Saglit pa ako nagtagal nakatayo habang tanaw papalayo ang sasakyan ni Elvis. Niyakap ko ang sarili ko at kahit mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Elvis ay nakatingin pa din ako sa hindi kalayuan. Tila may bagay na gumugulo sa isipan ko, kung papayag na ako maging asawa ni Elvis. Ano na ang mangyayari, siguradong magiging masaya ako. Maiibigay nito ang lahat ng bagay na magkakapag pasaya sakin, maging ang pag ibig na matagal ko nang hinihiling sa isang lalaki. Ang totoong mahalin ako at maramdaman ang pagmamahal na hindi ko nadama kay Max. Ngunit natatakot ako subukan, natatakot ako gawin na baka isang araw ay mangyari ang isang bagay. Ang gumising na lamang ito isang at sabihin nitong hindi na ako ang mahal niya. Gaya nang naranasan ko kay Max, ayoko na muli danasin. Ang masaktan at

