CHAPTER THIRTY DADA ARIA Matinding pagpipigil ang ginagawa ko para hindi tuluyang maiyak sa harap ng salamin habang inaayusan ng makeup artist at hairstylist. I’ve cried so much last night that I thought tuluyan nang naubos ang mga luha ko. But I was wrong, cause they’re threatening to fall again now. The thought still won’t sink in on me. I still can’t believe that I’m getting married to the man I hate the most. I dreaded every passing hour. Habang papalapit ang oras na itinakda, pakiramdam ko ay nalalapit rin ako sa death sentence ko. Being tied to him was my death sentence. Once today ends, my soul will be gone. I will still be alive but not totally living. Pero kung ito lang ang paraan para matahimik ang lahat… para wala nang ibang mapahamak… para makasama ko si Blue… then s

