Hinarap ko ang ilang tauhan na suot ng mga itim na suit. Nakaharang sa harapan ko at unti-unti niluwagan ang pagitan ng mga ito at lumabas mula sa gitnang pagitan ng mga ito ang isang maskuladong lalaki. Maraming tattoo mula sa leeg pataas sa batok at sa semi kalbo nitong ulo. Nagkatitigan kami nito, nag tagisan kami ng mga tingin nito at nilapat nito ang kabilang kamay upang makipag kamay. Tinapunan ko iyon ng tingin at binalik rin sa mga mata nito. Tumitig ako rito bago ko simulan makipag kamay rito. Nakikipag kamay ako rito nang sumulpot sa harap namin ang ilang tauhan ko at ipinakita ang naglalakihan na mga attached case na mga dala nito. Ngumisi ang lalaki at sumenyas sa ilang tauhan nito. Doob binagsak sa harap ko ang dalawang naglalakihan na mga bagahe. Tinapunan ko iyon ng tingi

