Habang sinasariwa ko ang pangyayri ay nagdidilim ang mga paningin ko sa galit. Nagkukuyom ang mga kamao ko ngunit ang agad kumalma ng mayakap ako ni Mitch. Hinagod nito ang likuran ko kasabay ng mahigpit na yakap nito. "Mabuti pa mag pahinga ka na, pasensya ka na pero hindi mo ako masisi Elvis," saad pa nito nang bumitaw sa pag yakap sa akin. "Yeah, it's alright babe. Naiintindihan kita, so please. Stay with me as of now, i need you," malumanay kong saad rito at marahan itong tumango. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito makukumbinsi. Batid kong kung minsan ay nahihirapan akong intindihin ito. May mga ugali itong hindi ko gusto ngunit ano man ang gawin ko ay nahuhumaling pa rin ako sa babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit o hindi kaya't nakikita ko rito si Lorraine. Pakiramdam ko ay

