Binuksan ko ang sasakyan ko at sumakay, sandali muna ako naupo roon bago binuhay ang makina. Nanghihina ako at tila 'wala ako sa wisyo mag maneho ngunit pinilit ko makita at makasama ko lamang si Mitch. Kalahating oras ako nagmaneho at talagang hinang-hina ako. Nahihilo ako ngunit binalewala ang nararamdaman hanggang makarating sa bahay ni Mitch. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa suot kong relo, ala-singko na ng madaling araw. Sinuklay ko ng daliri ang buhok ko at nagsimula mag doorbell sa gate nina Mitch. Naka ilang pindot pa ako ng doorbell ngunit 'walang nagbubukas. Doon naglakad ako patungo sasakyan ko at nanghihinang napa kapit roon bago pa ako bumagsak sa sahig. "Bakit ka nandito?!" malakas na sambit mula sa gate kaya't napalingon ako rito. "Mi-Mitch," mahinang sambit ko sa p

