π™²π™·π™°π™Ώπšƒπ™΄πš 3

1057 Words
(PRESENT) Nang maalala ko ang araw na magkakilala kami ay tila nadudurog ang puso ko. Sa huli pala ay masasaktan ako sa lalaki na ito. Patakbo ako umalis sa school at nag hanap ng taxi na sasakyan. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang sarili ko ngayon. Paano ako muli magsisimula ngayon, kung durog na durog ako ngayon matapos ng pag iwan sa amin ni Daddy ngayon naman iniwan din ako ni Max. Matindi ang sakit na nararamdaman ko, umiyak ako ng umiyak sa loob ng Taxi at hinubad ko ang suot ko na makapal na salamin sa mga mata ko.Pinunasan ko gamit ng palad ang basa kong mga mata ng luh hanggang sa mahatid na ako sa bahay ng sinakyan ko na taxi. Agad akong pumasok sa loob ng bahay at dahan-dahan nagbukas ng pinto.Magulo ang loob ng bahay at nagkalat ang bote ng alak sa sala.Habang ang aking ina naman ay nakahiga sa mahabang sofa at lango sa alak.Nalungkot ako habang pinagmamasdan ang Mommy ko at tumulo ang luha ko.Hindi ka nag iisa Mom, nararamdaman kita dahil pareho tayo iniwan ng lalaking mahal natin,wika ko sa isipan ko at doon ay nag ligpit ako ng nagkalat na mga bote sa mesa.Naglinis din ako sa ilang bahagi ng loob ng bahay namin.Hinubad ko ang polo na uniporme ko at ngayon naka strap sando na lamang habang suot pa din ang maikling skirt uniform ko.Nang matapos ako maglinis ay nakaramdam ako ng gutom,nagtungo ako sa fridge at naghanap ng makakain pero wala ako ibang makita roon, walang laman ang refrigerator namin.Wala na din akong makitang kahit anong pagkain mula sa kusina.Kaya naman nagpasya ako na lumabas ng bahay at bumili na lamang ng makakain ko. Pasado alas singko na ng hapon nang magtungo ako sa Convinced store. Suot ko ang maikling skirt ko at sando strap habang naglalakad at hanggang sa marating ko ang Convenience store. Papalapit na ako sa store ay napansin ko ang isang itim na sports car.Huminto ito dahil hinarangan ito ng isang kulay puting van na ngayon nasa harap nito. Natigilan ako at pinanood ang mga ito ngunit laking gulat ko nang mag babaan ang mga armadong lalaki mula sa puting van.Mabilis isa isang binunot ang mga baril nila at pinaputukan ang itim na sports car.Nagsisigaw ako habang nakatayo at nag liliparan ang mga bala ng baril. Nabasag ang harapan ng salamin ng itim na sports car,saglit tumigil ang mga ito sa pamamaril kaya naman natigilan din ako habang nanginginig ang mga laman ko sa gulat,pinagmasdan ko ang mga armadong mga lalaki.Dahan-dahan nagbukas ang pinto ng sports car at bumaba ang isang lalaking nakaitim na black polong long-sleeved.Maganda ang mukha nito maging ang tindig ng katawan nito na para bang isa itong modelo.Bumaba ito sa sasakyan at napaawang ang labi ko habang bumaba ito ng sasakyan.Kasabay nito hawak pala nito ang isang machine gun at pinaputukan ang mga armadong lalaki sa puting van.Muli ako napasigaw ng malakas at hindi alam kung saan ako mag tatago,hanggang sa natigil ang putukan at ang mga armadong lalaki ay mabilis na sumakay sa van at pinatakbo ng mabilis pa alis ang dala nilang puting van. Mabilis ako tumakbo sa loob ng Convenience store upang doon magtago. Habang tanaw sa salamin ng Convenience store ang itim na sports car. Hindi pa din umaalis ito habang ang pinto naman ng kotse nito ay malawak na nakabukas, nagtaka ako dito at nag aalala sa may ari ng itim na sports car.Dahan-dahan ako lumabas ng convenience store para maki isyoso sa mga tao na nasa labas,doon ay napansin ko nasa loob lamang ng kotse ang lalaki at nakayuko ito sa manubela niya.Napansin ko din ang suot nitong polo na namamasa-masa ng dugo. Hindi ito masyadong halata dahil itim ang polo na suot nito,mukhang napuruhan ito ng mga armadong lalaki na kaninang nang galing sa puting van.Walang na ngahas na tumulong dito dahil hawak pa din nito ang machine gun na baril,kaya naman ako na lamang ang naglakas loob tumulong dito.Pinasok ko ito sa loob ng sasakyan at nag angat ito ng matalim na tingin mula sa akin kaya't mabilis ako nag salita upang maiwasan ang takot ko dito. "Tutulungan kita,dadalhin kita sa Hospital,"maagap ko na sabi. Dahan-dahan ko kinuha sa kaniya ang baril at inilagay sa backseat ng kotse. Hinayaan naman ako nito at muling ininda ang sugat sa tagiliran nito. Inalalayan ko ito at akmang ilalabas ko siya mula sa kotse niya pero pinigil ako at nag salita ito. "What are you doing,woman?"tanong nito. "Dadalhin kita sa Hospital,baka maraming nawalang dugo sayo.Kung uupo ka lang d'yan sa manubela mo baka d'yan ka na matigok,"mahaba ko na turan rito. "No,i'm fine."tanggi nito sa akin. "Anong sinasabi mo diyan.Eh,namumutla ka na nga d'yan sa sugat mo,"agad ko na sagot rito, at sumagot ito. "So,you want to help me,"turan nito. "Oo,"sambit ko. "Alright. Close the door of my car." Utos nito sa akin at mabilis isinara ang pinto ng kotse nito. Maya-maya lang ay ginalaw na nito ang manubela niya at binuhay ang makina ng kotse nito,bigla niya pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. Pinaharurot niya ito nang mabilis dahilan para mapasigaw ako sa gulat at mabilis kumapit sa kung saan. "Sandali,saan tayo pupunta?" tanong ko. "Ang sabi mo tutulungan mo ako,"tipid na sagot nito. "Oo,tutulungan kita.Tutulungan kita madala sa Hospital,"sagot ko. "Good and thanks for helping me,"turan nito.Sandali,parang wala naman ako ginawa bakit nagpapasalamat ito. "So,saan nga po tayo pupunta?"tanong ko muli.Hindi ito umiik o sumagot kaya't muli ako nagtanong. "Sa Hospital ba tayo pupunta? "dugtong ko. "Yes,"sambit nito. "Eh,kaya mo naman pala dalhin ang sarili mo sa Hospital,Bakit kailangan isama mo pa ako.Bababa na lang ako ng sasakyan mo,"mahabang wika ko rito. Hindi ako nito pinakinggan at ipinagpatuloy lamang ang pagmamaneho ng sasakyan nito.Nagpatuloy ito sa pagmamaneho habang ang isang kamay nito ay hawak ang sugat sa tagiliran habang walang humpay sa pag dugo.Naghahanap ako ng tela na maaari ko gamitin para takpan ang umaagos na dugo sa sugat nito,doon napansin ko ang sleeveless na suot ko,naisip ko na ito na lamang ang gamitin at itali sa tagiliran na sugat nito. "Meron ka ba extra na t-shirt diyan o kahit anong damit?tanong ko dito. "Sa backseat,meron ako,"sagot nito. Mabilis ko kinuha iyon at nagpalit ako ng damit at isinuot ang damit nito mula sa backseat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD