MITCHELL QUINN POV. Nang makaalis ako sa kinroroonan ni Elvis ay nakahinga ako ng maluwag. Hawak ko ang dibdib ko at dumampot ng basong may lamang tubig at ininom. Nalipat ang tingin ko kung saan nakatayo ang Mommy ko. Dahan-dahan lumapit ito sa akin at seryoso akong binalingan. "Mag pakasal ka na kay Elvis, sumama ka na sa kaniya anak," wika ni Mommy na kina kunot ng noo ko. "Bakit ninyo pinipilit ang bagay na 'yan sa akin! Ako mag de-desisyon kung sino at kailan ako magpapakasal Mom, bakit hindi n'yo ba maintindihan iyon!" mahabang sikmat ko kay Mommy. "Dahil sa ikabubuti mo Mitchell, kaya pinipilit kita kay Elvis. Mga bagay na hindi sa akin naibigay ng Papa mo, matagal kong hiniling na maging marangya at maging maayos ang buhay natin. Pinaghirapan namin ang bahay na ito, ang lahat n

