Matapos magsalita ni Elvis agad ako napalingon sa sinabi nito. Bakas ang gulat at nanlalaki ang mga mata ko. "Sino?!" agad kong tanong. Natahimik ang paligid habang nasa akin ang atensyon. "Sino ba si Mitch?" taas kilay na baling sa'kin ni Trina. "Sa-sandali, ano po ba ang nangyayari?" naguguluhan kong tanong sa mga ito. "Bakit hindi mo alam?" tanong sa akin ng Ama ni Trina. "Of caurse, Dad. Hindi n'ya alam dahil lango s'ya sa alak that time," mataray na sabat ni Trina. Hindi ako naka-imik at nanatili lamang nakaupo, 'walang alam at naguguluhan kung ano ang nangyari. "Hi-hindi ko kasi alam ang nangyari, sorry po talaga," saad ko at dahan-dahan napalingon kay Elvis na kanina pa pala nakatitig sa akin. "Dad, hindi ako makikipag areglo. I will do that over my dead body!" sikmat ni Trin

