Mainam gamitin ang damit ko dahil purong cotton ito at hindi magaspang," mahina ko na bulong sa sarili. Itinaas ko ang damit niya mula sa tagiliran niya. Nahinto ito sa pagmamaneho at tumitig sa mga mata ko.
"Itatali ko ito sa tagiliran mo para hindi umagos ng umagos ang dugo sa sugat mo," wika ko. Hindi naman ito tumanggi at hinayaan ako.
Doon ay itinali ko ang damit ko sa tagiliran niya at natakpan nito ang na kanina umaagos na dugo sugat niya.Huminto ito sa pagdurugo at nang makakita pa ako ng extra na damit ay mabilis ko ito kinuha at nagsalita sa lalaki.
"Mag palit ka na din ng damit mo, basang basa sa dugo ang polo na suot mo," saad ko rito. Doon ay nag umpisa na ito tanggalin, isa-isa ang butones ng polo na suot nito, habang ang mga mata naman nito ay nakatuon lamang sa akin.
Hindi ako makatingin dito at sa ibang gawi ako bumaling ng tingin,hanggang sa nahubad na nito ang polo na suot kanina at mabilis ko inabot ang damit na upang mag palit na ito.Napatingin ako ng hindi sinasadya habang nagsisimulang isuot nito ang damit na inabot ko. Tumitig at humanga ako sa ganda ng katawan nito, may malaki itong tattoo sa dibdib nito at mayroong six-packed abs.
Pero maya-maya ay nag alis din ako agad ng tingin hanggang sa masuot na nito ang kulay maroon na t shirt at inihagis sa backseat ang kaninang polo na puno ng dugo. Saan ako dadalhin ng lalaking ito, kung sa ospital ang tungo namin ay dapat kanina pa kami nakarating pero bakit parang ang layo na ng narating namin. Sabi ko sa isipan ko nang ipagpatuloy na nito ang pagmamaneho. Tahimik ako nakaupo sa tabi nito at nakatanaw lamang sa bintana ng sasakyan. Maya-maya lang ay huminto ito sa tapat ng isang napakalaking bahay.
"Bumaba na tayo," saad nito.
Naku! Tiyak na magagalit ang Mommy ko sa ginawa kong ito. Kung kani-kanino ako sumasama at sa lalaking hindi ko pa kilala, bumaling ako sa lalaki at nag salita.
"Sandali, bakit nandito tayo? Akala ko ba sa Hospital ang tungo natin," turan ko rito ngunit hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lamang sa pagbaba ng sasakyan. Wala na ako nagawa at bumaba na na lang din ng kotse. Sumunod ako dito papasok sa malaking bahay, nakita ko pa ang paglalakad nito ay tila mabagal at hawak ng isang kamay ang sugat sa tagiliran nito. Kaya naman mabilis ko kinuha ang braso nito, tumitig ito sa akin nang alalayan ko ito sa paglalakad. Nang makapasok kami sa malaking bahay ay nakita ko ang napakaraming tauhan nito.
Nakasuot ang mga ito ng black suit, ang iba ay nagbabantay sa labas ng malaking bahay ang iba naman ay paikot-ikot lamang sa loob ng malaking bahay at bitbit din ng mga ito ang mga malalaking baril. Ano ba itong pinasukan ko mukhang nagkamali ako ng taong tinulungan? Mga sindikato siguro ang mga ito. Nakakatakot ang mga ito bakit ba ako sumama rito. Kailangan ko nang umuwi sa amin. Agad ako bumitaw sa lalaki kaya naman napatingin ito sa akin ngunit maya-maya lang ay ipinagpatuloy na nito ang paglalakad. Hindi na ako sumunod pa dito at nag iba ako ng gawi ng tungo pabalik sa pintuan na pinasukan namin. Ngunit natigilan ako nang lumingon sa gawi ko ang lalaki na tinulungan ko.
Pinagmasdan ako nito habang ngayo'y papalayo na sa kaniya. Nang malapit na ako sa pintuan palabas ng malaking bahay, narinig ko ang mahina na pagsipol nito at biglang patakbo lumapit sa akin ang mga tauhan nito.Pinigilan ako ng mga ito upang hindi makalabas ng pinto, nanlaban ako sa mga ito at nagsalita.
"Bakit ninyo ako pinipigilan makalabas?!" galit na tanong ko sa mga ito.
"Bitawan ninyo ako! U-uwi na ako sa amin." dugtong ko pa na sigaw sa mga ito Bumaling ako sa lalaki na tinulungan ko.
"Kuya, anong kasalanan ko sayo? Tinulungan lang naman kita, ah" sigaw ko sa lalaki at dahan-dahan ito lumapit sa gawi ko.
"What did you call me? Kuya?" wika nito at tumawa ng tipid.
"Anyway, my name is Elvis, and you? Ano'ng pangalan mo?" tanong nito. At nang mapansin nito ang hindi ko pagsagot agad nagbigay ng senyas ito sa mga tauhan nito na bitawan ako.
"I'm Mitch," sagot ko.
"Gusto ko na sana umuwi na at tutal naman ay nakauwi ka na rito sa bahay mo kaya u-uwi na din ako," dugtong ko.
Ngumisi ito at sumagot. "Akala ko ba tutulungan mo ako. I need your help," turan nito at hinimas ng hinlalaki na daliri nito ang labi ko. Nag iwas ako ng mukha at nag salita.
"Oo, pero nakauwi ka na at mukhang magiging okay ka na, kaya bahala ka na." Matapos ko sabihin iyon akmang tatalikuran ko na sana ito ngunit bigla itong nag salita at natigilan ako.
"Gamutin mo ang sugat ko, " Anas nito.
Bumaling ako rito at gulat na sumagot.
"What?! Pero hindi po ako doktor?!
Hindi ako marunong mag gamot ng sugat," maagap kong turan dito ngunit hindi ako nito sinagot at bumaling ito sa mga tauhan niyang na tabi ko.
"Take him up to my room and call doctor Jimenez, hurry up!" Utos nito sa mga tauhan nito. Doon tumalikod na ito at nagtungo paakyat ng hagdan, sumigaw pa ako habang papalayo ito.
"Sandali, Kuya! Hoy, Elvis! U-uwi na ako!" Ngunit hindi ako nito nilingon hanggang sa binitbit na ako ng mga tauhan nito paakyat sa malawak na hagdan.
"Wag ninyo ako hawakan! Kaya ko umakyat mag isa, " mataray kong wika sa mga ito at bumitaw ito sa akin habang nakasunod ang mga ito sa likuran ko.
Nang makapasok ako sa magandang kwarto,naabutan ko ang lalaki na nagpakilalang Elvis. Wala itong suot pang itaas na damit. Nakahiga ito sa malambot na kama habang pinagmamasdan ko ito at nakatayo lamang sa loob ng kwarto nito. Maya-maya lang ay nag pasukan na din ang mga katulong na may bitbit na mga gamot at iba pang mga gamot.
Nakita ko pang inasikaso ng mga ito ang lalaki at pinunasan ng basang bimpo ang mga braso nito na tila ba isa itong Prinsipe sa malaking bahay na ito. Nag buntong hininga ako habang pinanood ang mga ito na pinagsisilbihan ang lalaki. Maya-maya nakita ko na tatanggalin ng katulong ang sleeveless na nakabalot sa sugat nito pero agad pinigilan nito at nagsalita ito. Bumuntong hininga ako habang pinanood ang mga itong pinagsisilbihan ang mga lalaki at maya maya nakita kong tatanggalin ng katulong na babae ang sleeveless kong nakabalot sa sugat nito pero pinigilan nito iyon at nagsalita ito.
"Tawagin mo s'ya at sya ang gusto kong maglinis ng sugat ko," sabi nito sa katulong na babae kaya naman bumaling ang mga ito saakin at doon dahan-dahan ako lumapit dito at dahan dahan naupo sa kama malapit sa lalaki at ako ang nagtanggal ng tela'ng nakabalot sa sugat nito. Pinagsuot ako ng Gloves ng mga katulong at doon nilinisan ko ng bulak ang sugat nito hanggang sa pumasok ang isang matandang lalaki na nakasuot ng suit na itim at may bitbit ng attached case
at nagsalita ito.
"Anong nangyari, Elvis?" tanong ng matandang lalaki.
"Nadaanan nila ako," tipid na sagot ng lalaking si Elvis
"Mabuti iyan lamang ang inabot mo," sabi ng matandang lalaki at ngumisi si Elvis dito at sumagot.
"Iyang bagay na 'yan ang habang buhay nilang pagsisihan kung bakit hindi pa nila ako natuluyan mapatay!" mahabang sagot nito habang ako naman ay nakatitig lamang dito at biglaang may tauhan itong pumasok sa kwarto at napatingin kaming lahat at nagsalita ito.
"Boss! Patay na po si Jevan at Rexo,"
saad nito mula sa lalaking si Elvis.
"See..." tugon naman ni Elvis sa matandang doktor.
At nang makalabas ang tauhan nito ay nagsimula ng gamutin sya ng matandang lalaki at inalis ang bala ng baril mula sa sugat nito habang ako ay nanunuod lamang, at maya maya lang ay tinapunan ako ng tingin ng matandang doctor at nagsalita kay Elvis.
"Sino s'ya?" tanong ng matandang doktor.
"Ang pangalan n'ya ay Mitch," turan nito.
"Kaano-ano mo naman s'ya?" tanong muli nito.
"Kaibigan," tipid na sagot ng lalaki.
"Kailan ka pa nagkaroon ng babaeng kaibigan Elvis?" sambig ng matanda kay Elvis.
"Kanina lang," wika naman nito at doon napatingin ang matandang doktor mula rito.
"So, that's Great Elvis," wika nito sa lalaking Elvis.
At nang matapos ang pang gagamot ng matandang lalaki kay Elvis, mabilis rin ito nagpaalam at umalis ng malawak na kwarto. Binalingan ko ng tingin ang lalaking si Elvis habang nakahiga ito sa malambot na kama at namamawis ang mga noo at leeg, kaya naman agad ako kumuha ng malambot na towel at pinusan ko ang pawis sa noo nito at leeg. Doon napatingin ito sa akin at tumitig at nagsalita ako.
"Baka p'wede mo na ako ipahatid pauwe sa amin?" tanong ko rito at ngumisi ito.
"Wag ka mag alala makakauwi ka naman sainyo, wala akong balak sayo," saad nito sa akin. Doon ay kumunot ang noo ko rito at sumagot.
"Bakit hindi mo pa ako pauwiin sa amin?" tanong ko muli rito at natahimik ito.
"Dahil Gusto ko pang kasama ka," mahinang sambit nito sa akin. Doon naramdaman ang pamumula ng mga pisngi ko. Anong pinagsasabi ng lalaking ito? wika ko sa isipan ko.
Pinagmasdan ko ito at ganoon rin ito sa akin hanggang sa hinawakan nito ang batok ko at hinila papalapit rito. Hinagkan ang mga labi ko at nabigla ako sa ginagawa nito kaya naman hindi na ako nag inarte pa at tumugon sa halik nito.
Hindi ako kagandahang babae para tumanggi sa magandang lalaking gaya nito. 'Wala naman siguro masama kung makipaghalikan ako sa ibang lalaki gayon hiwalay na kami ni Max. Ilang minuto pa kaming naghalikan nang bigla itong tumigil at tumitig sa mga mata ko at doon unti-unti nitong hinubad ang suot kong salamin sa mga mata at nagsalita.