Lauren’s POV
Gusto ba talaga niya na palagi kaming nag-aaway? Bakit lapit pa rin nang lapit? Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na ako. Ako na ang lumayo ngayon at pumasok sa kuwarto. Itinago ko ang nasirang camera na may lungkot sa aking mga mata. Nakita ko ang box na pinaglalagyan ng iniregalo nila sa akin, hindi ko tinanggal ang note na inilagay ni Grandma na sulat kamay niya. Hinawakan ko iyon at binasa.
“Capture every moment. Happy and even the sad moments. Always remember, we love you. You will be our little Princess Lauren forever.”
I hope I can still capture every moment even without this camera. I hope my heart captures every moment, Grandma.
Nakarinig ako ng ingay mula sa labas kaya sinilip ko sila. Akala ko ay umalis na si Ezekiel pero nakita kong nandoon pa siya sa pintuan kung saan nandoon din si Avery. Please! Can I at least relax for a day without them interfering with my life? Gaano ba kahirap magkaroon ng tahimik na buhay kahit isang araw lang?
Nakita niyang lumabas ako sa kuwarto kaya tiningnan niya ako.
“What is happening? Hindi ka welcome dito, Avery.”
“I want to talk to you, Ate Renren,” Avery said as she approached me. Pumasok pa siya kahit wala namang nagpapapasok sa kanya. Nakaharang na nga si Ezekiel sa pintuan pero hinawi pa niya para makapasok lang. Walang modo. Ganiyan ba ang itinuro sa kanya? Hindi manlang nagawang batiin ang mga kasama namin sa kuwarto. Pamilya ko ang kasama namin sa kuwarto na ito. Sana iyon manlang ay kaya nilang i-respeto. Geez! Naka-ha-high blood, ah! Gustong-gusto nila na sinisira ang araw namin. Respeto na rin sana ang ilang araw na bakasyon kasama ang pamilya ko, hindi ba? Sulpot nang sulpot ang mga taong ayaw kong makita at maka-usap.
Nakahihiya na nga sa kanila na parang ako na naman ang nagdadala ng gulo sa pamilya namin . . . na kung tutuusin ay hindi naman nila kadugo. Kapag nalaman ni Daddy na ganito ang iniisip ko ngayon ay magtatampo iyon.
“About what? Nakatutuwa naman na ang isang international model ay pumunta pa sa kuwarto namin para lang kausapin ako,” I said sarcastically.
“Basta, let’s talk,” sagot pa niya.
Lumapit si Ezekiel samin. “Avery, what are you doing here? Why do you want to talk to her?” Ezekiel asked. Bakit ba siya sumisingit sa usapan namin?
“Kiel, gusto ko lang siyang makausap. Huwag kang mag-alala, I’ll go easy on her since she is your ex-girlfriend.” Nakuha pa niyang ngumiti kay Ezekiel. Oh, it’s irritating. Huwag nga silang mag-usap sa harap ko.
I rolled my eyes. Hindi na napahinga ang mata ko kaiirap sa kanila, ah!
“Sige, kayong dalawa muna ang mag-usap. Mukhang kayong dalawa naman ang may kailangang pag-usapan. Go ahead.” Ako naman ang sumingit habang nagtatalo sila sa harap ko.
At hindi ko inaasahan na masunurin silang dalawa dahil sa harap ko talaga sila nag-usap! Sinabi ni Ezekiel na kausapin na lang ako kapag hindi ko kasama ang pamilya ko dahil nahihiya na rin siya na parang nag-e-eskandalo ito sa kuwarto namin. Idinagdag pa niya ang pagtatanong kung bakit kailangan naming mag-usap samantalang hindi naman kami magkakilala ni Avery. Ezekiel has no idea what he is talking about. May gana pa siyang sabihin na bigyan ako ng pahinga ni Avery samantalang parehas lang naman silang dalawa.
Dapat ba akong matuwa na dalawang international model ang nag-uusap sa harap ko at palagi ko silang nakikita? Thank you, ah?
Sumingit na lang ulit ako sa pag-uusap nila dahil mukhang matatagalan pa.
“Wait lang, Ezekiel. Ako ang gusto niyang kausapin, hindi ba? Bakit ba ayaw mo na maka-usap ko siya? Puwede naman kaming mag-usap sa harap mo para hindi ka na kinakabahan diyan.”
Tumayo nga si Daddy para sana pumagitna sa amin at masyado na kaming maingay sa kuwarto pero umiling na lang ako, alam na niya ang ibig sabihin ng ganoon. Nakapag-usap na kami tungkol sa mga ganitong bagay.
Sinamaan lang ako ng tingin ni Avery dahil sa pagsagot na ginawa ko kay Ezekiel. Napaka-protective naman nila sa isa’t-isa.
“What? Don’t look at me like that, Avery. Just say what you want to say.” Kitang-kita ko kung paano umikot ang mata niya para irapan ako. Crap, I can do better than that! Hindi na lang ako gumanti sa pag-irap dahil hindi naman worth it.
“Sinabi ko naman sa iyo na layuan mo si Kiel pero patuloy ka pang lumalapit sa kanya. Hiwalay na kayo, hindi ba? Lahat na lang ba talaga ay aagawin mo sa akin?” I smirked, para lang maasar ko siya.
Nagulat ako sa pagtatanong niya at sa pagkasasabi niya ng mga iyon. Hindi manlang siya kumurap na ipinagsigawan niya sa pamilya ko na hiwalay na kami ni Ezekiel. Sasagot na sana ako noong narinig kong nagsalita si Jace.
“Daddy, is it true? Hiwalay na po sina Ate at Kuya Kiel?” To be honest, naawa ako sa pagtatanong ni Jace. Nakalimutan ko na hindi naman niya alam na maghiwalay kami ni Ezekiel. Binulungan na lang siya ni Daddy kaya tumayo sila at pumasok sa kuwarto nila.
“Can you be more careful with your words and actions, Avery? Hindi ka na naawa sa kapatid ko. Wala siyang alam sa nangyayari kaya umayos ka naman.”
She smirked too. “Really, huh? Concern ka sa kapatid mo?” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.
“Excuse me lang din, ah? Wala ako naaalala na inagaw sa iyo, Avery. I don’t want to explain anymore, hindi ka naman nakikinig sa kausap mo. Gusto mong ikaw palagi ang nasusunod. Umalis ka sa kuwarto na ito, kung gusto mo ay hilahin mo na rin si Ezekiel para mawala na kayong dalawa sa harapan ko. Mag-iingat ka sa ginagawa mo, sayang naman kung ako lang ang magiging dahilan ng pagkasira ng career mo kapag nalaman ng ibang tao kung gaano kagaspang ang ugali mo.”
“Bakit ka ba kasi bumalik?” she asked.
“Don’t worry, hindi ako bumalik para bastusin mo nang paulit-ulit. May title ka nga na international model pero palaging gulo naman ang kinasasangkutan mo sa iba’t-ibang article. Hindi ka ba naawa sa mga magulang mo. Bakit ka ba nagkakaganiyan?”
She laughed. “Sino ka para sabihin iyan sa akin?”
“Wala, I’m nobody. At ang nobody na ito ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras ng isang sikat na model na kagaya mo.”
“Ate Ren,” she said to irritate me. Alam ko naman na mas matanda ako sa kanya kaya hindi niya kailangang ipamukha iyon sa akin. Gustong-gusto ko pa naman na naririnig noon na may tumatawag sa akin na Ate . . . maliban sa kanya! I can accept this conversation if Kiel is his boyfriend or if they are dating! Kaya kong tanggapin na nagseselos siya sa akin kung girlfriend siya ni Ezekiel! It’s clear that Ezekiel can’t have a girlfriend dahil nakipaghiwalay nga siya sa akin dahil bawal iyon sa kontrata nila! Pero kung wala naman silang dalawa, bakit ba niya ako ginugulo?
Isa pa, narinig kong sinabi ni Grandpa na hindi girlfriend ni Ezekiel si Avery ngayon at naniniwala ako kay Grandpa.
Kasalanan ko na naman ba na pinaglalaruan kami ng tadhana ngayon? Alam ko rin na naging sila at itinago pa nga nila iyon noong una pero dahil parehas silang model ay hinayaan sila ng kumpaniya na iyon. Ganoon ka-controlling ang agency na napasukan nila, kailangan pala ay model silang parehas para balewalain ang kontrata? Kalokohan! Mga mukha silang pera! Bakit kailangan niyang ipaalala na siya ang pinili ni Ezekiel? Bakit kailangan niya akong saktan nang ganito? Bakit apektado pa rin ako?
Gosh, ang dramatic na namin ngayon. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil sa kanya ay papatulan ko na aiya. Hindi ko pa siya pinapatulan sa lagay na ito dahil nga mas matanda ako sa kanya. Kailangan kong kontrolin ang pagkainis ko.
“Huwag mo akong tawagin na Ate kung patuloy mo lang akong babastuain. Nandito ako kasama ng buong pamilya ko dahil gusto namin mag-relax. Narinig mo ba? Pamilya ko ang kasama ko kaya sana manlang ay mairespeto mo iyon. Kung ayaw mo na nandito si Ezekiel, ikaw ang magpalabas sa kanya tutal ay kanina ko pa siya pinaaalis dito. Hindi ba kayo nahihiya? Masyado niyong ginugulo ang family bonding namin. Akala ko ba ay busy kayo? Bakit nagkakaroon kayo ng oras sa amin ngayon?”
“I’m going to say everything to him!” Parang bata na nakawala sa kural ang isang ito.
“Go on, Avery. Hindi naman kita pinipigilan. Sinisiguro ko na walang magbabago kahit sabihin mo pa iyon sa kanya. Panindigan mo ang pagiging spoiled brat mo.” Ang sarap sabihin na, Sabihin mo Avery para malaman mo talaga na hindi ka niya mahal. Pinili ka nga niya pero hindi dahil mahal ka niya. Pinili ka niya dahil sa pangarap niya. Pero hindi ko iyon sasabihin dahil alam kong masasaktan siya. Isa pa, ano naman ang alam ko kung totoong naging sila lang dahil kailangan nila iyon sa pagsikat? Malay ko ba kung na-develop ang feelings nila para sa isa’t-isa?
“Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya? Malalaman din naman niya iyon.”
“Bakit ko sasabihin? Ikaw na nga ang nagsabi na hiwalay na kami, hindi ba? Hindi na niya concern ang bagay na iyon. Besides, ayaw mo ngang malaman ng ibang tao kasi baka masira ang reputasyon mo . . . reputasyon na hindi ko alam kung may ikasisira pa. Stop being spoiled brat, Avery.”
“I hate you!” she shouted.
“Same to you!” I replied.
Hindi maiiwasan na maisip na minsan na rin akong napa-away dahil kay Ezekiel. Hmm . . . parang madalas pala iyon. Nauulit na naman ngayon. Hiwalay na nga, hindi ba? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Nananahimik na ako kaya huwag na nila akong guluhin. Dahil sa ginagawa nila ay mas tumataas ang harang para hindi sila muling makapasok sa buhay ko.
PAGKATAPOS NG AWAY NA iyon ay nagpaalam ako sa kanila na bababa lang. Hindi kaagad ako makatutulog dahil sa ginawa ni Avery. Matatanggap ko kung ako lang ang babastusin niya pero huwag niyang idadamay ang pamilya ko.
Bumaba rin naman ako para mapag-isa. Kapag nag-stay ako sa kuwarto ay hindi naman ako makatutulog dahil magtatanong pa sa akin sina Grandpa at Kuya Angelo. Mas mabuti siguro kung hindi na lang talaga ako bumalik ’no? Mas tahimik ang buhay ko sa Canada . . . pero malayo sa pamilya.
Magiging okay naman sana ang staycation na ito kung hindi lang umeksena si Avery. Hindi ba siya napapagod sa pang-aaway niya sa akin? To think na wala naman silang relasyon ni Ezekiel. Daig pa niya si Jace kapag nagta-tantrums!
Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya? Kung umasta siya ay parang ako pa ang may kasalanan sa kanya? Hindi ba niya naisip na siya ang sumira sa relasyon na mayroon kami ni Ezekiel noon? Siya pa ang may ganang sumugod ngayon.
Iba na rin talaga ang panahon ngayon ’no? Mas matapang na ang mga taong walang karapatan. Wala siyang karapatan noon dahil ako ang mahal pero . . . iba na siguro ang sitwasyon ngayon.
Umupo ako at tumingala para makita ko ang bituin. Itinaas ko ang kamay ko at mistulang inaabot ang isang makinang na bituin. Parang tanga, hindi ba?
Ezekiel . . . gaano ka na ba kataas ngayon? Sabay naman tayong nangarap noon pero makasarili ba ako kung hihilingin ko na sana ay hindi ka na lang sumikat nang todo para nanatili ka pa rin sa tabi ko?
Mahigit sa isang taon na rin naman ang nakalilipas. Bakit parang hindi humuhupa ang sakit? Gaano ba kataas ang pangarap niya? Gaano siya kasaya sa kasikatan na mayroon siya para mas piliin na ako ang bitiwan niya?
Bakit masakit pa rin?
Ibinaba ko ang kamay ko at akmang tatayo na noong may tumabi sa akin. Sinusundan ba niya ako? Hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.
“Huwag ka munang umalis, Lauren. Puwede naman siguro na tabihan mo ako, hindi ba?” Ezekiel asked. “Kahit ilang minuto lang ay puwede ka bang manatili sa tabi ko?”
Nasasaktan na nga niya ako pero parang napakadali para sa kanya na pabalikin ako.