Chapter 5

2796 Words
Hindi na namalayan ni Karylle na nakarating na pala sila sa bahay ng matandang babaeng tumulong sa kanya. Dahil nakatulala lang siya sa buong byahe dahil sa kakaisip kung ano na magiging buhay niya ngayon, pakiramdam niya kasi ay pinagsakluban na siya ng langit at lupa dahil sa sobrang kamalasan. Malas na nga sa pag-ibig minalas pa kanina. “Halika na iha andito na tayo sa bahay.” Kinalabit siya nito at napabalikwas pa siya sa gulat ng magsalita ito. “Ay sensya na po lutang.” Nakatawang sabi niya, inabutan naman siya ng payong ng driver nito kasi medyo umuulan pa din. Pagbaba niya sa kotse ay agad niyang inilibot ang mata sa paligid, malaki ang bahay nito at maluwag ang labas din. Sinalubong naman sila kaagad ng dalawang katulong na nakauniporme. “Good evening senyora.” Magalang na bati ng dalawa. “Good evening din Maria at Mary.” Kinuha naman ng mga ito ang ilang bitbit ng matanda. Nakatingin naman ang dalawa kay Karylle at sa hawak nitong aso. Agad na nagsmile sa kanila si Karylle. “Maria eto si Karylle, pakiayos ang guest room at pahiramin niyo na din siya ng damit. Maghain na din kayo ng hapunan.” Utos nito sa isa sa mga katulong, agad na tumugon ito at umalis na din ang isa palayo. “Mam napakabait niyo po talaga, pasensya na po sa abala hindi ko lang po talaga alam saan pa ako pupunta.” Hinawakan ni Karylle ang isang kamay nito at nagsisimula na naman siyang maiyak. “Wala yun Karylle, ewan ko ba magaan ang loob ko sayo kaagad at alam kong mabuti kang bata. Don’t you worry I will help you. Sa ngayon I will ask Nanding to get a place for your dog coz we don’t have pets here but since she’s so cute maybe if okay na sa kulungan muna siya.” Nakangiti ito at ramdam naman ni Karylle ang malaking pag-asa na makakaahon din siya sa kamalasan na naranasan. “Salamat po talaga tatanawin ko tong napakalaking utang na loob Mam.” Aniya, nagulat naman siya ng punasan nito ang mga luha na tumutulo sa mga pisngi niya pati na din ang sipon niya. Imbes na mabawasan ang mga luha niya ay lalo pa itong dumami at talaga naman napahikbi na siya ng todo. “Stop crying na pati ako naiiyak na.” mahinang sambit nito while caressing Karylle’s hair. “Naalala ko lang po kasi ang Mommy ko, miss na miss ko na po siya. She’s the only one who always comfort me everytime I feel down and lonely. Siguro po hindi ko mararanasan ang mga ito if she’s still here. Pasensya na po Mam, ang drama po kasi ng buhay ko.” Ramdam naman ng ginang na totoo ang mga sinasabi nito, halata sa expression ng mukha at mata ni Karylle na malaki ang problema nito. “Don’t call me Mam masyadong formal, just call me Nanay Rosario from now on. I can be your second mom if you want? Tutal wala naman akong anak ng babae.” Hindi naman makapaniwala si Karylle sa narinig. Kinurot niya ang sarili para makasiguro that she's not dreaming. “Talaga po, grabe naman po na blessing na ang binigay sa akin. Worth it naman po pala na manakawan ako at nakilala po kita. Salamat talaga Nanay Rosario” Hindi napigilan ni Karylle na yakapin ito ng mahigpit. “Everything will be fine iha. Stop crying na okay.” Bulong nito sa kanya habang hinihimas ang likod niya. Ang gaan talaga ng pakiramdam ni Rosario dito lalo na ng marinig niya na tawagin siya nitong Nanay. Ito ang pinapangarap niya dati pa, ang magkaroon ng anak na babae. Ang tawagin siyang Nanay, this is what she’s longing for a very long time. Matapos ang ilang minuto na yakapan nila ay dumating na si Nanding para kuhain si Mumay. “Mumay behave ka muna doon ah, pupuntahan kita doon mamaya. Wag mong pahihirapan si Mang Nanding” Pagpapa-alam niya sa alagang aso kumahol naman ito ng isang beses na parang sinasabi na okay, sinamahan siya ng Nanay Rosario niya sa guest room at pinagpalit muna ng damit bago sila kumain ng hapunan. Nasa hapag-kainan na sila, napakahaba ng dining table nila parang pwede kahit dose na katao pero dalawa lang naman silang kakain. “Nay, asan po ang anak mo?” tanong ni Karylle, habang sumasandok ng kanin, nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Nanay Rosario. “He’s in Pagudpud right now, he stay there to take care of his own business.” Sabi nito, hindi naman ikakaila na mukhang mayaman talaga ang mga ito ang laki kasi ng bahay nito at magagarbo ang mga gamit. “Wow, never been to Pagudpud but I heard a lot of good things about that place magagandang mga resort. Diba po?” “That’s true, actually he own one of the resort there. Dadalhin kita doon bukas at tutal mawawala ang receptionist niya by next week manganganak na kasi so it’s much better kung ikaw na lang ang pumalit. Okay ba yun sayo?” hindi naman naipagpatuloy ni Karylle ang pang-nguya at agad na sumagot kahit parang bulol na siya magsalita. “O-opo naman, s-obrang saya ko po Nay. Kaya lang po wala po ako kahit ano dito like diploma, nbi, id I don’t have anything kahit naman po papaano I want to pass all those requirements. Nakakahiya naman po kasi sa anak niyo po if wala man lang ako kahit isang maiprovide na proof of identification.” Mahabang explanasyon nito, sabay inom ng straight sa juice na parang uhaw na uhaw. “Don’t worry you can fix your documents in the morning and you can probably work around afternoon to early evening while your completing the documents you need.” Rosario said with an assurance, siguro ito na yung sinasabi nila na good karma. Kahit man malas siya sa ibang bagay ay may tao din siyang natagpuan para muli siyang makabangon. “Nay you don’t know how much you made me happy right now, masyado na pong madami naitulong sa akin at ni Mumay. I promise na hindi ko sisirain ang tiwala na ibinigay niyo po sa akin.” Napatayo siya at niyakap mula sa likod si Nanay Rosario niya, hinawakan naman nito ang braso ni Karylle at hinimas-himas. “No problem my new baby” tumingin ang ginang sa direksyon ni Karylle at nginitian ito. Tumagal ang pagkain nila dahil sa dami nilang kwentuhan, sumaya ang hapag-kainan ng ginang. Ngayon na lang niya ulit naramdaman ang ganitong kasiyahan dahil ang nagiisang anak ay minsan na lang din niya makasama sa pagkain medyo bihira na lang din sila nagkikita pareho kasi silang busy. Masaya siya na nakikitang nakangiti si Karylle, she wants to take care of her like a little baby. Sa unang kita pa lang niya dito, she knew that she needs to help her. Madaming sinasabi ang mga mata nito, mga lungkot at pighati. Pinuntahan muna ni Karylle si Mumay pagkatapos niyang kumain sa may likod ito ng bahay nilagay sa may labahan sinamahan siya ni Mary, nagpaalam naman na si Nanay Rosario niya na mag hot bath lang. "Mumay! Sorry natagalan si Mommy sa food mo. Okay ka lang ba diyan? Hindi ka ba nilalamig? Ito may dala ako sayo na magiging kumot mo. Kumain ka madami ah alam kong madami ka ng gutom." Pinalabas niya ito at binigyan ng makakain at tubig. Mukhang nagpapakarga ito dahil hindi pinansin nito ang pagkain mukhang naninibago kasi first time niyang makulong dahil sa bahay ni Yael ay free lang siyang gumalaw. Binuhat niya ito at hinimas ang ulo ng paulit-ulit. "Ay takot ang baby Mumay ko, sensya na ah wala na kasi tayo sa bahay ng tatay mo kaya hindi ka na pwede pagala-gala. Hayaan mo pag nakakuha ako ng mauupahan natin back to normal ka na but for now tiis muna ah. Kain ka na please." Ibinaba na niya si Mumay at talaga naman parang naiintindihan siya nito at sinunod na lang siya nito na kumain na ito halos maubos na niya ang nilagay niyang pagkain. Pinapasok na ni Karylle ulit ito sa kulungan after that. Pagdating niya sa guest room ay nakita niya ang napakadaming iba’t ibang damit na nakalagay sa kama. Inayos niya ito at naghanap ng pwedeng suotin ngayong gabi. Habang busy sa pagsasalansan ng damit ay may kumatok. Agad naman niya itong pinagbuksan. “Hi iha, chineck lang kita kung okay ka lang.” bungad nito. “Opo nay, salamat po dito sa mga damit.” Sabi niya sabay turo sa mga ito. “Walang anuman, bukas aalis tayo mga around 8am dadalhin kita sa resort then tutulungan ka ni Nanding to get some of your important documents you need sa bayan.” Anito. “Sige po aayusin ko lang po ito at matutulog na po ako.”masayang sambit niya. Nagpaalam na din ang ginang. Bago pa ito lumabas ay niyakap niya ulit ito ng napakahigpit. “Makakabawi din po ako sa inyo balang araw nay. Hindi po ako magsasawa na magpasalamat sa lahat ng tulong niyo.” Magiliw na sambit niya. “No problem iha basta promise me wag ka na malulungkot okay.” Humiwalay na si Karylle sa pagkakayakap dito at hinalikan ang ginang sa pisngi. “Goodnight nay sweetdreams, pagpasensyahan niyo na po ako kung magiging ganito ako sa inyo. Miss ko lang po talaga gawin ito, nararamdaman ko po kasi na parang meron na ako ulit na totoong Nanay. Salamat po.” Hinawakan naman ni Rosario ang magkabilang pisngi ni Karylle. “Masaya ako at nakilala kita. You really made me happy even in a very short span of time.” Hinalikan din ng ginang si Karylle sa pisngi at lumabas na ng kwarto nito Nakahinga ng maluwag si Karylle, bumalik sa mga damit na aayusin niya at inilagay sa aparador. Tinanggal ang salamin sa mata at pumasok na sa banyo. Napapakanta pa siya habang naliligo. There’s really a rainbow after the rain, nasabi na lang niya sa sarili niya. Pagkatapos maligo ng katawan ay nahiga na siya at nakaramdam ng pagod at agad na nakatulog. *** Alas-sais pa lang ay gising na siya, nagtoothbrush muna at naghilamos ng mukha. Isinuot ang salamin at bumaba. “Good morning Mary and Maria.” Bati niya sa dalawa ng makita ito sa kusina na mukhang nagluluto ng agahan. “Hi Mam Karylle.” Sabay na tugon ng mga ito. “Tulungan ko na kayo magluto, ako na diyan.” Sabi niya, tumanggi ang mga ito na pagalawin siya sa kusina pero nagpumilit siya. Nagsimula na siyang magluto, naghiwa siya ng carrots at bawang at hinanda ang green peas din. Gumawa siya ng fried rice at nagluto ng dangit, egg, bacon at tapa. Ito daw kasi ang paborito ng Nanay Rosario niya. Pagkatapos magluto ay bumalik siya sa kwarto at naligo binilisan niya na lang baka kasi magising na si Nanay niya para sabay na sila mag-agahan. Saktong paglabas niya sa kwarto ay siya naman paglabas ni Nanay Rosario niya sa kwarto nito na nakabihis na pang-alis. “Good morning Nay.” Lumapit siya dito at niyakap ito saglit at hinalikan sa pisngi. “Good morning anak.” Nakangiting sambit nito. “Nay nagluto po ako agahan halika na po.” Inalalayan ni Karylle ito pababa ng hagdan, pati sa pagupo nito ay inalalayan niya ito. Nilagyan niya ng pagkain ang plato nito at pati na ang tasa nito ng kape. “Ikaw lahat nagluto nito?” manghang tanong nito sa kanya. “Opo marunong naman po ako magluto kahit papaano hehe.” Nagpatuloy sila sa pagkain at hinabilin naman ni Karylle kina Mary si Mumay bago sila umalis. Papunta na sila ngayon sa resort ng anak ni Nanay Rosario magkatabi sila sa likod ng kotse, namangha naman si Karylle ng madaanan nila ang isang bridge at sa gilid nito ay ang dagat. “We call it Patapat bridge anak.” Sabi nito ng mapansin na nakatingin ito sa labas. “Ang ganda po nay, excited na ako makarating sa beach. Mahilig po talaga ako sa dagat pero hangang sa malapit lang ako nakakapunta.” Nanghinayang naman siya biglang naalala niya wala na siyang cellphone gusto niya pa naman sana kuhaan ito, ang ganda kasi talaga ng paligid kalmado pa ang alon ng tubig. Tumagal din ng halos isang oras ang biyahe nila. Pagdating sa resort ay talaga naman na literal na napanga-nga siya dahil sa sobrang ganda, kahit medyo malayo pa sila sa dalampasigan ay kita na niya ang bughaw na tubig at maputing buhangin at marami ring mga puno sa paligid. Inilibot niya ang paningin at nakita ang iba’t ibang cottage, private rooms at mga nipa huts. Madami ding mga coconut trees. Paulit-ulit siyang nag inhale at exhale dinadama ang sariwang hangin. “Let’s go iha.” Yaya ni Nanay Rosario, sumunod naman siya kaagad sa may reception area ng resort. “Good morning Mam” bati ng lahat ng nakakasalubong nila mapa-guard at staff. Isa-isang pinakilala si Karylle sa mga staff pati na din kay Melai ang buntis na receptionist. “Hi girl.” Bati nito sa kanya. “Hi din buntis. Ang laki-laki na ng tiyan mo.” Nagpaalam naman si Karylle kung pwede ito hawakan. “Oo nga eh puputok na to by next week ang bigat-bigat hindi ko na keri.” Masaya kausap si Melai mukhang magkakasundo sila. “Where is he?” tanong ni Nanay Rosario kay Melai. “Ay mam maagang umalis may kakausapin na bagong dealer ng karne, yung last kasi na dealer nasira sa kanya meron kasing naglasa nagkaron po ng medyo komosyon din dito kahapon dahil doon. May nagreklamo po kasing customer.” Sagot at paliwanag ni Melai, napailing na lang ang ginang ito siguro ang dahilan baka din napatalsik ang sekretarya niya dahil isa ito sa mga gawain ng sekretarya niya ang mag-inpeksyon ng mga pumapasok na mga pagkain sa resort at siguraduhin na trusted dealer ang mga ito na hindi sila mapapahiya sa mga guest. “Nak, bukas ka na lang maglibot ah magpasama ka na kay Nanding sa bayan para maayos mo na din yung sa atm mo sayang din yun.” Baling sa kanya ng Nanay Rosario niya naikwento niya kasi dito ang lahat ng laman ng bag niya, nagpaalam naman siya sa lahat ng staff at lumabas na. Paglabas ay nakatingin pa din siya sa dalampasigan, medyo madami na ang tao sa paligid na nagsisimula na magsipuntahan sa tubig, parang gusto niya tuloy magswimming. Napapangiti na lang siya dahil ang gaan ng pakiramdam niya ang sarap pa ng simoy ng hangin at sobrang sariwa ng hangin na nalalanghap niya ngayon, nakakagaan ng pakiramdam. “Betcha by golly gosh. Another stupid human being.” Sigaw nito, nalaglag ang cellphone nito at agad na dinampot. Dahil sa hindi pagtingin sa daan at nakatuon ang mata sa dagat ay may nabangga si Karylle samantalang itong nakabangga niya ay ganoon din may katext kasi ito. Kaya ang nangyari ay ang lakas ng impact ng bungguan nila tumalsik ang salamin ni Karylle medyo na-out of balance pa siya at napaupo sa buhanginan. “Sorry po.” Paumanhin niya, tumayo siya at tinignan niya ang kaharap pero medyo malabo. Singkit na ang mga mata niya para luminaw ng kaunti ang paningin para mahanap ang salamin na tumalsik. “Ang tanga-tanga ah hindi kasi natingin sa dinadaanan eh. Hay akala ko kami lang mga bakla ang dumadami pati rin pala mga engot nag mu-multiply na.” Kuda nito, hindi man lang nito tulungan ang babae na maghanap ng salamin nito. “Nag sorry na diba? Ikaw din naman ah kung nakatingin ka sa akin sana nakita mo ako na hindi ako nakatingin sayo sana umiwas ka. Engot ka din pala eh” naiinis na sagot ni Karylle, naiinis na siya lalo kasi hindi niya makita ang salamin niya. “Aba antipatika, sumasagot pa.” bumuga ng malalim na hininga ito hindi niya na tinuloy pa ang sasabihin dahil nakalimutan niya na baka isa ito sa mga guest at baka makilala pa siya na may-ari nito, another problema na naman. Umalis na lang ito at iniwan ang babae na naghahanap ng something. “Karylle anong hinahanap mo.” Siyang dating ni Mang Nanding. “Kuya help po nahulog kasi yung salamin ko sa mata may nakabunggo kasi akong bakulaw.” Inis pa rin siya sa inakto ng nakabangga kanina hindi man lang ng sorry. Alam niya lang ay malaking tao ito matangkad pero hindi niya nakita ang itsura nito dahil sadyang malabo talaga ang mga mata niya. Agad din nahanap ni Mang Narding ang salamin nito at inalalayan siya makatayo, pinunansan muna niya ito bago isuot. “Grabe yun ang bastos ako na nga nasaktan siya pa galit.” Bulong niya habang naglalakad papunta sa kotse. Pumunta na sila sa bayan para kumuha ng id at nbi clearance niya nagreport na din siya ng affidavit of loss ng atm niya. Hindi na siya pinabalik ng Nanay Rosario niya dahil halos mag alas singko na din ng matapos siya bukas na lang daw siya magstart sa work niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD