinara ang gate at nagpasalamat na buti na lang at wala ng ulan. Naglakad siya hanggang sa guard house dahil walang pumapasok na taxi, binati naman siya ng guard at mukhang nagtataka bakit ang dami niyang dala, nginitian niya lang ito at humingi ng tulong para makakuha ng taxi, may tinawagan ito sa telepono at ilang minuto lang ang hinintay niya ay may dumating na taxi na. “Kuya saan po ba ang terminal ng bus papunta dito?” agad niyang binigay ang papel sa driver, binuksan naman nito ang ilaw para makita ang nakasulat. “Ah sa cubao ito, sige alam ko kung saan kita ihahatid. Don’t worry.” Sagot ng driver. “Maraming salamat kuya.” Saglit lang din ang binyahe niya since maaga pa at kakatapos lang ng ulan kaya kaunti lang ang sasakyan sa edsa. Tinulungan siya ni Manong driver na ibaba ang malaking maleta niya at sinamahan siya hanggang sa waiting area ng terminal. Mabuti na lang at sobrang bait ng driver na nasakyan niya kaya binigyan niya ito ng tip. “Ate dito po ako pupunta isang ticket po? Saka okay lang po ba na may kasama akong aso?” tanong ni Karylle sa cashier. “Oo dito nga ang terminal niyan, tungkol sa aso kausapin mo yung konduktor ng bus. At saka 5am ang next na biyahe. “ sagot ng cashier, tinatahulan naman siya ni Mumay na parang sinasabi na pasakayin siya or else kakagatin siya. Binayaran na niya ang ticket niya at naghanap muna din ng atm na malapit dahil wala na siyang cash, pinakausap naman niya sa matanda na katabi ang maleta niya. Pagkawithdraw ay hinanap niya kaagad ang konduktor na kakausapin niya about Mumay. “Kuya sige na please, baka pwede na bayaran ko na lang siya para walang maabala na pasahero?” pakiusap niya sabay abot ng isang box ng donut sa kausap. “Sige na nga basta nakadiaper yan buong byahe at papalitan mo ng diaper kada stopover natin ah para hindi mangamoy.” Halos mapatalon naman sa tuwa si Karylle ng pumayag ito, bumalik siya sa cashier at bumili pa ng isa pang ticket para kay Mumay. “Ang cute cute talaga ng aso mo, naka Darna costume pa siya. Hehe.” Hindi na napigilan ng kahera na puriin si Mumay. “Hehe oo pupuntahan namin si Ding kasi ate para kumuha ulit ng bato.” Pagbibiro ni Karylle at bumenta naman ito kasi tawa ng tawa na ang cashier habang tuwang tuwa na titinitignan si Mumay. Pagbalik niya sa waiting area naupo na siya at tinignan niya ang orasan. Alas kwatro pa lang pasado isang oras pa bago ang byahe niya, sabi ng katabi niyang matanda na doon din ang destinasyon niya at baka abutin daw sila ng mga walo hanggang sampung oras na biyahe depende pa sa trapik sa daan. “Ah hindi ka pala taga doon, first time mo bang pumunta don?” tanong ng matanda sa kanya. “Opo, dadalawin ko po kasi ang dating Yaya ko.” Ang dami nilang pinagkwentuhan, pati pala ang matandang babae ay nagtatrabaho dito sa Maynila bilang kasambahay din at uuwi sa pamilya nito para magbakasyon. Tinawag na ang mga pasahero ng mga pa-Ilocos, inalalayan naman ni Karylle ang matanda na maka-akyat, medyo naawa kasi siya dito dahil nasa mga 50’s na siguro ito pero nagtatrabaho pa din. Sa unahan sila pinaupo ni Mumay sa likod ng driver para hindi na makaabala sa iba if ever may gawing milagro si Mumay. Hindi na muna pinakain ni Karylle ito para hindi pumupo mamaya na lang pagbaba nila ng bus. Dahil wala pang tulog si Karylle simula ng magising siya kahapon ng 8am pag-andar pa lang ng bus ay nakatulog na siya pati si Mumay ay tulog na tulog lang sa kandungan niya. Hindi na niya namalayan ang buong biyahe nila. “Miss, stop over tayo for 30 minutes” Tapik sa kanya ng konduktor. Agad naman nagising si Karylle na pupungay-pungay pa ang mga mata. “Ay sige po, salamat kuya.” Bumaba sila ni Mumay para mag-cr. Lahat na naman ng nakakakita kay Mumay ay napapangiti at tinuturo ito. Bukod sa sobrang cute nito eh lalo pa siyang naging cute tignan dahil nga sa darna na costume nito. Kahol naman ito ng kahol na parang sinasabi na “Hi fans” Agad niyang pinalitan si Mumay ng diaper at hinabilin saglit dahil naiihi siya. Behave naman si Mumay na kasalukuyang nasa harap ng salamin, nilapag kasi siya ni Karylle doon sa mahabang lababo. “Salamat ate, Mumay say thank you kay ate din” utos niya kay Mumay, kumahol naman ito ng dalawang beses. “Hihi ang cute niya talaga at ang bibo.” Komento nito. Naghanap naman ng mabibiling pagkain si Karylle dahil magtatanghalian na pala pero wala pa siyang kinakain, puro tubig lang. Bumili siya ng limang barbeque at isang kanin, ibinigay niya ang dalawa kay Mumay. “Diet ka muna ah baka kasi mag-milagro ka bigla pababain tayo ng konduktor, mamaya na lang pagdating natin kina Yaya ka lumafang.” Sabi nito kay Mumay, tinignan lang siya nito saglit at bumalik sa pagkain ng barbeque. Napatigil naman siya sa pagkain ng may makitang couple sa harap niya na nagsusubuan ng mga pagkain nito. "Ano kaya ang reaksyon ni Yael pag nalaman niyang wala na ako? Siguro magpapa-party yun mamaya." Sabi niya sa isip niya, napabuntong hininga na lang siya after that. Hanggang sa nawalan na lang siya ng ganang kumain at hindi na naubos ang kinakain, binigay na lang niya kay Mumay ang natirang barbeque at pinainom ito ng tubig. Bumili muna siya ng tortillas na black at c2 para may makutkot mamaya habang nasa biyahe pa. Bumalik na siya sa bus kahit wala pang 30 minutes, tinignan niya ang cellphone niya at wala man lang kahit isang text or missed call galing kay Yael. Siguro nga talagang wala siyang halaga dito. Naka-isa pa silang stopover at pasado alas-singko na ng hapon sila nakarating sa terminal ng bus sa Ilocos. Nakita niya ulit yung matanda na kausap niya kanina. “Ineng medyo malayo pa yang byahe mo papunta diyan kung ako sayo bukas ka na ulit bumyahe meron dito na mga pwede mong tuluyan magcheck-in ka muna baka mapaano ka pa sa daan saka may mga oras lang ang byahe papunta diyan.” Suhestiyon ng matanda sa kanya. “Talaga po sige po magtatanong na lang po ako kung saan ako pwede magpalipas ng gabi.” Nagpaalam na ang matanda dahil may sundo ito, gusto man siya nito isama pero out of way dahil sa kabilang ibayo ang destinasyon nito. Mapapalayo lang siya pag isasama pa siya ng mga ito. Nagtanong-tanong siya sa mga tao doon sa terminal kung saan may malapit na pwedeng matuluyan. Isang lalaki naman ang lumapit sa kanya. “Ako miss may alam ako na pwede mong tuluyan malapit dito.” “Sige kuya pakisamahan naman ako.” Buong tiwala siyang sumunod dito at sumakay sa tricycle nito. Umandar na ang tricycle nito medyo kinakabahan siya kasi panay ang tingin sa kanya ng lalaki. Ilang segundo ay nakatingin ito sa daan tapos mas matagal pa ang oras na nakatingin ito sa kanya. “Kuya malayo pa ba?” tinanong niya ito kasi parang wala naman mga establishemento sa mga dinadaanan nila, pero hindi ito sumagot. Kinutuban naman siya na mukhang may balak itong masama. At tama nga ang kutob niya kasi biglang huminto ito sa isang lugar na wala man lang kabahay-bahay. “Kuya bakit po.?” kinakabahang tanong niya, bumaba ito at nagulat siya ng may hawak ito na patalim at itinutok sa kanya. “Baba! Iwanan mo lahat ng gamit mo.” sigaw nito sa kanya, ang lakas ng t***k ng puso niya at sobrang kaba. “Kuya wag naman po, parang awa mo na.” pagmamaka-awa niya. Humigpit ang hawak niya sa shoulder bag kung nasaan ang mga mahahalagang documents niya para makapagsimula at magtrabaho sana dito at ang natitirang pera niya. “Itatarak ko to sa leeg mo pag hindi mo ako sinunod” sigaw nito ulit sa kanya. Naiyak na siya sa sobrang kaba, wala siyang nagawa kundi ang bumaba sa tricyle pero hindi niya iniwanan si Mumay at niyakap niya ito ng napakahigpit. “Yung aso isama mo.” Singhal nito sa harap ng mukha niya. “Kuya wag naman, ito na lang ang natitira sa akin. Sayo na ang mga damit ko wag lang tong aso ko at shoulder bag ko” Humihikbing sabi niya at punong puno pa din ng kabog ang dibdib niya. Naghilahan sila sa shoulder bag pero natakot na siya ng tinutok na sa kanya ng sobrang lapit ang balisong na hawak nito. “Kuya naman eh wala akong kilala dito, wag naman po.” Pagmamakaawa niya habang umiiyak pero hindi ito pinakinggan ng lalaki at kinuha pa din ang shoulder bag niya. Mukhang naawa naman ito sa kanya ng bahagya dahil hindi na kinuha si Mumay, bumalik na ito sa tricycle nito at pinaandar na. “Tulong-tulungan niyo po ako.” paulit-ulit na sigaw niya. Pilit niyang hinahabol ang tricycle pero mabilis itong nakaalis. Hingal na hingal na napaupo siya sa gitna ng daan habang iyak ng iyak. Wala ni isang tao ang andon para man lang tulungan siya. Dumidilim na at hindi na niya alam ang gagawin wala na siyang pera kahit isang kusing dahil lahat ay nasa wallet niya sa shoulder bag niya. Pati atm ay andon, ang kanyang diploma at mga mahahalagang i.d ay andon din. Nagulat naman siya ng may bumusina sa likod niya. Pinilit niyang tumayo at nasilaw sa ilaw ng kotse, umiiyak pa din siya na kinukurap-kurap ang mata. Nakatayo pa din siya doon at hindi umalis sa gitna ng daan. Bumusina ulit ang driver ng sasakyan. “What’s happening Nanding?” tanong ng matandang babae na sakay ng sasakyan. “Mam meron pong babae na nakaupo sa gitna ng daan” sagot nito. Sinipat naman ng matanda kung ano ang nasa labas, nagulat siya ng makita ang isang dalaga na may hawak na aso at mukhang umiiyak. Naawa ito at aktong lalabas na ng kotse. “Mam wag po kayo bababa, baka modus lang po yan delikado.” Suway ng driver nito. “Mukhang harmless naman siya. Let’s check samahan mo ako. Kawawa naman” Bumaba si Nanding at pinagbuksan ang amo niya ng pinto ng kotse. Lumapit ito kay Karylle. “Huhuhu, tulungan niyo po kami. Naholdap po ako, kinuha lahat ng gamit ko.” Agad na sabi ni Karylle ng lumapit ang matandang babae. “Hala, taga saan ka ba iha?” tanong nito, kahol ng kahol naman si Mumay. “Taga Maynila po. May hinahanap po kasi ako na taga rito.” Hindi na makahinga si Karylle sa kakaiyak gulong-g**o na ang utak niya at hindi na alam paano na siya at saan siya pupunta. Bigla naman naramdaman nila ang bumabagsak na ulan. “Halika na iha, sumakay ka na.” yaya nito, naaawa talaga ang matanda dito mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Hindi naman na nagatubili pa si Karylle at sumama dito. Pinatabi siya nito sa likod sa tabi ng matanda. “Ano ang pangalan mo iha?” “Ana Karylle Tatlonghari po.” Umiiyak pa din siya. “Saan ka ba dapat pupunta? Alam mo ba ang address ng pupuntahan mo?” tanong ulit nito. “Sa dati ko pong Yaya, meron po ako address niya pero nasa bag ko po yun na nakuha ng magnanakaw hindi ko po kabisado.” Naiyak na naman siya ng todo. Wala na siyang pera nawala pa yung papel ng address ng yaya niya. Ang g**o-g**o ng utak niya hindi niya talaga alam ano na mangyayari. “Naku mahirap nga yan.” Reaksyon nito, nagisip-isip ito ng pwede niyang maitulong sa katabi, bigla naman tumunog ang cellphone nito. My baby calling…. “Hello anak how are you? Napatawag ka.?” “Ma, I just want you to know that I already fired Lucy, napakabobo niya.” “Anak watch your words. Let’s talk tomorrow na lang. Ikaw talaga pang-ilan na yan si Lucy na sinibak mo, kakaumpisa pa lang ng taon nakaka-apat na sekretarya ka na.” “You know me Ma, I don’t like to deal with stupid person. Nakakabobo yung mga ganong tao.” Halata naman ang iritadong boses ng anak ng ginang sa kabilang linya kaya sinabihan na lang niya ito na bukas na lang sila magkita. Hahanapan na naman niya ito ng bagong sekretarya. Napakaperfectionist kasi ng anak pagdating sa pamamahala ng business nila. Nilingon niya si Karylle na kasalukuyang nagpapahid ng luha at hinihimas ang alagang aso nito at kinakausap. "Mumay ang malas-malas natin ngayong araw, gutom ka na ba? Pasensya na andon kasi ang food mo sa bag na nawala." “Iha, sa bahay ka muna tumuloy at magpalipas ng gabi.” Alok nito, sobrang naawa talaga siya dito at kinuwento kasi nito na ulilang lubos na siya at balak na magbagong buhay dito sa probinsya nila kasama ng dating yaya nito. Pero kamalas-malasan ay nanakawan pa ito at wala na siyang impormasyon pa kung nasaan ito. Tinangay na lahat ng magnanakaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD